━━ heeseung's.
ang tagal niya naman.
kanina pa 'ko nandito sa labas ng restroom kasi sabi ni jasmine gagamit lang siya ng banyo pero ilang minuto na ang lumipas wala pa rin siya hanggang ngayon.
hindi niya naman siguro ako tinakasan 'no?
muling bumalik sa isipan ko si shin. hindi ko maiwasang matawa habang binabalikan sa isipan ko ang conversation namin kanina. ang cute niya lang habang nagsusumbong sa'kin tungkol sa guy niya.
plus the fact na marami silang similarities ni jasmine, pakiramdam ko tuloy si jasmine ang kausap ko sa tuwing nakakausap ko si shin. pero alam ko namang coincidence lang 'yon.
napaayos ako ng tayo nang makita si jasmine na lumabas ng restroom. finally, nakalabas na din siya at hindi siya nilamon ng bowl. ngumiti ako pero inirapan niya lang ako, halatang naiinis siya sa'kin.
at alam ko kung bakit.
"uuwi na 'ko-"
"nope."
napataas ang kilay niya sa sinabi ko at mukhang aalma pa ulit nang matigilan siya sa aking ginawa. i held her hands and intertwined our fingers. natawa ako ng mahina nang makita siyang mamula.
hindi na siya nakapagsalita kaya naman nagsimula na kaming maglakad paalis. tahimik lang kaming naglalakad pero para sa'kin, this silence is full of comfort at hindi na 'ko magtataka kung bakit.
everything feels comfortable every time i am with her.
BINABASA MO ANG
patawarin. lhs
FanfictionCOMPLETED. for ten years they hadn't seen each other, heeseung and jasmine haven't even thought about trying to talk to each other. but it seems like the universe had a mind of its own when the elementary school they attended had a program called 'm...