14: Baby

1.7K 53 5
                                    


You can scroll to the next chapter po bago n'yo 'to basahin. Iyon po ang chapter 13. Ewan ko ba rito kay wattpad, nagkabaliktad.


"Tita Vet, aalis na po kami." Paalam ko kay tita Vet nang pumunta ako sa bahay niya. At syempre, nasa likod ko si Trevor.


"Nakakadalawang araw ka pa lang dito iha, aalis ka na agad? Magpalipas na kayo ng gabi dito ng asawa mo, bukas na kayo umuwi. Pwede ba 'yon iho?" Sabay baling niya kay Trevor.


"Sure po, tita." Magalang na sagot ni Trevor.


"Kay gwapo ng asawa mo, Ria. Nagsabog ng biyaya ang Diyos, aba'y nagpaulan pa ata siya!"


Natawa si Trevor dito sa likod ko. Tuwang-tuwa sa puri sa kan'ya. Pagkatapos ng maikling kwentuhan ay nagpaalam na kami na babalik sa suite.


Habang naglalakad kami ay niyakap sa akin ni Trevor ang jacket niyang dala. Alas siyete na ng gabi at malamig ang simoy ng hangin. Naka sleeveless dress pa naman ako.


Umupo agad ako sa kama pagdating sa room.


"Tomorrow morning, babiyahe na agad tayo."


"T-teka... Hintayin muna natin si Kevin." Dahil ayokong umalis nang hindi nakakapagpaalam at nakakapagpasalamat sa kan'ya. Ngayon na nga lang kami nagkita tapos aalis na naman ako ng walang paalam?


Kitang kita ko kung paano kumunot ang noo ni Trveor.


"Who's Kevin?"


"Pinsan ko!" Agap ko agad.


Tumango lang siya at tinungo ang CR. Ako nama'y nakaupo lang sa kama at iniisip ang sasabihin pagbalik ni Trevor.


Napaayos ako ng upo sa kama nang lumabas na siya. Pumunta siya doon sa table at may inilagay sa duffle bag na dala niya. Pagkatapos no'n, lumapit na siya sa akin at naupo na rin sa kama. Ako nama'y nag iwas lang ng tingin dahil umuurong talaga ang dila ko.


"I was waiting for you. Sabi mo dadalhan mo 'ko ng lunch. Kaso hindi ka naman dumating,"


"Dumating ako-"


"Alam ko." he cut me off. "Pero hindi ka pumasok sa office ko."


"Dahil nakasalubong ko 'yung Chivalry."


"And?"


Napatingin ako sa kan'ya. Ano bang gusto niyang sabihin ko?


"Bakit andoon ang babae na 'yon?" Tanong ko na lang.


"May inayos siyang papeles. About shipping. Now, let's talk about why you left. Without a word. You should've go inside of my office para nakapag usap tayo. Hindi 'yung bigla ka na lang aalis nang hindi ako hinahayang makapagpaliwanag."


Nag iwas ako ng tingin at napapikit pikit. Fine! Nadala ako sa emotions ko, okay? Hindi ko naman kasi maiwasan dahil... Na-trauma din ako.


"Look, Ria." Saka siya lumapit sa akin at inangat ang baba ko.


"I love you. We promise to talk when we have a problem, right? Bakit ka umalis? Bakit hindi mo 'ko kinausap?" Marahan niyang tanong.


Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Halatang pagod siya.


"I'm sorry." Iyon lang ang nasabi ko.


"H-hindi ko... Sinasadya. Nagulat lang talaga ako sa mga sinabi ng babae na 'yon. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya o ano kasi..."


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon