Kabanata 4

159 39 0
                                    

Tutor



I'd conducted solo activities in front of my subject teachers. I need to. Kahit man sa loob ng classroom o sa mismong loob ng faculty o nakaharap pa ang ilang teachers. They were looking at me, a bit disappointed. Kilalang-kilala nila ako malamang dahil isa rin ako sa mga nage-excel sa bawat subjects noon but because of what happened to me month ago, I screwed up.


Mrs. Feti smiles at me while nodding, checking those papers I've done with my answers and some essays. It is a special activity given to me so I can catch up on everything. Hindi lang pamilya ko ang ayokong biguin, pati narin ang aking sarili. These teachers have been depending on me every time may mga tawag ng school event for the past years. Ayokong mawala ang tiwala nila sa akin.


"Good job, Wesia. Natutuwa ako at kahit papaano ay gumagawa ka ng paraan para maipasa ang subject ko."


Pasasalamat at tuwa ang nararamdaman ko. But that was just for my politics subject. How about for others? I sighed. Paglabas ko ay agad akong nilapitan ni Freya para icongratulate ako.


"How did it go?"


I smirked. I know I shouldn't waste that time needing to learn more. How can I be so dumped with love at this age of mine? I'm just 18. I shouldn't be that serious. But I don't want to blame myself. I truly fell in love with the wrong person, e.


"Kinabahan pa ako don, ah! Lalo na 'yong si Mrs. Feti! Ginutom ako don."


Natawa nalang ako. "Ganon ka katakot sa kanya?"


She rolled her eyes on me. "Who don't? Halos lahat naman ng istudyante, 'di ba?"


I laugh at that again. Ganon na talaga ang tingin nila kay Mrs. Feti. Istrikto pero wala namang nasasabi kapag maayos ang mga grado mo.


"Nagugutom na ako. Tara kain na tayo!" Aya niya. It's half of the lunch time already. 30 minutes nalang ang naiiwan. Kailangan namin makakain ng maayos bago magtuloy ang klase. Ngayong oras ko lang kasi pwedeng ideliver ang mga pinasa kong 'yon. It's all thanks to Mrs. Feti. Nagpa-abala siya kahit na lunch iyon. I bet ngayon lang din siya kakain. I sighed out of guilt for that.


We will be having quizzes again later. Another chapter from the book. Para akong nakikipagkarerahan dahil kailangan kong ipasok lahat ng detalye ng pinag-aaralan. I have my own outlined notes for that kaya nilabas ko ang notebook kong iyon kung saan ko sinulat ang notes.


Tanging sandwich na lamang ang kinakain ko ngayon para hindi masyadong hassle.


"Sigurado kang iyan lang ang kakainin mo?" Nakataas ang isang kilay ni Freya.


"We don't have time. Kailangan ko rin magreview. May quiz tayo mamaya."


Umiling siya. Sa uri ng tingin niya ay parang pinagagalitan ako. "Nakakahabol ka ba sa mga previews topics natin? Ngayon ay mga bagong topics naman ang kailangan mong ipasok jan." Turo niya sa ulo ko. "Nahihirapan ka ba?"


I nod honestly. Dahil wala ng nagtuturo ay kailangan ko iyon aralin ng magisa. Do trial and error para may basehan parin kung ano ang tama sa mali lalo na sa calculus ko. I am so stressed already. Ayokong gambalain si kuya kahit alam niya ito dahil nakakahiya. Kagagawan ko naman ang lahat.

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now