. . . ⇢ 085 ˎˊ˗

218 24 1
                                    

━━ jasmine's.

"talagang sa mga pusa ka dumiretso."

i scoffed. "you know how much i love cats, hee."

narinig ko siyang natawa. "i know."

hindi na 'ko sumagot pa at nakangiting binigyan isa-isa ng pagkain ang mga pusa na nagsisimula na magsilapitan sa akin. natawa pa 'ko nang makita kong tinalunan ng matabang pusa 'yung isa para lang makuha ang hawak kong pagkain.

pero natigil din ang tawa ko nang makita ko ang isang kuting, may benda 'yon sa kaliwang paa dahilan para mapatingin ako sa staff na kasama naming naglilibot sa pet shelter.

"miss, ano pong nangyari sa kanya?" napatingin siya sa akin nang itanong ko iyon.

kumunot ang noo niya pero nang makita niya ang tinutukoy ko ay agad siyang umupo para magpantay kami saka pinat ang ulo ng kuting na may benda sa kaliwang paa. i smiled softly nang makita kong sumiksik ito sa kanya.

aww.

"this is lila, a survivor. nakita siya sa loob ng nabanggang sasakyan kung nasaan ang owner niya but unfortunately, everyone with lila is dead and she is the only one left. nabalian siya ng buto dahil sa aksidente kaya may benda siya." paliwanag nito.

napatango-tango ako saka napatingin kay lila. minsan lang ako maging soft at alam 'yan ng mga taong malapit sa akin. isa sa mga nagpapalabas ng soft side ko ay mga pusa. ewan ko, ang precious lang nila sa paningin ko.

"wala pa po bang umaampon sa kanya?"

napa-angat ang tingin ko kay heeseung nang sabihin niya 'yon. gusto ko sana magtanong pero 'wag na lang, tinatamad ako. tumingin ako ulit kay ateng staff at naghihintay din sa sagot nito.

umiling ito saka sinabing; "wala pa."

"oh? so pwede pa po namin siyang ampunin?"

napatayo ako sa sinabi ni heeseung, gulat na muling tumingin sa kanya. "aampunin mo si lila-"

"aampunin natin." putol niya saka ngumiti pa dahilan para matameme ako.

kingina ano daw?

tumikhim si ateng staff dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon namin. nakita namin ang pagkatamis-tamis nitong ngiti. "pwedeng-pwede, maraming couples na din ang nagpupunta dito para mag-adopt ng pets."

nagkatinginan kami ni heeseung sa sinabi nito pero agad din akong nag-iwas ng tingin at bumaling kay ateng staff. "p-po? pero hindi kami couples.." pagsasabi ko ng totoo.

nakita ko ang gulat sa mga mata niya at nahihiyang napakamot. "ay hindi ba? mukha kasi kayong mag-jowa. bagay kayo." sabi pa niya.

i heard heeseung chuckles habang ako ay parang sirang nag-iinit ang magkabilang pisngi. gusto ko na ngang ibaon si heeseung sa lupa kasi paano siya nakakatawa ng ganyan habang ako ay hiyang-hiya na dito?

"baka soon po."

"ha!?" hindi ko na napigilan at bumulaslas na lang bigla nang marinig ko 'yon mula kay heeseung.

natawa si ateng staff. "alright, babalik muna ako sa loob. kukunin ko ang mga form na pipirmahan niyo for adoption."

tumango lang si heeseung at nang tuluyan na nawala si ateng staff ay kaagad kong hinampas ang gagong tumatawa lang sa tabi ko. oo, kahit hampasin ko siya dala ng inis ay mas lalo lang siyang natatawa.

abnormal ampota.

pero nang maalala ko ang sinabi niya kanina, tumigil ako at nagtataka siyang tiningan. "about kanina.. seryoso ka talagang aampunin mo si lila?"

mukhang natigilan siya doon pero ngumiti lang siya. "sure na sure."

"pero bakit?"

"because i can see it through your eyes. naaawa ka sa kanya kaya naisipan kong ampunin si lila para ibigay sa'yo."

dahan-dahan akong napalunok. "s-sa'kin? bakit naman? bakit hindi mo na lang alagaan?"

"aalagaan ko din siya, of course."

"eh?"

he giggles softly and i swear, hearing him giggling like that makes my heart flutter. lumapit siya sa akin at tiningnan ako ng diretso. at dahil mas matangkad siya sa'kin, para akong batang nagtatakang nakatingala sa kanya.

matamis siyang ngumiti. "aalagaan natin siya ng magkasama."

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon