Kabanata 40

147 27 0
                                    

You are now on the last chapter of this story. Thank you so much for your love and supports. I really-really appreciate it! I love you all!

—~—~—~—~—~—~—

I love you



"How was it?"


Nilingon ko ang malaking Christmas tree. Matagal nang naka stock iyon sa may stock room namin. Ngunit ang mga palamuti nito ay nasira na at hindi na kompleto. Iyon ang mga binili nila Manang at Kuya kasama si Freya.  Napailing ako sa katotohanang ngayong November lang talaga namin naisipan iprepare ito. Dapat noong September pa. Well, ngayon lang talaga namin naharap.


Manang also stares at it. Kuya then light it up. Those small yellow bulbs makes it more lively. Napangiti ako at nag thumbs up sa kaniya.


"It's good!" Sagot ko.


Niligpit namin ang mga karton at ibang hindi na gagamitin pa, saka iyon binalik ni kuya sa stock room namin. Manang then go to the kitchen to cook dinner for us. Ako ay sumunod din para makatulong.


"Wesia, magpapa alam sana ako." Wika ni Manang sa kalagitnaan nang paghuhugas ko ng gulay. Siya ang naroon sa may counter at hinihiwa ang chicken. He will make Chicken curry again tonight. Naiisip ko pa lang ito, nagugutom na ako.


"Magpapaalam po para saan?"


Manang stop slicing the chicken. Humarap ito sa akin at binigyan ako ng ngiti.


"Pwede bang umuwi ako sa probinsya para makasamang mag noche buena kasama ang pamilya. Alam kong sa gabing iyon ang may pinakamaraming gawain dahil sa mga ihahanda at lulutuin pero kasi-"


"It's okay lang po." Kuya said when he entered. Pareho kaming napalingon dito. I smiled at that. Manang too. Ayos na ayos lang din naman iyon sa akin. It’s Christmas. Mas masaya talaga kapag kasama ang pamilya. I hope our parents will also celebrate with us.


Dumiretso si Kuya sa may fridge at kumuha ng malamig na tubig. "You can go home po. We understand. Saka isa pa, kaya naman po namin ni Wesia."


"Salamat, Esser."


We helped manang cook for dinner. Si Kuya naman ay dinala ang laptop at doon sa mesa pumwesto. Matapos maihanda ang lahat ng rekados, si Manang na ang nagluto ng mga 'yon. Ako naman ay nagtungo sa tabi ni kuya habang umiinom ng juice. Hindi ko tinignan kung anong ginagawa nito dahil naging busy din ako sa phone ko. But the wallpaper is huge enough for me to stare at it. Si Ate Cassandra iyon.


"Kuya."

"Hmm?"

"Hindi mo ba sasabihin kay Freya 'yong totoo?"


Nilingon niya ako. His face become serious. Kumunot din ang noo nito. "What truth?"


"About Ate Cassandra. Freya thinks you're still in love with... A living... Person." Nag aalanganin na sabi ko dahil baka maoffend ko siya. Tumitig siya sa wallaper niya. Kuya then heave long sigh.


Naaawa na kasi ako kay Freya. Kahit sabihin ko pang malakas ang loob nito at palaging positive, alam kong napapagod din siya. Alam kong nasasaktan din siya.


"Maybe if you tell her the truth, she'll stop you know... doing those things... Iyong parang hinahabol ka niya." Pahina nang pahina ang boses ko. Kahit papaano, kaibigan ko si Freya. Parang magkapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa. At hindi naman porket kapatid ko si Kuya ay panig na ako sa ganitong ginagawa niya. Freya needs to know it.


"I already told her." He declared. Hindi ako agad nakapagsalita. Freya didn't mention me that thing. Iyon siguro ang gusto niyang ikwento noong araw na ‘yon pero masyado akong busy sa nararamdaman ko. I felt bad.


"Kailan mo sinabi?"

"Matagal na."


Freya...


Manang called for us to eat dinner. Naging tahimik kami at hindi na ako nagsalita pa na ipinagtaka ni Manang. Kadalasan kasi ay may kwentuhang nagaganap. Nag aalala ako para kay Freya. She knows. Kahit na ilang beses na itong nagagalit noon kung ano bang meron sa ex ni Kuya ay hindi pa rin pala talaga siya tumigil. She's still into him. Hindi ba siya napapagod?


Who am I to guess or judge? Hindi ako siya. Freya is really in love with him then. Pumasok sa isip ko si Stone. Right, they're kind of the same. They're both chasing us. Napangiti ako sa naisip kong 'yon.


I checked my phone after dinner. Pagkatapos nang nangyari last week ay hindi na ito nagsalita pa. He took me home with his car and never said anything about us. About his feelings. Kaya naman panlulumo lang ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Iniisip ko, baka galit siya. Or, baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.


Pero bakit niya ako hinalikan? Malakas na lamang akong bumuntong hininga.


Kung kailan naman nataon na weekend na ay saka siya ganito. Hindi ko siya makita. Kung dati ay natutuwa ako tuwing sasapit ang Sabado at Linggo, ngayon ay panlulumo lang ang nararamdaman ko.


Does he feel the same way though? Ugh! Mababaliw na ata ako!


I just spent my Sunday with Manang, Kuya, and Freya. Nagtungo kami sa simbahan para mag simba. Magkatabi si Freya at Kuya sa harap namin. Napailing ako. Sinadya niyang tumabi sa kapatid ko. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Alam niya pala ang totoo.


Maybe she thinks, there still a chance.


Katabi ko naman si Manang na diretso ang titig sa harapan. I just focuses sa mga sinasabi ni father kaya hindi na rin namin namalayan ang oras hanggang sa matapos ito.


We stay for a while para paunahin ‘yong ibang tao na makalabas. At nang medyo lumuwag na ay sumunod kami.


"They're coming home."


Lahat kami ay natigil sa paglalakad para harapin si Freya. Her face doesn't look fine while staring at her phone. Wala naman itong binanggit kung sino ang tinutukoy ay parang may ideya na kami ni Kuya kung sino 'yon.


Her parents.


May pagkakapareho nga talaga sila ni Stone. Hindi na rin ito komportable kapag uuwi ang parents. Hindi ko alam kung paanong nakipag usap si Stone sa magulang nito o kung maayos na nga ba talaga. After that dinner, wala na akong naging balita.


"Kailan?" Kuya asked.

"Semester break."


Then that means they will stay for Christmas. Nagkatinginan kami ulit ni Kuya at nakita ko sa mata nito ang concern para sa kaibigan. Mukhang nawala na talaga si huwisyo si Freya kakatingin sa mga text messages na natatanggap niya galing sa parents kaya naman inalalayan niya na itong makasakay sa may kotse. She seated in the front seat. Kami naman ni Manang ay na sa likod.


"Ayos ka lang ba, ija?" Nag-aalala rin na tanong ni Manang.


"Gusto ko na lang pong umuwi."


"Sasamahan na kita sa bahay niyo." Pagp-presinta ko. Freya just nod once. Pinaandar na rin ni Kuya ang sasakyan pauwi. Una niya kaming inihatid nito sa bahay nila Freya.


"Send me an update." Kuya nod for the last time. Mukhang hindi na rin narinig 'yon ni Freya dahil dire-diretso na itong pumasok sa loob ng bahay nito.


I nodded back to Kuya. Nang humarurot ang sasakyan nito paalis ay saka pa lamang ako pumasok sa loob ng bahay ng kaibigan ko. She immediately went upstairs to go in her room. Sumunod ako at natigil lang banda sa may pinto ng kwarto nito para panoorin siyang wala sa sarili na inihiga ang sarili sa kama. She looks really sad.


"Bakit ngayon lang sila uuwi? Bakit pa sila uuwi?" Nagtataka nitong tanong. Ramdam ko ang lungkot niya.


I went inside and fix the comforter on top of her body.  Umupo rin ako sa talim ng kama paharap sa kanya at himimas ang bandang balikat niya.


"Hindi mo ba sila namiss?"

"Sanay na akong hindi sila nakikita at nakakasama." I saw a tear escaping out from her eye.


Hindi ko nakita si Freya noon na ganito. Kahit ilang beses pa siyang na reject ni Kuya ay hindi siya umabot sa ganito. I guess, when it comes to family talaga, pinaka apektado ang isang tao.


"I just want to be alone, Wesia." She said. Gusto ko man siyang samahan ay hindi na ako nagpumilit pa. I know the feeling. I know how a person wants to be alone. Tumango na lamang ako sa kanya at marahan na lumayo palabas ng kanyang kwarto.


I gently close the door and grabbed my phone after. Agad kong tinext si Kuya.


To: Kuya

She wants to be alone.


After I hit sent, agad akong nakatanggap ng tawag dito. Tumaas ang isang kilay ko. Mukhang binantayan niya ang update ko sa kanya.


"Hello, kuya?" Sagot ko habang pababa ng magarbong hagdan nila.


"Is she okay?"

"She's not."

"Let's switch places. Ako na ang bahala sa kanya diyan."


I smiled with that. Mukhang mas maganda nga ang ganon. But it's kind of weird. First time ata ang ganong akto niya? Umiling na lang ako. Mga 5 minutes lang ang hinintay ko ay dumating na rin si Kuya.


"Where is she?" Salubong niya agad sa may pinto. A concern look is very visible in his face and eyes.


"In her room."


He take a deep breath before nodding. "You can go. I'll wait for her to show up."


“Sure ka?”


“Yup. She might also get hungry so I’ll stay here and cook food for her.”


Finally, at least he's still concern. Tumango ako rito at namaalam na aalis na. I wonder what will be Freya's reaction kapag nakita niya na si Kuya? I hope she'll be fine as soon as possible.


Umalis ako sa bahay nila Freya. Nilakad ko na lang ito dahil hindi naman ganon kalayo. And while walking back to our house, I always check my phoke from time to time. Wala talaga siyang text sa akin.


I can't help myself but pout. Wala namang mga bagong post tungkol sa mga bago nitong babae. Not that I want him to have a new one, but he kissed me! Argh! Malamang ay hinahalikan niya rin ang mga babae niya. Ano namang pinagkaiba ko sa kanila? Nakakainis!


Napatili ako sa gulat sa malakas na busina. Pag angat ng ulo ko ay na sa tapat na pala ako ng bahay namin. Kung hindi pa ako binusinahan ay hindi ko mapapansin.


But I realized that the car is familiar. Lumakas ang tibok ng puso ko. The door on the driver's seat opened kaya naman mas ramdam ko ang puso ko. Parang may karera ng mga kabayo ang nangyayari doon.


Stone came out wearing his casual wear, a grey shirt and dark  sweat pants. Unti-unting nag sink in sa akin lalo ang ginawa kong pag confessed sa kanya! Gusto ko ring hawakan ang labi ko. Parang naramdaman ko bigla ang nakadikit niyang malalambot na labi sa akin.


Grabe. Nakakatakot ka, Wesia. Hindi mo naman ito nararamdaman noon kay Renzo. My relationship with him is pure. Hindi ko malaman kung anong meron kay Stone at parang sobra-sobra ang pagkasabik ko sa kanya. Is this even normal? Parang ang tagal naming hindi nagkita!


Nagsimula siyang maglakad palapit sa akin. Oo nga't gustong gusto ko siya makita pero parang hindi ko siya kayang lapitan. Her presence is so powerful that it scares me in a good way. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.


I immediately turn my back at him at nagsimulang maglakad palayo.


Damn it! I was so eager to see him yesterday. Ito na siya ngayon, Wesia! Nagpapahabol ka pa rin hanggang ngayon.


Pero hindi naman nagtuloy tuloy ang paglalakad ko palayo. I just felt his both arms embracing me from behind. Habang tumatagal ay humihigpit iyon. May naramdaman din akong lumapat sa ulo ko. A sound of kiss were also heard from there.


"I'm sorry, love." He whisper. So warm that it melts me. Napalunok ako.  "I didn't show up yesterday. I didn't text you. And, I know you're mad."


Binaklas ko ang yakap niya para maharap ko siya. "Alam mo pala, bakit ngayon ka lang nagpakita? Alam mo bang hinihintay kita kagabi! Wala ka man lang sinabi!" Medyo napalakas na sabi ko. I was worried. Hindi lang sa kanya. Kundi para sa akin.


Bahagyang bumuka ang bibig niya. Kalaunan ay naipilig nito ang ulo at napangiting tumingin sa iba. Doon ko narealized ang mga sinabi ko. Sa sobrang hiya ay nilagpasan ko na lamang siya para makapasok sa bahay.


Ugh! Nakakahiya. Para akong obsessed na babae sa kanya.


But he immediately went in front of me and hugged me tightly. This time, I'm facing his chest. Mas lalo akong natinag. Ang hiyang nararamdaman kahit papaano ay lumulubay sa katawan ko. His presence is making me scared at first pero habang tumatagal ay nararamdaman ko ang pagiging safe safe, and, confident. Huwag lang siyang tititig sa mga mata ko dahil kahinaan ko 'yon.


"Damn, Wesia Fajardo." He said with a very low voice. Naramdaman ko ang paghimas nito sa ulo ko pababa sa aking buhok. "I just... I'm still in dazed with your confession." Aniya. Napanguso na lang ako para pigilan ang nagbabadyang ngiti.


Bahagya niyang niluwagan ang yakap para masilip ang mukha ko. Hindi pa rin bumibitaw ang braso nito sa akin.


"I’m sorry?”


Hindi ko alam kung paanong sasagot ng maayos. Dahil kapag bumuka ang bibig ko ay siguradong malawak na ngiti ang magpapakita. Tiim panga akong tumango para pigilan ang sobra-sobrang sayang emosyon na nararamdaman.


He, then, yawned. Ang ulo nito ay ipinahinga niya sa aking balikat. "I didn't had a good sleep for two nights already."


"Bakit naman hindi ka nakatulog ng maayos?"


"I'm afraid that your confession for me may not true. At kapag nagising na ako, hindi na ganon ang nararamdaman mo."


Bumuntong hininga ako. Hinimas ko ang buhok nito. "Umuwi ka na sa inyo kung ganoon. Matulog ka muna."


He groaned. The tip of his nose is touching my neck. It makes me laugh a bit. "Doon ka na muna sa kwarto k-"


"Let's go." He immediately grab my hand and went inside the house. Nadatnan namin si Manang na takang taka. Nang pataas na kami sa hagdan ay ngumisi ito. What? Ito talagang si Manang!


Kung dati ay ayoko siyang nakikita at ayoko siya sa loob ng kwarto ko, ngayon ay ako pa ang nag aya. I just really missed him so much.


When we reached my room, he landed himself on my bed. Agad niyang niyakap ang unan ko at inamoy amoy iyon. Ganon din ang comforter ko. Kumunot ang noo ko. Ang weird tuloy sa feeling.


"Don't do that!"


"Do what?" He smirked. "Inaamoy ko lang naman."


Lumapit ako dito at inagaw sa kanya ang unan saka ko ito ibinalik sa katabi ng inuunanan nito. "Para kang addict."


"Don't expect me to say 'sayo' dahil matagal na." Aniya na ikinatawa ko. I saw him watch me laugh. Kunwari ay hindi ko iyon napansin kaya umiwas na lang ako ng tingin.


Ang dapat kong pag alis palayo sa kanya ay hindi na natuloy. He grab my hand and pulled me close to him. Nadatnan ko ang sarili kong nakahiga paharap sa kanya. He, then, lowered himself. Nang tumapat ang mukha niya sa dibdib ko ay mahigpit niya akong niyakap.


"You sure don't have boobs. But it's you. So it doesn't matter-"

"Maniac!"


Tumawa ito na ikinainis ko lalo. Muntik ko na palang kalimutan na may pagkamanyak siya noon pa! I just can't believe I'm letting him now.


I'm wearing a shirt but it has a deep v neckline. Kaya naman exposed pa rin ang parteng itaas ng dibdib ko. Kung saan doon na lamang idinikit ni Stone ang mukha niya. The top of his head is under my chin. Mabuti at hindi niya na isiniksik ang mukha niya sa pinakadibdib ko talaga.


I smiled when I felt him already sleeping. Hinimas ko ang gilid ng mukha nito. Kahit na hindi ito nagpakita sa akin o nagsabi ng kahit ano tungkol sa nararamdaman niya, tama na nagpakita siya ngayon at umaakto ng ganito. Nawala na lahat ng pangamba at panlulumo ko. Nagkaroon man siya ng maraming babae noon, hindi ko na iniisip pa dahil hindi ko rin maintindihan kung paano niyang naipaparating at naipaparamdam sa akin na ako lang.


Nakatulugan namin ang ganoong posisyon. It will surely hurt the onceI woke up but I didn’t mind it. Pero hindi nangyari iyon dahil paggising ko ay iba na ang posisyon namin.


My head is laying on his shoulder. Ang isang kamay kong nakapatong sa kanyang dibdib ay nilalaro ng isa nitong kamay. He's doing a circular motion on my hand. Ang isang kamay nito ang siyang nakayakap sa likuran ko at hinihimas iyon pababa at pataas. Sobrang nakakakiliti iyon pero masarap naman sa pakiramdam.


"Kanina ka pa gising?" I asked without looking at him. Natigil ang paghaplos nito sa likod ko. Hindi niya siguro napansin na gising na ako. Kalaunan ay nagpatuloy ang paghaplos nito.


"Yeah."


Tiningala ko siya. The next he did made me nuts. Hinuli nito ang baba ko at binigyan ng halik sa labi. Pagkatapos ay sa noo.


"You're mine, right?" He asked with a hesitant voice. Titig na titig ang mga mata nito sa akin. I can still sense fear in his eyes.


Alam kong nasabi ko na ang nararamdaman ko. But because of what I did before, naiintindihan ko kung bakit ganito ang tanong niya. And the only thing I can think right now is to make sure he does not feel that fear anymore. Na baka iwan ko siya ulit.


"Yours, love."


He closed his eyes and nod. Parang iyon lang ang hinihintay niya. Ang confirmation ko. Parang napakalaking bagay na ‘yon para sa kanya. Lumapit muli ang malambot nitong labi sa noo ko. "I love you."


Tumango ako rito Finally, I heard it! Parang gusto kong umiyak at magpasalamat na mahal niya pa rin ako.


Niyakap ko ito hanggang sa may maalala. Bumaklas ako sa yakap pero hindi ako nito pinakakawalan.


"Where are you going?" Mapagmatyag niyang tanong. Natawa lang ako dahil sa paiging clingy nito.


"May kukunin lang ako."


This time, hinayaan niya na kong makatayo. Lumapit ako sa drawer ko at kinuha ang isang box. Ito yung bigay sa akin ni Freya bilang regalo niya. Yung bracelet.


Bumalik ako sa kama at umupo paharap sa kanya. He then stare at my abdomen part. Hindi ko na pinansin pa 'yon at binuksan ang box. Kinuha ko ang isang bracelet.


"This is for you." I said as I put the bracelet wrapped around his wrist. Pinanood niya akong ginagawa iyon. "This is Freya's gift. Sabi niya ay ibigay ko daw 'to sa tao'ng mamahalin ko."


He looks amused. Umupo ito ng maayos. Kinuha niy rin ang isang bracelet at pinasuot sa akin. Pagkatapos ay sinubukan naming pagdikitin ang mga pendant nito.


Nang pagsiklupin niya rin ang kamay namin ay automatic itong namamagnet ang isa't isa.


"This is really cool.” Aniya. Saka ito tumitig muli sa akin. “Thank you. I can’t even believe this is happening.” Naiiling pang dagdag niya.


“Bakit naman?”


“Because I’ve been chasing the woman of my dreams for years.” He smirked like this doesn’t feel real. Kahit ako ay parang hindi rin makapaniwala.


“Nagpahuli na ‘yong babae.”


He chuckled. I almost shout when he put his both hands under my knees and pulled me closer to him. Para mabalanse ang sarili ay napatukod ang dalawa kong kamay sa magkabilaang gilid ko. Ang taas tuloy ng tahib ng dibdib ko dahil sa ginawa niya! Ginulat niya ako.


“Yes. Finally, she’s in my arms. A woman, I can call mine.” Sagot nito na titig na titig sa mga mata ko.


Tumango ako. Kung sinundan ko kaya ang edad na sinabi ko noon, at naging kami, ganito rin kaya siya? Pero ano ba ang pinagkaiba? Siya pa rin si Stone.


I am thankful he chase me out of that painful situation. He choose to stay. To love me from a distance. In secret. I'm still thankful that even after all the pains I've caused him too, he choose me. He love me.


Kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinayakap sa kanyang leeg. Saka siya muling humiga. Our position now is making my cheeks burning. Napapikit ako ng mariin. Nakaupo na ako ngayon sa kanyang tiyan!


Hinawi niya ang buhok kong nalaglag na humaharang sa aking mukha. His fingers comb my hair and pushed it on the back of my head. Damn you, Stone! Hindi ko alam na ganito ka!


“Baka may makakita sa atin.” Ang sabi ko sa kanya. “Hindi ko pa naman nilock yung door.”


Humalakhak ito. “Wala naman tayong gagawin. Unless you want something-“


“No! I’m talking about our position!”


“You’re talking as if this is your first time.”


“Talaga naman!”


Siguro ay naisip niyang ganito rin kami ni Renz noon. No! Hindi kami ganito kaintimate pero masasabi kong okay na kami sa simpleng yakap at holding hands.


“You’re safe with me.” Wika niya na lamang. Inayos niya ang mga hita ko. The next thing I knew, I’m laying on top of his body. Inayos niya rin ang kumot sa ibabaw ko. Ilang oras kaming ganon hanggang sa marinig ko ang nag iingay kong tiyan.


He let our a small laugh. “My baby is hungry. Let’s go grab some food first.”


I checked the time. It's time for dinner kaya pumayag na rin ako sa aya nito.


Sa paglabas namin ng kwarto ay may narealized ako. Mukhang mahihirapan akong pauwiin siya ngayong gabi pagkatapos naming kumain. Parang gusto ko na dito na lang siya palagi. At gusto ko rin ang paraan ng panlalambing niya.


But it doesn't matter if he leaves tonight. He's mine now. Pwede ko siyang puntahan. Pwede niya rin akong puntahan.

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now