. . . ⇢ 026 ˎˊ˗

278 23 6
                                    

━━ jasmine's.

parang gusto ko na lang ilibing ang sarili ko sa lupa na 'to 'wag ko lang talaga makita ang gagong nasa tabi ko na kanina pa 'ko tinititigan. at sa totoo lang, malapit ko na talagang tusukin 'yang mata niya kapag hindi pa siya tumigil.

tangina.

todo iwas at tago na nga ang ginawa ko para lang hindi ako makita ni heeseung tapos lahat ng 'yon useless lang? hakdog kasi si ate na epal e. kung sana nakinig siya sa akin na mamaya ko na nga huhukayin 'yung akin edi sana wala ako sa tabi ni heeseung!

nandidilim paningin ko, parang gusto ko ilibing si ate na epal mamaya kapag wala ng mga tao.

argh!

hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang titig ng lalaking 'to like ano ba! maganda talaga ako at alam ko 'yon pero please lang, sana naman tumigil na siya sa kakatitig sa'kin bago ko pa maibato sa kanya ang palang hawak ko.

sinubukan kong 'wag siyang pansinin at nagpatuloy na lang sa paghuhukay. wala naman din akong balak na pansinin siya 'no at 'yung pagkausap ko sa kanya ay hindi ko din inaasahan kasi hindi ko nga siya dapat pansinin.

pero ewan ko ba, basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinabi 'yon kay heeseung kanina. at hinding-hindi ko na 'yon gagawin pa ulit! nope, hindi ko siya kakausapin. never.

ilang minuto din ang nagdaan at natapos na 'ko. isang wooden box ang nakuha ko at nang buksan ko 'yon, doon bumungad sa akin ang isang papel na nakatupi, isang teddy bear at singsing..?

watdapak, bakit may singsing dito? wala akong natatandaang ikinasal ako noong grade 5 pa 'ko ha. jusko, malilintikan ako kay tita kapag nalaman niya 'to.

"seungie!?"

gulat akong napatingin kay heeseung nang kunin niya bigla ang teddy bear sa box. hindi ako nakapagsalita at napatulala na lang nang makita ang pag-ngiti niya sa akin.

"sinama mo si seungie.. pero akala ko ba hate mo siya kasi gusto mo ako lang ang maging friend mo at wala nang iba?" rinig kong sabi niya na ikinanganga ko.

ano!?!? kailan ko 'yon sinabi!?

saglit akong natigilan nang manumbalik ang mga alaala sa aking isipan. noong time na ibinigay ni heeseung ang teddy bear na 'yan noong 10th birthday ko.

siya din ang nagpangalang seungie kasi kunwari siya daw 'yon kaya sa tuwing wala siya at may ginagawa ay si seungie muna ang makakasama ko at makakalaro. pero ayaw ko kay seungie kasi pakiramdam ko pinapalitan niya si heeseung.

pero lahat ng 'yon ay nakaraan na.

at ang nakaraan ay mananatili na lang isang nakaraan.

diretso kong tinitigan si heeseung at kahit ayoko siyang kausapin, kailangan para lang sabihin na hindi ko na kailangan ang teddy bear na 'yan. "kung gusto mo sa'yo na 'yang teddy bear na 'yan, itatapon ko na din naman 'yan."

matapos kong sabihin 'yon ay napansin ko ang paglaho ng ngiti sa kanyang labi. hindi ko 'yon pinansin at kinuha ang box ko saka nagsimulang maglakad palayo doon. at kung nasaktan ko man siya sa sinabi ko edi sorry not sorry.

sa kanya galing ang teddy bear na 'yon kaya dapat lang itapon 'yon.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon