5: Late

1.2K 37 8
                                    

Bumuntong hininga ako saka inaya si Trevor na tumaas na. Tinulungan ko siyang hubarin ang coat niya at inabutan siya ng pampalit na damit. Diretso siya sa kama at agad na humilata.


Ako nama'y nagpunta muna sa banyo para umihi. Nagtoothbrush din muna ako dahil parang sumasakit ang ngipin ko.


Papahiga na sana ako sa kama nang may umilaw sa side table. I thought that was my phone but it is Trevor's.


Sinilip ko iyon at may nakitang nag-text. Out of curiosity, I opened it.


Agad na nagsalubong ang kilay ko sa nabasang text.


Chivalry:

Don't push yourself too much, love you💕


Halos naibagsak ko ata ang cellphone sa nakita at nabasa.


I looked at Trevor's sleeping face.


Ano ba talaga ang trinabaho niya?


I don't want to be childish nor think immature things. Hindi naman siguro siya nambababae right? All those years being together, he never let me fell that he is not contented and happy with me.


Humiga na lang ako sa kama at pinagragasa palabas ang mga iniisip.


He will never do that right? Find another woman?


Hirap ako sa pagtulog dahil sa nabasa. Pinilit kong pagdikitin ang mga mata ko para makapagpahinga na.


"Tharia? Get up. It's almost seven, malalate ka. Hindi ka ba sasabay sa akin papuntang airline?" Tanong ni Trevor na nagpagising sa akin.


Agad naman akong napabigwas sa pagkakahiga at agad na tumayo at dumaretso sa banyo.


7:30 lang ay dapat nandoon na kami!


Sampung minuto lang ata ako naligo at patakbong lumabas sa banyo.


Tawang-tawa pa sa akin si Trevor dahil nakikita niya 'kong nagmamadali sa pagbibihis.


I wore my underwear, panicking because it is already 7:16, I am even having a trouble clasping my bra so Trevor insisted.


"Ako na nga diyan," Saka siya lumapit at kinawit ang bra ko.


"Thank you." Saka naman ako pumuntang closet para kunin ang uniporme ko.


"Hindi ka na ba mag-bebreakfast?" Tanong niya nang pumunta ulit ako sa harap ng salamin.


"Hindi na." Sagot ko.


Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin patalikod. Agad naman akong nainis dahil naglalagay ako ng powder sa mukha.


"Lumayo ka nga Trevor, nag aayos ako dito."


Ngumuso siya sa balikat ko at agad akong hinalikan doon. "My baby is cold towards me. Did I do something wrong?" Malambing niyang tanong.


"Wala." Sagot ko saka pinilit na makawala sa kan'ya. Narinig ko ang mabigat niyang buntong hiningi.


Sabay kaming bumaba at pinuntahan ang anak namin na kumakain ng cereal sa kusina kasama ni yaya Cecil.


"Good morning, baby boy!" Masaya kong bati.


"Not a baby boy anymore mom," Caliver answered and held the spoon.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon