Kabanata 6

127 38 0
                                    

Hit




Sa totoo lang ay ayoko ng ipagdiwang pa ang birthday ko. Marami ang magiging bisita tapos ay wala pa sila mama at papa. Pero naiisip ko parin na baka sakali may plano na si kuya. Or maybe, he wished me to celebrate para may maimbitahan siya. Kailangan dapat na tanungin niya ako kung gusto ko ba bago siya magplano pero ayos lang din naman kung anong gusto niya basta masaya rin siya. Hindi naman siya magp-plano ng basta-basta lang. I trust him.


"How about the foods?" Tanong niya habang hawak ang ballpen. Nasa harap nito ang listahan niya.


Kumunot ang noo ko, nag-iisip. I don't want those jolly foods pero baka may mga bata rin kaming bisita galing sa mga kapit-bahay. Spaghetti? Hinding-hindi naman iyon nawawala, di 'ba?


I told him what I like. Iyong limited lang din para walang naiiwan sa mga dadaang araw matapos ng birthday celebration. Hindi lang iyong mga common foods ang gusto ko. Nagpa-suggest narin ako ng mga putahe sa mga gustong dito nalang magdinner.


Kuya checked the list. Muli niyang pinaglaruan ang labi at saka uminom ng tubig.



"Masyado bang marami?" Paninigurado ko.


He shook his head and give me a smile. "No. This is okay. Ano pang gusto mong idagdag?"


I rested both my elbows above the table and forward myself near the paper to see it. Naroon ang paborito kong potahe ng ulam na, Chicken Curry.


"Ayos na iyan. Sa mga bata kaya? Sa tingin mo, magugustuhan nila iyan?"


"You'd already conclude spaghetti, cake, shanghai. Okay na ito. Hindi mo rin dapat iniisip iyon dahil ikaw naman ang may kaarawan at hindi sila."


Ngumuso na lang ako at tumango-tango. Mas gamay niya ang ganitong bagay. I wouldn't dare contrast him with all his decisions. At saka alam ko naman na tinatanong niya rin ako kung gusto ko ba ang isang bagay o hindi. He also respect my decision. Enough na iyon para mas lalo akong makinig na lang sa magiging kalabasan nito.


"Alam kong maghahanap ng mga drinks ang bisita pagsapit ng gabi. I will include light drinks only. No heavy's." Aniya.


After deciding things, saka pa lamang kami nag umpisang mag-asikaso papasok ng klase. Nasa kalagitnaan siya ng paglalagay ng mga naluto niyang frozen foods sa plato nang madako ang tingin niya sa mga papel na nasa harap ko. Hawak ang juice ay dahan-dahan kong ini-scan mula taas hanggang baba tapos ay ililipat ko ito sa panibagong page.


"Tutor mo na si Ash?"


I nod lazily and sat on one of the chairs. Agad kong ipinagsandok ang aking sarili. These notes helped me a lot. Ito ay iyong itinuro niya kahapon. Naintindihan ko na ang lahat. I just did some scan.


"I can hear people saying you're using him to make Renz jealous."


Chasing WesiaWhere stories live. Discover now