. . . ⇢ 000 ˎˊ˗

363 12 6
                                    

━━ heeseung's.

"kuya kun!"

napangiti ako nang marinig ang boses na 'yon. "jamilla!"

"waaaaaa na-miss po kita kuya, kumusta na po kayo?"

"okay lang naman-"

"hee!"

napalingon ako sa likuran ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko. napalingon din si jamilla doon at pansin ko ang takot sa mukha nito nang makita niya si jasmine na papalapit sa amin.

"kuya.. 'yung bad girl." rinig kong bulong ni jamilla saka sumiksik sa likuran ko, i just smiled at her.

"don't worry." sagot ko saka bumulong.

"sure po kayo?" tanong niya na ikinatango ko. "okay po!"

nakangiting naglakad palapit sa amin si jasmine, bakas sa mga mata niya ang saya at magsasalita na sana nang mapatigil siya sa biglaang pagbato ni jamilla sa kanya ng tsinelas. kunot noong napatingin si jasmine doon.

"ikaw 'yung batang-"

"bad girl, ble!"

"aba-"

kaagad tumakbo si jamilla palayo bago pa siya malapitan ni jasmine. natatawa ko lang silang pinapanood nang may biglang humampas sa braso ko, napatingin ako doon at bumungad sa'kin ang nakataas kilay na si jasmine.

"inutusan mo ba 'yon?"

"inaway mo daw siya e-"

"aba hoy! mukha ba 'kong nang-aaway?"

"hindi, pero nakakatakot ka daw-"

"kingina mo, sagad." mura niya na ikinatawa ko lang lalo.

napansin kong napasimangot siya at akmang maglalakad palayo sa'kin nang mahuli ko kaagad ang pulsuhan niya. tumigil siya pero hindi niya 'ko nilingon, doon pa lang alam kong naiinis siya sa'kin.

"sorry, natakot lang talaga si jamilla sa'yo. saka hindi naman masakit 'yung bato ng isang bata 'no." paninimula ko pero hindi siya sumagot.

napabuntong hininga ako. "okay, batuhin mo na lang din ako-"

"samahan mo 'ko." putol niya sa'kin saka ako hinarap.

napakurap ako, nagtataka sa sinabi niya. "saan?"

"sa art gallery," sagot niya. "may gusto kasi akong bilhin." bulong niya pa pero narinig ko pa rin 'yon.

tumango lang ako na ikinangiti niya saka ako hinila, natatawa lang ako habang nagpapadala sa kanya. kung ito ang makakapagpasaya sa kanya, sino ba naman ako para hindi siya suportahan don?

seeing her happy makes me happy as well.

"nasaan ba?" tanong ko pagkarating namin sa art gallery.

"dito-" tumakbo siya sa may bandang kanan pero agad ding natigilan. "oh.."

kaagad akong naglakad palapit sa kanya at napatingin sa harapan namin. doon ay nakita ko ang isang hindi kalakihang artwork pero masasabi kong maganda- well lahat naman ng art dito.

isa 'yong moon na napapaligiran ng cherry blossom? hindi ako sure pero pink na may pagka-purple ang puno sa paligid nito habang may isang babaeng nakaupo sa swing at nasa harapan ng moon.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon