Kabanata 10

116 32 0
                                    

Restrain



"You okay?"


Bahagya kong nilingon ang nagtanong. One of our classmate. Si Samantha. I let out a deep exhale before finally turning myself to her. She smile so sweet. Lumalabas tuloy ang dalawang lubog sa kanyang pisngi. It's her dimples. Hanggang leeg ang buhok kaya mas nadepina ang busog nitong mga pisngi. Maputi siya at matangkad. Isa rin sa mga hinahabol ng mga kalalakihan.


I nod at her. "Ayos lang ako."


"It's your birthday. Ayos lang sa'yo na nakikita mo ang ex-boyfriend mo dito?" May panunuya sa kanyang boses. Kumunot ang noo ko at lumayo sa kanya. Kami lang ang tao dito sa kusina. Lahat halos ng gamit ay nasa pool area. Ang mga helpers ay naroon din para magserve ng mga bisita. Mayroon din sa living area.


" I don't care. Kuya invited him anyway."


"You should've declined it. Birthday mo naman 'to."


Naghugas ako ng kamay sa sink para gawing abala ang sarili. Bakit ba siya andito? Sinundan niya ba ako? At saka, kahit gawin ko ang sinabi niyang h'wag isama si Renz sa isa sa mga bisita, ano na naman ang iisipin ng tao? That I'm still bitter for not letting him come to my birthday? That will cause another issue again.


Umiling ako at nagpunas ng kamay sa mga nakalapag na tissue na naroon pa sa plastic. "I'm fine. Tutal, naka-move on naman na ako."


My tongue felt a bit weird. Tila hindi iyon ang gustong iparating. I heard her laugh. Mapang-asar ang tawa niya at parang hindi siya naniniwala.


"Parang hindi naman."


Kinuyom ko ang mga kamao ko at tinaasan siya ng kilay. At least she should have known her words. Why is she asking these things by the way? We're not even close enough.


"Oh!" She stare at my fist. "Relax." She chuckles too. "I'm not gonna talk again. Bye, Wesia!"


Suplada itong umiwas ng tingin at umalis nitong kusina. Huminga ako ng malalim bago sumunod para magpakita narin sa mga bisita.


"Happy birthday, Wesia! Here's my birthday gift!"


"Happy birthday!"


"Happy birthday, Wes! 19 ka na pala!"


Marami din ang nagbigay ng mga regalo. I smiled at them. Naipon na roon sa isang gilid ang mga gifts ko kung saan may poster card pa kung saan nakapaskil ang salitang 'Gift's Area'.


I didn't know them, though. Sa bagay, okay na rin iyong ganito. Naeexcite din ako mabuksan ang mga 'yon pero bukas nalang siguro.


"Sa pool area lang ako." Paalam ko sa mga tao'ng nasa living area. Kasama na doon si Renz. Ayoko doon. Isa pa, busy naman sila sa pagk-kwentohan at inuman. Ang iba ay nagpapadala lang ng pulutan. No one's eating properly. Ipinagkibit balikat ko ito.


"Argh! Ash!"


Ilang beses akong napakurap-kurap dahil sa nakita ko. Ang mga babae ay pinaghahabol siya. Naka two piece na ang mga ito. May ilang tao ang naliligo sa pool. Ang iba ay naka distansya para magusap at maginuman. Napa-iling ako at dumiretso kung saan si kuya. Finally, he's having his free time now eating barbeque.


"Oh, Wes. Do you want this?" Inabot niya sa akin ang isang stick ng meat. Naupo rin ako sa tabi niya at pinanood ang mga tao.


Si Freya naman ay nandoon din, lumalangoy. Nang umahon ito ay marami pang nag-abot ng tuwalya sa kanya na mga lalaki. Hubog na ang katawan nito. Wearing a color peach two piece, mas nagrereflect pa sa ilaw ang kulay ng balat niya. She has a glass skin that everyone also wants to have. Natawa ako dahil nagsusungit si Freya at walang tinanggap na tuwalya sa kahit kanino.


Naglakad ito sa isang lounge at doon kumuha ng tuwalya.


"Anong nangyari don?" Tanong ko. Kuya shifted on his seat. Ang mga paningin ay hindi iniiwan ang bawat galaw ni Freya.


"I told her not to strip in front of them."


Natawa ako sa sagot niyang 'yon. "Andito na ang swimming pool. Saan mo siya gustong maghubad?"


Hindi na siya sumagot. Muling nabaling ang atensyon ko kina Stone. Kinukulit na siya ng mga babae doon.


"Langoy na tayo, sige na!"


They want him to swim? Tumatawa lang ang bato at umiiling.


"Sige na! Ngayon lang ulit, oh!"


Sa dami ng mga babaeng namimilit sa kanya ay pinagtulakan na siya. I smirked, kumuha rin ako ng isang drink at ininom iyon. It's in a sexy bottle anyway kaya diretso ko itong iniinom galing sa bote.


"Lagi kayong magkasama ni Ash. Hindi ka niya naman siguro ginagawan ng kabulastugan niya." Mahinang sambit ni kuya. Umiinom din ng kaparehong alak.


"What do you mean?" Natatawang tanong ko. Alam ko na ang gusto niyang iparating pero parang nagtataka parin ako.


Stone is really a womanizer. Unang tingin palang, mahirap ng pagkatiwalaan. These days na magkasama kami, hindi ko siya nakikitang may kasamang ibang babae. Ngayon lang ata ulit.


"Like flirting you." Sagot ni kuya.


"Flirt siya kahit anong gawin mo."


"So, he's flirting you?"


I nod. Umiwas ako ng tingin nang pumayag na nga si Stone na lumangoy. He took off his shirt. Tatanggalin pa nga sana nito ang belt ay tinulak na siya ng mga babae sa pool dahilan ng paghampas ng tubig sa mga babae'ng malapit doon. Humiyaw sila tila sayang-saya sa pagkakabasa nito.


"Yes. He even want me to date him."


Kumunot ang noo ni kuya. Tinitigan niya rin si Stone na umahon sa pool. Tapos ay hinila ang mga babae'ng tumulak sa kanya dahilan para bumagsak ulit sila pool. Ang mga hiyawan nila ang umaagaw atensyon sa lahat.


"Ash, ano ba! I'm so wet right now!" Tumatawang sambit ng babae.


Stone smirked. The choice of words feels weird. Lumangoy ito kahit na suot parin ang itim na pantalon. He went back and forth. At sa dulo nitong swimming pool kung saan malapit kami ni kuya ay doon siya umahon. He immediately push his hair, back.


His eyes turned red because of the water. Ang mga patak ng tubig na nanggagaling sa kanyang buhok ay nalalaglag sa kanyang mukha papuntang dibdib. He lift himself up. Umagos ang mga naipong tubig sa kanyang pantalon. The girls adore him so much. Laglag ang mga panga nito nang lakarin ang distansya doon sa mga naipong tuwalya na binili rin ni kuya. He wipe himself. Naupo rin siya sa lounger at inilabas ang phone.


"Nagtiwala ka kay Renz. Sinaktan ka niya. Would you trust Ash, too? He's a womanizer."


Pero hindi ganon ang ineexpect kong sagot ni kuya. I expect him to say no. To say that I need to reject his offer because he's a womanizer. Pero mukhang hindi ganon.


Oo nga naman. Nagtiwala na ako sa tao'ng inakala ko ring, hindi ako sasaktan. What more to someone who's obviously can hurt you so bad. Napayuko ako nang maisip kong muli ang mga naiisip ko. Does it mean I want to fall inlove too?


Ah, yes? Iyon naman ang rason kung bakit nagd-date ang dalawang tao, diba?


"Ayaw mo ng lumangoy? Langoy pa tayo!" Aya ng mga babae doon. Kahit ang mga lalaki ay kinakanchawan siya.


Naroon din sila Jacob at George, mga kaibigan ni Renz. They were staring at him. Magkakaibigan naman sila. Magkakasundo silang tatlo pero kapag naroon si Renz ay umiiwas na sila kay Stone. Katulad nalang ngayon na andito na rin ito. Mukhang may hinahanap pa ito at nang magsalubong ang tingin namin ay para siyang nakontento.


Muling kumalabog ang puso ko nang maglakad ito papalapit sa akin. Kuya lift his head to see who's coming. Biglang tumahimik ang mga bisita at parang nasa amin ang atensyon.


"Here's my gift." Naka-abot sa harap ko ang isang maliit na paper bag.


Tumingin ako sa kanya at dahan-dahang tumayo. It was hard to throw all the things he gave to me. Ngayon ay may panibago na naman siyang ibibigay.


"Ah, s-salamat." Damn it! Why I am trembling?


Kinuha ko iyon. Hindi niya ba nakita yung area kung saan nakalagay ang mga gift na bigay kanina? Bakit pa siya nagpunta dito. It hurts to see him this close.


"Can we talk for a moment?" Sunod nitong sabi. Tumingin ako kay kuya para manghingi ng permiso. Alam kong galit siya dito. Nang tumango siya ay sumama na ako kay Renz. Muli kaming pumasok sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina kung saan walang tao.


"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko. Ngayo'y naiwan kami rito ay parang nahihirapan akong makahinga. Parang napakasikip ng espasyo kahit na malawak dito.


"I told you already. H'wag kang lalapit kay Ash, di ‘ba?"


Kumunot ang noo ko. Hindi naman kami magkalapit kanina. Ano bang problema niya?


"Why did you asked him to tutor you?"


"I need it!"


"Hindi mo ba kaya nang mag-isa 'yon?"


Nanliit ang mga mata ko. Para saan na naman' to. Kaya kong magisa iyon pero mas naging magaan ang ginawa ni Stone na pagtuturo sa akin. And I'm still thankful because of that. Nakakahabol ako sa klase.


"Are you using him to get me back?"


Doon ay parang sumabog na ang natitirang konsensyang meron ako para sa kanya. Hindi ko napigilan ang sampalin siya. So it's true? He's confident enough to act like this kasi alam niyang hindi ako makakakove on sa kanya. Just what Stone said.


"I'm not using him."


"Then get rid of Ash. I can tutor you if you want."


"Bakit ka ba ganito? Hiniwalayan mo na ako. Stop acting like a jealous boyfriend. Baka umasa na naman ako." Pagsasabi ko ng totoo. He was stunned for a moment. Umiwas ako ng tingin.


"It's okay. Umasa ka. Babalik din naman ako. Saglit lang 'to." Aniya na hindi ko maintindihan. Hinawakan niya pa ang kamay ko at tinitigan sa mata tila nagmamaka-awa. "Saglit na lang' to. Isang buwan at mahigit. I will be back to you."


Umiling ako at hinablot ang mga kamay sa kanya. "For what? Bakit ko kailangan maghintay?"


"I can't tell you this time. But can you wait for me?"


Gusto kong matawa. Mas lalo akong nasasaktan. Iniwan niya ako nang walang paliwanag. Ngayon ay sasabihin niya sa akin na maghintay ako dahil babalik siya? Ginagawa niya ang gusto niya nang hindi naiisip ang nararamdaman ko. I am not a toy to be treated the way he want. Na babalikan niya kapag namiss ulit akong laruin.


"Wesia..." Tawag niya sa aking pangalan ngunit umiling ako. I didn't talk back. Tumakbo nalang ako paalis at nagtungo sa aking kwarto. I felt him follow me kaya dali-dali ko ring isinara ang pinto ng aking kwarto nang makapasok.


Tumulo ang mga luha ko. He's so mean. I just want to forget him.


"Wesia, please open the door..." Boses iyon ni Renz pero nanatili akong bingi at naupo na lang sa kama.


"Wesia, please..."


Ginagamit niya lang ako basta-basta. Hihiwalayan niya ako nang hindi ako pumapayag pagkatapos ay sasabihin sa akin na hintayin ko siya? For what? Ganon siya katiwala sa sarili niya na hindi ako magkakagusto sa iba? Ganon ba kababa ang tingin niya sa akin? Na kayang-kaya niya akong paikutin sa mga daliri niya! Ngayon palang ay pinagbabawalan niya akong lumapit kay Stone wherein fact, hindi dapat. Gagawin ko dapat ang gusto ko!


My phone vibrates. Naroon iyon sa unan kaya tinignan ko ito. It was from Stone.


Stone:

Can you come here? Ayaw akong paalisin ng mga babae dito.


Umikot ang mga mata ko. Pwede naman siyang umalis doon nang hindi nagpapa-apekto sa mga babae'ng yon!


Nawala na ang katok sa labas. Binuksan ko rin ang regalo niya at nakitang isa itong bracelet na may ukit ng pangalan ko. Hindi ko man lang magawang puriin ang ganda nito dahil sa mga naipong hatred para sa kanya. Muli ko itong ibinalik sa box at tinago sa drawer ng study table ko.


My phone vibrates again. New messege from Stone.


Stone:

Please get me fvckin' out of here.


Malakas akong bumuntong-hininga at padabog na umalis na kwarto. Pakonti na ng pakonti ang mga tao. I saw Samantha smirking at me. Malamang ay nakita nila ang ginawa kong pagtakbo. Argh! Nakakahiya iyon.


Nagtungo ako sa pool area. Natigilan nanh may kung sinong sumisigaw doon.


The guy is drunk! Hawak nito ang palapulsuhan ng isang babae'ng nakabikini.


"Nalingat lang ako ng konti ay may nanlalandi na sa girlfriend ko. You fucker, anong gusto mong mangyari ngayon?"


The girl wearing the black bikini is stopping him. Wala man lang pake-alam si Stone. Nakayuko lang ito at busy sa kanyang phone. Nakatitig doon.


"Ano!? Sumagot ka!"


"That's enough. Iuwi niyo na 'yan." Sambit ni kuya sa mga kaibigan ng lalaki. They tried to take him away ngunit ayaw nito.


"Hindi! Kailangan kong bigyan ng aral' tong gago na 'to, e!" Then he stares at his girlfriend. "At ikaw naman, gustong-gusto mo talaga ang napapalapit sa lalaking ito!"


Nanginginig na ako sa lamig. Dahil sa eskandalo ay namama-alam na ang iba. Stone is wet. Mas nilalamig ang gago'ng yon!


Naglakad ako palapit doon at kumuha ng panibagong tuwalya para takpan ang kanyang ulo. The other towel is placed on top of his shoulders.


"I'm sorry for what happened. They're just having fun." Sabi ko sa lalaki. Tinitigan niya ako tila hindi kontento sa sinabi ko.


"Boyfriend mo ba yan?"


Nagulat ako sa lakas ng boses nito. Halos takpan ko na si Stone na siyang nasa likuran ko. Afraid he might get a punch from this man. Ang laki niyang tao.


I felt him held my hand. Tumingin ako sa kanya at sinamaan ng tingin. He's smiling ear to ear. Punyeta siya!


"Sa susunod ay pagsabihan mo yang boyfriend mo na h'wag papatol sa kahit na sino lalo na't kapag may boyfriend na!"


Gusto ko siyang sigawan pabalik na ang girlfriend niya ang kailangan niyang bantayan dahil ito ang lapit ng lapit kay Stone! Dapat alam niyang may boyfriend na siya para hindi na lumapit pa sa iba.


Naramdaman ko ang pagtayo ni Stone. I push him back. Tuloy ay sa tiyan niya dumampi ang aking kamay. It's freaking hard and warm! What the fuck!


"I will."


Matapos sabihin iyon ay umalis din ito hila hila ang kanyang girlfriend na hindi man lang pinagbihis.


Malakas akong bumuntong-hininga at lumayo sa lugar na iyon. Si kuya ay humingi ng pasensya sa mga bisita nang mama-alam narin ang mga itong uuwi na.


"Wesia!"


Akala ko ay naka-alis na si Renz pero paalis palang pala. Nilingon ko ang tumawag. Si Stone iyon na seryoso na ang mukha ngayon.


"Thanks. For showing up."


"Bakit hindi ka umalis doon? Tapos panatag ka pa. What if saktan ka niya?"


"Wes." Panunuway ni kuya dahil sa lakas ng boses ko. Ang mga helpers ay nagsisimula naring magligpit. Napatingin pa sa akin ang iba dahil sa boses ko.


"Baka siya ang masaktan ko." Sagot niya. Mariin siyang pumikit at yumuko habang nasa parehong baywang ang kanyang mga kamay. Nag-angat din ito ng tingin at diretsong tinitigan ako. "That's why I texted you to get me out from there."


"Bakit mo pa ako kailangan itext?"


"Ayoko ng madagdagan ang bagay na ikinaaayaw mo sa akin. And I think your presence will restrain me from killing that bastard." Pagkasabi non ay malakas din siyang bumuntong-hininga. Ang mga mata ay pumungay. "I'm sorry. Did I ruined your birthday?"

Chasing WesiaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang