. . . ⇢ 016 ˎˊ˗

334 22 12
                                    

━━ heeseung's.

napahinto ako sa last message ni jake. matagal akong napatulala sa screen ng phone ko saka nagpakawala ng malalim na hininga. pinatay ko ang phone ko saka inayos ang mga gamit ko.

"alis ka na, hee?"

napalingon ako kay farah, one of my colleagues. nasa gym kami ngayon dahil free time namin at pumunta lang ako dito para tumambay. sumama naman si farah sa akin para maglaro ng basketball.

tipid lang akong ngumiti. "hmm, siguro uuwi na 'ko sa dorm namin."

tinaasan niya 'ko ng kilay. "ditching your class, huh? that's new pero sige support kita."

"sige, support din kita sa feelings mo para sa roommate mo." nakita ko siyang lumingon-lingon sa paligid bago ako sinamaan ng tingin dahilan para matawa ako.

"manahimik kang puta ka-"

napahakhak ako saka nagmadaling umalis ng gym nang akma akong babatuhin ni farah ng bola. napalingon pa 'ko at nakita siyang nag-middle finger with matching dila pa. napailing-iling ako, gago talaga e.

masasabi kong si farah ang pinaka close kong colleague kaya ganito kami sa isa't-isa. yep, close kami pero hindi ko siya tinatawag na friend. para sa akin, hindi sapat ang closeness para matawag mong kaibigan ang isang tao.

sa ngayon sila jake, jay at sunghoon lang talaga ang maituturing kong mga kaibigan.

at syempre siya.

napabuntong hininga ako.

kumusta na kaya siya? siguro nami-miss niya na 'ko sa mga oras na 'to.

mapait akong napangiti sa aking sarili habang tinatahak ang daan palabas ng building. sa kabila ng mga ngiti ko ay hindi ko pa maiwasang matawa ng malungkot kasi alam ko namang ginagawa ko lang tanga ang sarili ko.

idiot. nami-miss, huh?

it's been ten years since i left her. kinalimutan na 'ko non at for sure galit na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. pero hindi ko naman siya masisisi kasi sino ba namang tanga ang nangakong walang iwanan pero nang-iwan?

ako.

walang araw na hindi ko siya naiisip. tangina naman kasi bakit pa 'ko naging duwag noon? bakit kasi hindi ko na lang hinayaan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya? bakit hindi ako sumugal?

we were kids back then, i was 11 and she was 10. mga bata pa kami sa paningin ng mga tao pero nagawa kong ma-fall sa kanya that time. sounds ridiculous, right? ang bata ko pa pero maharot na 'ko, joke. pero totoo nga at hanggang ngayon..

.. siya pa rin.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon