10: Love

1.4K 47 11
                                    

"Ang daming tourist at balik-bayan ngayon!" Asik ni Mika.


Sobrang dami ng tao sa airport. Summer na kasi kaya marami ring dayuhan.


"Gusto ko ring mag-boracay, magbakasyon kaya tayo?" Huwestiyon ni Mika.


"May OJT pa." Sagot ko.


"Edi sa Friday tayo ng hapon aalis, tapos mismong sa lunes na tayo umuwi at diretso OJT!" Pamimilit ni Mika.


Pinag isipan ko ang sinabi niya. Gusto ko rin namang makapagpahinga at pagaanin ang loob ko.


Tatlong araw ko nang hindi pinapansin si Trevor simula noong nagpaliwanag siya akin. Though kinakausap ko pa rin naman siya kahit papa'no. Sa kwarto pa rin namin ako natutulog dahil ayokong malaman ni Caliver na nag aaway pa rin kami ng daddy niya.


May... Tampo pa rin sa akin. Masakit pa rin. Kahit hindi niya intensyon iyon at nadala lang siya sa alak, still, it is his fault.


Dapat bang matuwa pa ako dahil nanghalik siya ng ibang babae dahil naalala niya 'ko?


His reason is nonsense at all.


We have the same scent?


Bullshit.


"Ano, Tharia? Game ka ba? Gusto ko nang isuot 'yung swimsuit ko! Ilang buwan rin akong nag work out para ma-reach ko ang body goal ko," Sabay pisil ni Mika sa bewang niya.


"Edi ikaw na sexy," Sabay ngisi ko.


"Anong ako na? E mas makurba ka nga ata kaysa sa akin, mukhang ako pa nga ang may anak kaysa sa'yo."


Napairap na lang ako sa sinabi niya. "Nambola ka pa." Sabi ko.


"Hindi ah! Totoo ang sinasabi ko. Anong secret mo 'te? May anak ka na pero para ka pa ring 20 years old. Kaya siguro baliw na baliw sa'yo si Trevor 'no?" She gave remark innocently.


Nawala naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Nag iwas ako ng tingin at ibinaling na lang ang mga mata sa mga flight attendants and piloto na naglalakad.


"Ano? Payag ka ba? Para ma-set ko na ang tutuluyan natin." Pangungulit pa niya. Sa isip isip ko, natatawa ako. Para talaga siyang si Aloha. Mahilig mangulit.


Speaking of, isama ko kaya siya?


"Itetext na lang kita kung pwede ako,"


"Okay. Isama mo si baby boy ha?" Mika's pertaining to Caliver.


"Hindi sasama 'yon, he would rather stay at home than go to a beach." Naiiling kong sabi.


"Kaya ang puti puti ng bata na 'yon e, ayaw sa sinag ng araw."


"Binibilad ko naman 'yon tuwing umaga 'no. Ang sabi ko sa kan'ya, kailangan niya 'yon para tumibay ang baga niya." Sabay tawa ko.


"Basta ha? Sabihan mo 'ko agad para makapag-book na 'ko."


"Oo na. Isasama ba natin si Luigi?" Tanong ko.


Napansin ko ang biglaang pagkailang sa kan'ya.


"H-huwag na! Tayo lang dalawa! Ang awkward naman 'pag may kasamang lalaki, hindi ba?"


"Awkward? E lagi naman nating kasama si Luigi ah?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Bakit? Nahihiya ka bang ipakita ang katawan mo sa kan'ya?" Pang-aasar ko.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon