Kabanata 23 - THE FINAL EDITED

87 25 0
                                    

A/N: For old readers of this story na laging nakasubaybay bawat update, kindly check again Kabanata 21, 22, and this chapter as I added some events. I'm really sorry for the inconvenience.

Thank you so much.

— sanedrome —




Debate



The moment I woke up, parang ayos lang. Para ding hindi.

I don't understand myself either. Habang papalapit ng papalapit ang dulo ng napagusapang araw ay bumibigat ang pakiramdam ko.

I do my morning routines maliban sa pagbibihis ng uniporme. It's Saturday. Nagbigay lang ako ng ilang minuto sa sarili para makapag-stretching. Pagkatapos ay binuksan ko rin ang phone ko to check on some notifications habang inaayos ang mga gamit.

Hindi parin talaga nawawala ang issue ko. May kung anong fandom si Ash Stone na sila-sila lang ang nagkakaintindihan sa mga pinagpopost nila sa facebook, patungkol sa kung gaano nila ako hindi kagusto.

'Oh my God! Today will be their 6th day of dating, Ash and Wesia! Matatalo niya ba si Shanta na tumagal ng 7 days!?"

Napailing ako sa post na 'yon. That's weird and childish. Kailan pa sila natuto ng ganyan? They're already in high school, hindi na dapat sila nangenge-alam ng buhay ng ibang tao. And what, Shanta lasted for seven days only? Tama talaga ang mga hinala ko kay Stone noon na ang iba niyang babae ay tatagal lang siguro ng oras. Matagal na ba para sa kanya ang seven days?

And there I remember his offer for seven days too! Wait — what? Tsk! Huwag niya lang akong igaya sa mga babae niya dahil kung ganon nga, lagot talaga siya sa akin!

My mood is too neutral for this morning that I can't be in a very bad mood even after reading their hate comments. Natatawa pa nga ako. Sa loob-loob ko ay gusto kong magmalaki. They hated me so much for dating the men they liked. Renz and Stone. Samantalang sila ay hindi man lang makalapit.

Noon ko pa 'to nararanasan at wala na ata talaga akong ibang choice kung hindi ang masanay at tanggapin ang mga walang kwentang paratang nila sa akin. Pero mukhang mas malala ngayon dahil may nag-aabang na sa akin. May mga nananakit na sa akin. Nakakatakot.

Bumaba ako sa hapag. This morning, naabutan ko si kuya doon na kakain palang. He's having coffee. Bihis na bihis rin ito ngayon. It's Saturday though? What's the occasion?

"Good morning." I greeted him. Inoff ko ang phone at naupo sa katapat niyang upuan.

"Morning." He greeted back without looking at me.

"Busy ka ata?"

"Oo. May minamadali akong project sa college campus. I'm also one of the senior exchange student sa EU. Iba ang activities doon at iba rin sa atin. Plus the art gallery. Kaya lagi kong hinahabol ang oras." He answered. Sumilip ako sa tablet niya. It's his schedule. Lahat ng araw ay may laman.

Inabot ko ang kanyang balikat at tinapik. He smiled symbolizing it will be okay. I hope he's also taking care of himself. Baka naman sa sobrang dami niyang ginagawa ay magkasakit na rin siya.

"May debate ako mamaya doon. Punta ka."

"Anong oras?"

"10 PM."

Tumango ako. Mas nauna siyang umalis para maihanda ang mga detalyeng kailangan niyang sabihin. I smirked, feeling proud of him. Tinawagan ko narin si Freya para maisama ko.

"Ano ba!? Ang aga kaya, at hello!? Sabado ngayon! Bakit ka ba tumatawag?"

It's already 7 AM. I can hear her sore voice. Natawa ako at bumalik sa kwarto para ihanda ang isusuot ko.

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now