. . . ⇢ 073 ˎˊ˗

236 21 2
                                    

━━ jasmine's.

"sagutin mo na 'yan."

"oo nga, kanina pa 'yan panay tunog."

napabuntong hininga ako saka iminute ang phone ko. nakita ko sa peripheral vision ko na napailing-iling si rochi habang si ate dani ay nag-aalalang napatingin sa akin. napatingin din ako sa kanya, nagtataka.

"bakit?"

"may balak ka bang gantihan siya?"

bahagya akong nagulat sa sinabi ni ate dani, maging si rochi din ay hindi 'yon inaasahan pero napatingin din siya sa akin habang nakakunot ang noo. ngayon, dalawa na silang weird na nakatingin sa akin na parang mga sira.

magsasalita na sana ako nang unahan ako ni rochi. "hindi mo naman siguro gagawin kay heeseung 'yung ginawa niya sa'yo 'no?"

"ha?" hindi ko sila ma-gets, seryoso.

"jas, alam kong galit ka sa kanya. pero 'wag mo sanang iisipin na gumanti sa kanya na tipong kunwari okay na kayo, magiging close ulit tapos ikaw naman ang biglang mang-iiwan at sasaktan siya." si ate dani ang nagsalita, habang ako ay natahimik lang.

sa totoo lang, hindi 'yan pumasok sa isipan ko. kahit ganito ako, palaging inaaway si rochi, may puso pa naman ako 'no! kahit galit ako sa ginawa ng lalaking 'yon, hindi ko maiisipang saktan siya gaya ng ginawa niya sa'kin.

napabuntong hininga ako.

natapos ang araw at pakiramdam ko buong afternoon class ay nakatulala lang ako. thank goodness at hindi 'yon napansin ng professors dahil ayokong ma-special mention dahil lang hindi ako nakikinig sa lessons namin.

"jasmine!"

naramdaman ko ang pagkabog ng malakas ng puso ko nang marinig ko ang tinig na 'yon. dali-dali akong naglakad palabas sa may bandang kanan dahil nasa kaliwa siya. sinadya ko 'yon dahil ayoko siyang makausap.

"oy, wait lang!"

hindi ko siya pinakinggan, mas lalo ko lang binilisan ang paglalakad ko. pero bahagya din akong nagitla nang may biglang humigit sa braso ko. napalingon ako doon at nagtama ang paningin naming dalawa.

hinihingal siya saka umayos ng tayo. ngumuso pa siya dahilan para makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan. "bakit ka ba ganyan? araw-araw mo na lang ako pinapahabol." pagmamaktol niya.

right. one week niya na 'tong ginagawa. tuwing after class, palagi siyang nasa labas ng gate ng DHU para maghintay sa akin. at ako? ayon, one week na rin siyang tinatakbuhan pero lagi niya 'kong naaabutan.

napakurap ako at hindi sumagot. ngumiti lang siya lalo. "tara na? promise, hindi na sa ramen house ang punta natin." narinig ko pa ang paghagikgik niya saka ako hinila papunta sa kung saan.

at muli ko na namang natagpuan ang sarili ko na walang magawa kundi ang magpadala sa kanya. well, hindi din ako makakapalag dahil mismong mga paa ko ay pinagtataksilan ako. mas gusto nilang sumama kay heeseung kaysa lumayo dito.

lihim akong napabuntong hininga.

another after class with him, ayos 'yan. naiiling-iling kong sabi sa aking isipan.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon