3: Jealous

1.5K 50 2
                                    

Padabog akong sumakay sa kotse ni Trevor at agad na humalukipkip. "Ang rude mo naman!" Halos hampasin ko ang harapan ng kotse.


Siya nama'y sumakay na rin sa driver's seat nang nakakunot ang noo. Nang makaupo siya, binalingan niya 'ko. "What's the rude in telling that you are my wife?" Tinapunan niya 'ko ng tingin bago i-start ang kotse.


Napairap ako sa sagot niya. "Sana man lang, tinawag mo 'ko, hindi 'yung hihilahin mo na lang ako nang gano'n gano'n lang!" Pagsasabi ko sa kan'ya.


Nakita ko kung paano lalong kumunot ang noo niya sa rearview mirror.


He scoffed. "Teka, hindi ba dapat ako ang nagagalit dito? Dahil nakita kitang sumasakay sa kotse nang iba?" Pinaningkitan niya 'ko ng mata.


Napahinto ako at nag iwas ng tingin. "V-von just... offered, okay? Kasi umuulan. Baka kasi stranded 'yung susundo sa akin."


He sighed. "Kahit bumagyo pa o lumindol, sisiguraduhin kong makakarating ang susundo sa'yo, Tharia."


Napanguso ako sa sinabi niya.


"Who's that guy, by the way? Talagang may gana pa siyang tanungin kung sino ako," May halong bahid ng inis ang boses niya.


"A friend," I answered casually.


"A friend, huh?" He clicked his tongue inside his mouth.


"Kaibigan nga," Napairap ako.


Tumango siya pero alam kung hindi pa rin siya kumbinsido. Lahat ng frustration niya ay binibigay niya sa manibela kaya kapag nililiko niya ito, lumalabas ang malalaking ugat sa kamay niya.


"Where's my kiss?" Tanong niya matapos ang sandaling katahimikan. Ang mata niya'y nasa kalsada pa rin.


Napabuntong hininga na lang ako at lumapit. Pagkatapos ko kasi sa school, lagi ko siyang binibigyan ng halik pagdating sa bahay o kailan kami magkita.


Nilapit ko na ang labi ko sa mukha niya para mahalikan siya sa pisngi pero bigla siyang humarap sa akin kaya nagtama ang mga labi namin.


Napailing na lang ako at siya nama'y ngumisi na parang nanalo.


"Nasa'n nga pala si Cali?" Dahil kung siya ang sumundo sa akin, sino ang nagbabantay sa anak namin?


"Andoon si Mom, umuwi na kanina."


I nodded. Inaya ko siyang magdrive-thru muna dahil nagugutom ako.


"Order mo?" Tanong niya.


"Burger lang saka tubig,"


Tumango naman siya at agad na sinabi ang order ko.


Umikot na kami para kunin ang inorder. Pagbuklat ko sa paper bag ay 'yung mga sinabi ko lang kanina ang naroon, may isa ring fries na regular ang size.


"Hindi ka umorder?" Tanong ko sabay tingin sa kan'ya.


"I'm not hungry." Sagot niya.


Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula nang kumain.


Inalok ko siya ng fries at itinapat na iyon sa bibig niya. Nagulat ako nang pati ang daliri ko ay sinubo niya!


"Trevor!" Pagsaway ko. Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pagdadrive.


Nang makarating kami sa bahay ay agad akong sinalubong ng anak ko.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon