2: Wife

1.9K 47 6
                                    

Monday na naman kaya naghanda na 'ko para pumasok. I am now wearing our tourism uniform.


Humalik na 'ko sa pisngi ni Caliver at Trevor bago umalis.


"Ihahatid na kita," Trevor offered. Halting me.


Umiling ako saka ngumiti. "Si kuya Ogi na,"


Trevor nodded like a child. Wala rin kasing magbabantay kay Caliver dito sa bahay. Wala rin si Mom.


Nagpaalam pa ulit ako nang isang beses sa kanila saka sumakay sa kotse. Pagdating ko sa University ay nakita ko si Luigi na nakapamulsa at nakasandal ang likod maging ang isang talampakan sa pader. Nag angat siya ng tingin at lumiwanag ang mukha nang makita ako.


"Tharia!" Kumuway siya saka umayos ng tayo.

"Luigi!" Ngumiti ako.


Sinalubong niya 'ko at inakbayan. Aware naman si Luigi na may asawa at pamilya na 'ko. Paanong hindi, e kitang kita at lumiliwanag ang diamond ring na bigay sa akin ni Trevor. Sinabi ko sa kan'ya na huhubarin ko 'to kapag nasa eskwelahan ako dahil masyadong flashy pero hindi siya pumayag. Baka raw kasi may pumormang lalaki sa akin sa school at hindi maniwala kung sasabihin kong may asawa na 'ko kaya dapat, suot ko ang singsing ko.


Kaya mula first year college hanggang ngayong fourth year, may suot akong diamond ring. Mukha tuloy akong nagyayabang. Isa pa, Frenielle na rin ang gamit kong apelyido kaya ang pagkakakilanlan sa akin ng mga estudyante sa school na 'to, asawa ng isang business man at may-ari ng Frenielle Airlines.


"Hindi ko pa ata nakikita ang asawa mong naghahatid sa'yo?" Kunot noo niyang tanong.


"Busy e," Sagot ko na lang.


Nagpunta na kami sa classroom namin at agad ding nagsimula ang klase. Tinanong na kami kung saan namin gustong mag-OJT. Sa Hotel ba o sa Airline. Kung sa hotel ang pipiliin, sa Shangri La Hotel kami, at kung sa Airline naman, sa Frenielle Airlines. Sa totoo lang, sa Philippine Airlines naman talaga ang pag-o-OJT-han ng mga tourism students. Nag sponsor lang itong si Trevor na sa Frenielle Airlines na lang mag OJT ang estudyante dito sa university. Ang yabang.


Syempre, sa Airline ang pinili ko. Gano'n din si Luigi at si Mika. Isa sa pinakaclose ko rin sa classroom. Dalawang taon ang tanda ko sa kanila since naghinto nga akong sa pag-aaral dati.


Apat na buwan ang OJT namin. Malamang, magiging busy ako.


Sabay kaming mag-lunch nila Luigi at Mika. Sa totoo lang, mas close ko pa ang mga lalaki sa klase namin kaysa mga babae dahil parang... ayaw nila sa akin. Ewan ko ba kung bakit.


Nakiupo sa table namin sila Gilbert at ibang pang estudyante sa engineering department. Nakipagtawanan din sila sa amin.


Maya-maya, nagpaalam akong mag-ccr muna. Pagpasok ko sa banyo, ilang estudyante ang nakita ko sa loob.


"May asawa na pero lapit pa rin nang lapit kay Luigi." Sabi nung isang naglilipstick.


"Pati sa mga students of engineering, dumidikit din." Rinig kong bulungan bago ako pumasok sa cubicle.


Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman na bago sa akin ang mga isyung 'yan. Kaya rin siguro wala akong masyadong kaibigang babae dahil gan'yan ang tingin nila sa akin. Malandi daw.


Mukha ba akong papatol pa sa ibang lalaki?


Minsan nga ay may naririnig pa 'kong 'inakit' , 'ginayuma' kuno raw. Kilala kasi talaga si Trevor dito dahil isa siya sa school committee at isa sa mga chairman.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon