8: Please

1.4K 49 5
                                    


Pagkabigay ko ng isang libong pera sa driver ng taxi ay agad na 'kong bumaba. Hindi na binigyang pansin pa ang sukli dahil talagang nilakihan ko ang bigay kay kuyang driver dahil sa kabaitan niya.


"Ma'am? Umiiyak ho ba kayo?! Sino hong umaway sa inyo?" Si Mang Jenson na alalang alala sa akin habang binubuksan ang gate.


"Ma'am? Ano hong nangyari?" Tanong pa niya.


"W-wala ho..." Sabi ko sa gitna ng mga hikbi.


"Papasok na ho ako sa loob," paalam ko.


Bago tuluyang pumasok sa malaking pinto ng bahay namin ay huminga muna ako ng malalim. Pinalis ko ang mga luhang naglalandas sa aking mga pisngi. Baka mamaya ay makita pa 'ko ni Andrew na umiiyak kung sakaling nasa sala man siya.


Unti unti kong binuksan ang pinto at nakahinga ng maluwag nang wala doon si Andrew.


Tahimik akong tumaas at dumiretso sa kwarto namin.


Nanguha ako ng damit na pampalit at papunta na sanang kwarto ni Caliver para doon maligo at matulog pero pagpihit ko ay nasa harap ko na si Trevor, hinihingal pa.


"Tharia," Pagtawag niya.


Kitang kita ko ang kaba at takot niya sa tono pa lang ng kaniyang pananalita.


Agad kong naibagsak ang damit na nasa bisig ko at humakbang paatras nang tumulak siya papalapit sa akin.


"Let me explain please..." Sabi niya habang patuloy ang paghakbang sa akin. Kahit isang metro ang layo niya sa akin ay amoy na amoy ko ang alak mula sa kan'ya.


"Huwag kang lalapit." Sabay atras ko at muling pagbuhos ng mga bagong luha.


"Sabing huwag kang lalapit!" Sigaw ko nang patuloy pa rin ang pagtulak niya sa kan'yang sarili papunta sa akin.


May gana pa siyang umuwi? E bakit hindi na lang sila nag hotel ng kahalikan niya kanina?


"Hear me out, Tharia," He just kept advancing towards me.


"Isang hakbang pa, Trevor. Binabalaan kita. Baka hindi kita matantya." Pinilit kong tigasan ang boses ko para malaman niyang seryoso ako. Hanggat maaari ay huwag niyang lubusin ang pasensiya ko kundi masasampal ko talaga siya. Na pinaka ayaw kong gawin. Pero kung mangungulit pa siya, baka nga dumapo na talaga ang kamay ko sa pisngi niya.


Tumango siya nang marahan at sumunod sa akin. Huminto nga siya at napahilamos ng mukha. "What you saw... That's..." Hindi niya maituloy-tuloy ang gusto niyang sabihin.


"Ano? Na lasing ka? Kaya nakipaghalikan ka sa iba? Sa harap pa ng asawa mo, ha?!" Kada sigaw ko ay siyang pagpatak din ng mga luha ko.


"Napakagago mo! Kung kailan ka nagka-anak saka ka pa nagloko!" Walang pagsidlan ang galit at poot sa puso ko.


Paano niya nagawa sa akin 'yon?


"I did told you not to drink when you have a problem or we're at some fight, right? E ano 'yung nakita ko? Hindi lang basta inom, Trevor!"


"I'm sorry..." Pagkatapos noon ay may narinig akong hikbi.


Nag angat ako ng tingin sa kan'ya dahil nag sorry siya. Meaning, he is guilty? At bakit siya pa ang umiiyak? Wala siyang karapatan!


"Tangina, habang ako 'yung inaakusahan mong baka may ibang lalaki, ikaw pala 'yung nagpapakasarap sa labi ng ibang babae!" Hindi ko na mapigilan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon