9: Sing

1.4K 42 16
                                    

Pagtataka ang unang bumalot sa akin. Wala ako sa kwarto ng anak ko kundi nasa guest room.


Agad akong bumangon at agad ding naramdaman ang hapdi sa mga mata.


Nakalimutan kong dampian ng bimpong basa ang mata ko kagabi bago matulog. Pero sa tingin ko, wala ring talab at mamamaga pa rin ito dahil sa tindi ng iyak ko.


Inalis ko ang comforter sa katawan ko at dumaretso sa CR. Naghilamos ako at nag toothbrush. Tumingin ako sa mata kong namumugto.


I groaned. "Ang sakit ng mata ko..." Bulong ko.


Nagtuyo ako ng mukha at lumabas na. Nagulat ako dahil nadatnan ko si Trevor na nakaupo sa kamang hinihigaan ko kanina. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri, bumubulong bulong din siya na parang may pinapractice.


"Anong ginagawa mo rito?" Walang buhay kong sambit.


Napatalon siya sa biglaan kong tanong.


"G-good morning," Bati niya sabay tayo sa kama.


"Anong ginagawa mo rito?" Ulit ko. "Ikaw ba ang naglipat sa akin dito?" Tanong ko pa.


"Yeah. Nilipat kita," Saka siya lumunok.


I pursed my lips and looked at him. Naghihintay kung may sasabihin pa siya.


"I am really sorry," He finally spoke. "I... Was drunk. I admit it, I was. Kung... Sumunod lang sana ako sa'yo, sa paalala mo, hindi na sana ako nagkamali. I should not have drink last night." Paliwanag niya.


Ako nama'y hindi siya pinansin at lumabas na ng guest room. Pumunta ako sa kwarto namin at kumuha ng damit. Pumunta ako sa CR at agad na naligo.


Hinubad ko na ang damit ko at nilubog ang sarili sa tub. Kahit anong paliwanag niya o salita, hindi ko siya papakinggan dahil hindi pa 'ko handa sa kahit anong kasinungalingang sinasabi at sasabihin niya.


"Tharia..." Trevor stepped inside the bathroom


Napadilat ako dahil sa tawag niya.


Mas lalo kong nilubog ang sarili ko sa tub dahil nakahubad ako at masuyo siyang nakatingin sa akin. Tsk. Bigla bigla na lang siyang pumasok dito sa banyo.


"Naliligo ako. Bakit ka ba andito?" Masungit kong tanong.


"Talk to me please," Humakbang siya muli papalapit.


"Pagkatapos ko. Mag-uusap tayo paglabas, hindi 'yung nasa CR tayo."


Marahan siyang tumango at lumabas na.


Napabuntong hininga na lang ako. Umiiral na naman ang pagkamakulit niya.



Nagsuot lang ako ng short at oversized shirt. Nag-spray ako ng pabango at naglagay lang din ng konting powder.


Dahan-dahan akong bumaba, lowkey looking for Trevor, ineexpect ko kasi na nasa kama siya at doon ako inaabangan.


Pagbaba ko ay naabutan ko sila sa dinning. Silang tatlo. Caliver, Andrew at siya.


"Mom! Let's eat! Daddy prepared breakfast for us!" Masayang bati sa akin ni Caliver.


Ngumiti ako at tinanguan siya. Tahimik akong umupo sa tabi niya at pinagsiklop muna ang aking mga buhok.


Pinaglagay ako ni Trevor ng juice sa baso at pinaglagay din ng pancake, bacon at egg sa pinggan.


"Tama na 'yan." Pigil ko. Masyadong marami ang nilalagay niya.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon