Kabanata 39

124 29 9
                                    

Stop the chase


Bumalik ako sa room nang wala sa sarili. Hindi pa naman tapos ang klase ay ganito na ako. Ngunit pinilit ko ang mag focus at hindi inintindi ang mga nalaman ko. Glad to say hindi naman sila nagkaroon ng pa quiz ngayon dahil baka wala akong maisagot. Kahit kasi pilit kong alisin sa isip ko na siya ang ex ay hindi ko magawa ng lubos. Parang may mali sa pagkatao niya. Not that I’m judging her but she’s weird. Pilit itong sumisiksik sa kokote ko.


"Ayos ka lang?" Napansin na ata ni Freya ang kakaibang kilos matapos ang klase. Ang ibang istudyante ay nagsisi-ayos na ng kanilang gamit. Ang iba ay lumalabas na. Hindi pa rin tumitigil ang ulan.


"I... I met R-renzo's ex." Bulong ko. Nanalaki ang mga mata nito at mas lumapit pa sa akin.


"Who? Where? When?"


"Kanina nang mag cr ako. Hindi ko lang alam kung dito ba talaga ang building niya. Una ko na siyang nakita noon. She said her name is Caroline." I lick my lower lips after explaining those things. Parang natuyo kasi ang labi ko sa mga sinabi ko.


"Saang building siya kung ganoon?"


"Hindi ko rin alam. And, I think she's in disguise. A nerd one. But she's not."


"That's more creepy. Baka kaya siya nagganon ay para makita si Renzo?"


Now speaking of that person. Hindi dito ang building nila Renzo. Pero andito si Stone. Kung hindi si Renzo ang pinupunta niya dito, may posibilidad na si Stone 'yon. Hindi ko alam. Pero sa sinabi nito kanina ay parang kasalanan ko pa na maging girlfriend ni Renzo at magkaroon ng relasyon kay Stone. Gusto niya ba si Stone?


Naguguluhan ako. May mga ideyang pumapasok sa isip ko. Pero ayoko na munang pangunahan 'yon.


"Ash is a womanizer. Pero alam kong hindi siya gumagalaw ng may mga boyfriend." Ani Freya. Tinignan ko siya. I think iisa lang ang naiisip namin. "And, maybe because Renz used you because he thought Stone seduced her?"


Umiling ako. "Stone will never do that. Ikaw din, sinabi mo na hindi siya gumagalaw nang may boyfriend na. Kung sa mga panahong iyon ay girlfriend siya ni Renzo..."  Hindi ko matapos ang sasabihin. Nagkatitigan kami ni Freya at alam kong iisa ang nasa isip namin. Her jaw almost drop after realizing everything. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ako ang ginamit ni Renzo para sa ex niya?


"You go na." Ang tugon ko sa kanya. She look at me with a worried face. Ngumiti lang ako at sinabing magiging maayos lang. She wave her hand for a goodbye.


I am now left alone here in this room. Wala nang kahit sinong kaklase ang meron dito. Sa akin na rin ibinigay ang susi para ako na ang mag lock ng pinto.


The reason why I want to stay here for a while is because I knew I'll walk carelessly. Baka kung kani-kanino pa ako bumangga at madawit lang ako sa gulo. Gusto ko munang ipahinga ang utak ko.


Renz haven't speak about it. About his ex. Ayoko rin namang tanungin siya. But I feel more confused every minute that passes. Ang sakit-sakit na sa ulo.


I was there inside the room alone for 15 minutes. Inilock ko nang maigi ang pinto at napansing halos tahimik na ang buong hall way at ako na lamang ang tao dito. Bumaba na rin muna ako sa faculty para isurrender ang susi doon.


Hindi pa rin tumitila ang ulan. Karamihan sa students pala ay naipon dito sa may lobby ng building dahil mga wala silang payong. Ang iba ay hinihintay na idaan sa harap namin ang sasakyan. May kalawakan naman ito. Hindi rin kasi ganon magkakalapit ang building kaya ang ibang sasakyan ay nakakapasok rito pero pinagbibigyan lang ang ganong gawain tuwing ganitong umuulan.


Ako rin ay walang payong kaya naman doon ako sa may mga silong nakisiksik. Siguro ay mag aabang ako ng taxi sa labas. But I know for sure it'll be hard to find one. Lalo na at ganitong umuulan. Maraming maghahanap ng taxi malamang. Saka wala rin akong payong na magagamit. Malayo pa naman sa kalsada ang waiting shed ng school namin.


Nakaisip rin ako ng paraan. I smiled out of nowhere and took of the bag’s strap that was on my shoulders. Saka ko ito ipinatong sa aking ulo. Naisip kong doon na lang sa may likod ng parking area mag punta. Alam kong may mga papasok doon na taxi para maghatid-sundo. Mas mapapalapit ako sa taxi. Kaysa sa main road na walang sisilungan.


Pagtakbo ko palayo sa lugar na 'yon ay nabasa agad ang katawan ko ng ulan. Sobrang lakas kasi talaga. May mangilan ngilan ding students ang mga walang payong na tumatakbo rin papunta doon sa may likod ng parking area.


The rain has gone wild even more na pati ang hangin ay lumakas. Kaya naman naghanap muna ako nang malapit na sisilungan. Sa may tabi ng malaking tangke ng tubig. Ayon nga lang ay puro tulo dito at may kaliitan ang silungan kaya madali rin akong nababasa sa tuwing malakas ang anggi ng ulan.


I don't have a choice but to run again. Mababasa lang ako lalo dito. Mas maganda ang waiting shed na tinutukoy ko dahil may kalakihan 'yon. I was about to start running again when a dark Lexus move into my direction. Ang ingay ng gulong non sa bilis saka ito tumapat sa mismong harap ko.


Kusang bumukas ang front seat at nakita ang mukha ni Stone sa loob.


"Sakay." Madilim ang mukha nito nang sabihin 'yon. Napatingin ako sa ibang tao. Mukhang wala namang may pake kaya agaran na akong sumakay sa loob.


Doon ko naramdaman na para akong basang sisiw. Ang mga hibla ng buhok ko ay basa na rin. Ganon din ang aking damit. Lalo na ang aking bag. Hindi ako umiiyak sa mga ganitong bagay. Hindi rin ako nakakaramdam ng panghihina sa tuwing nauulanan. Pero ang maulanan at makita ng iba ay parang ikaka break down ko. Nakakahiya!


"Basa na ang upuan mo." Nahihiyang sambit ko. But instead of him saying something about it, he took something out of his bag. Saka niya ito ibinato sa may lap ko. Pag tingin ko ay ang malaking face towel niya 'yon.


"That's already used. Ginamit ko kanina nang mag basketball. But I hope that will help. Punasan mo ang sarili mo." Aniya. Saka niya inoff ang aircon ng sasakyan.


Nakagat ko ang ibabang labi ko at hinawakan iyon. Hindi ko alam kung saan ko  ‘to ipupunas. Nang bahagya ko 'tong iangat ay naamoy ko ang mabangong amoy non. Naamoy ko ang manly perfume doon. At hindi naman siya mukhang madumi.


I saw him get a paper bag on the back seat. Iyon ang paper bag na bigay ko kanina. Nangalkal siya doon at inilabas ang hoodie.


"Take off your jacket and wear this."


"Ah... S-sige." Natatarantang sabi ko. Hindi ko pa napupunasan ang sarili ay tinanggal ko na ang jacket kong basa. Umiwas siya ng tingin.


Agad ko rin sinuot ang hoodie niya at pagkatapos ay pinunas ko sa ulo ko ang towel na binigay nito.


"Wipe your forelegs too. It's wet."


Tumango ako at ginawa ang sinabi niya. After non ay kinuha niya sa akin anh basang jacket at iyong madumi nang tela. Mas nakaramdam ako ng hiya.


"Thank you."


Hindi ito nagsalita. Noon niya lang pinaandar ang sasakyan. Sa lamig na nararamdaman ay pinasok ko ang parehong kamay sa loob ng malaking sleeves ng hoodie. Kahit ganon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. I’m happy.


Iniwas ko ang paningin sa kanya at sa may bintana na nasa tabi ako tumingin. Gusto ko sanang ibaba ang salamin ng bintana pero kita ko pa rin ang malakas na pag ulan sa labas at agos nito.


Nakaramdam ako ng galit sa sarili ko. Sinisisi ko ang sarili. Ang isip ko ay parang may sariling bibig. Tinatawanan ako. Sinasabing kasama ko ngayon ang taong sinayang ko. Na kapag napunta yan sa iba at ganito mag-alaga ay baka hindi ko kayanin. Para akong iiyak at sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Na gusto ko pala talaga siya. Mas may itataas na ngayon ang pagkagusto ko sa kanya at parang nadadagdagan pa 'yon. Na sana, gawin niya ulit iyong mga ginagawa sa akin.


Nagtaka ako nang tumigil ito sa isang gilid. Familiar ang place. Ito ang pinakamalapit na coffee sa amin. He use the umbrella I gave to him awhile ago at lumabas nang walang paalam. Sinundan ko siya ng tingin sa may bintana at nakitang pumasok ito sa may coffee shop. Ilang minuto lang akong naghintay. At paglabas nito ay may dala na itong kape.


Mabilis din itong sumakay. He gave that coffee to me. Napatitig ako sa kanya habang inaayos niya sa pagkakarolyo ang payong. He then maneuver the car again.


God! Paano ko siya nasaktan noon! Ang tanga mo, Wesia! Sinayang mo siya.


Tinanggal ko ang nakapalibot na carton sa kape. Nang mahawak ang may kakapalan na cup ay naramdaman ko pa rin ang init ng kape doon. Ang sarap sa pakiramdam lalo pa't halos naninigas na ang kamay ko sa lamig.


"Hindi kaya... Magalit 'yong girlfriend mo? Nakauwi na ba siya?" Tanong ko. Hindi ba dapat iyon ang ihatid niya maliban sa akin?


"Whose girlfriend?" He sound not interested.


"Iyong kanina. Meron pa 'yong nakita ko sa mall."


"You're here." Anunsyo niya. Napalingon ako sa may bintana at nakitang nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Para akong nanlumo. Parang ang bilis. Gusto ko pa sanang mag stay dito sa loob ng kotse niya.


"Thank you." I said. "Akina yung towel mo. Lalabhan ko. Pati itong hoodie-"


"No need."


"Huh?"


"Sayo na yang hoodie."


Imbes na matuwa, bakit parang hindi. Parang binibigay niya tong hoodie kasi pakiramdam niya gamit na gamit ko na. Napabuntong hininga ako. "S-sige."


"They're not my girlfriend. They're my flings." Sambit nito saka niya hinila ang clutch na nasa gilid nito. "Tapusin mo na muna yang kape bago ka umalis."


Bago pa lumabas ang malawakang ngiti sa aking labi ay humigop na ako sa may kape saka umiwas ng tingin. Thank God, he didn't told me to get out right now.


"Nakita ko nga pala yung ex ni Renz kanina." Pagsasabi ko. Hindi ko alam kung anong pwede naming pag usapan. Buti na lang ay naalala ko 'yon. Baka pwede pa rin akong makakuha ng ilang impormasyon.


I saw his jaw clenched. Hindi ko alam kung bakit. Parang nagalit siya sa sinabi ko. "He already told you everything?"


Hindi niya pa nga pala alam na sinabi na sa akin ni Renz. Pero bakit ganito ang reaksyon niya?


Umiling ako. "Ang sabi niya ay nakipagrelasyon siya sa akin para gamitin ako. Tapos nakipaghiwalay siya sa akin kasi nag-guilty na siya."


I heard him curse a lot of times. Kumunot ang noo ko. "Alam mo rin ba kung bakit siya nakipag hiwalay sa akin?" I asked. He didn't speak anything. Napatitig ako sa kanya. "Alam mo rin siguro na niloloko niya lang ako mula umpisa-"


"That's why I've been there. Always."


Tumulo agad ang isang luha sa aking pisngi. Hindi na dahil masakit o dahil parang wala naman na akong pake alam. Pero dahil sa inis. Na mula umpisa, wala akong alam. Para akong pinagkaisahan.


"Bakit ako? Bakit ako yung ginamit niya, Stone? Bakit hindi ibang tao..." Nagtuloy tuloy ang mga luha ko.


Malakas siyang bumuntong hininga. Saka siya ulit nagmura. "I'm sorry I didn't know he already confessed the truth." He said with no emotion at all.


"Bakit ka nags-sorry? Hindi ikaw ang may kasalanan."


"I was not there." Madiin na sabi niya. "Umiyak ka siguro nang umiyak."


Bakit hanggang ngayon ay ako pa rin ang inaalala niya? You're an idiot, Stone! You were not there because I pushed you away. Ako ang nagdesisyon non kaya hindi ka dapat nags-sorry.


"Mas maganda kung si Renzo rin ang magsasabi nang lahat sa'yo. Because look at you now. Kahit na umamin na pala siya, siya pa rin ang gusto mo."


Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mata. No, Stone.


"You must be really is in love with him."


Sasagot sana ako para sumalungat sa sinabi niya nang may kumatok na sa may bintana ko. I saw Kuya on the outside. Mukhang kararating lang nito dahil bihis pa.


Hindi na ako nagsalita na. Tumingin ako kay Stone sa huling pagkakataon saka lumabas ng kanyang kotse. Kuya thanked him.


Hindi pa kami nakakapasok ng gate ay pinaharurot na ni Stone ang kotse ng sobrang bilis paalis.


"Okay na ba kayo?" Kuya asked pagpasok namin ng bahay. Andoon na rin si Manang na inaayos ang mga pinamili.


"Hindi, Kuya. Hindi ko rin alam kung kailan ba dapat kami magkaayos."


Dumiretso na ako ng kwarto. I was not speaking the whole time. Gusto kong malaman ang lahat-lahat dahil hindi mababawasan ang mabigat na bagay na nasa puso ko. Pakiramdam ko hindi pa oras para umamin kay Stone nang totoo kong nararamdaman hangga't hindi nalalaman ang lahat.


Ayoko na ganon ang iniisip niya. Na mahal ko pa rin si Renzo. Dahil nasasaktan na rin ako sa tuwing ganoon ang mga sinasabi niya.


Napag isipan kong itext si Renzo kanibukasan paggising na paggising ko pa lang at sinabing mag kita kami bago umuwi. Sinabi ko rin kay Freya ang nangyari kahapon.


"What? Teka! Ako dapat ang maraming ik-kwento sa'yo tungkol sa amin ni Kevin, e! Pero totoo ba? Hinatid ka niya? Anong nangyari pagkatapos?"


Napaubo pa ako bago sumagot. Ramdam ko ang pamamaos sa aking lalamunan. "Oo. And he said, that's he's always been there."


"To protect you! Oh my goodness! Do you know the feeling of watching the person you love falling in love with the person na ginagamit lang naman siya!"


Sa sobrang lakas ng sigaw ni Freya ay halos mapatingin sa amin ang ibang students. Napa iling ako. Dahil sa sinabi niyang iyon ay parang nanghihina ako.


He watched me falling in love with someone else…


"Mag usap kayo ng maayos ni Renz, mamaya. Okay?"


I nod at her. The classes is now in session. Ramdam ko ang mabigat na pakiramdam. Ang pamamaos ko at ang sakit ng lalamunan. Pakiramdam ko nagsisimula na ring sumakit ang ulo ko. Naligo naman ako kahapon pagdating ko sa kwarto pero bakit ganito pa rin.


Usap usapan sa buong building na wala na ulit nakakasamng babae si Stone na siyang rinig ng lahat sa tuwing sasapit ang break namin. Kahit sa paglalakad at sa canteen ay iyon ang bulungan. Si Renzo naman ay nadadawit din dahil may bago daw ata itong nililigawan. Kahapon ko pa huling nakita si Renz noong magpasa ako ng papel. Pagkatapos non ay wala na.


Nabanggit nila na as of now, walang bagong ineentertain si Stone na babae. That made me smile. Hindi ko rin mapigilan na magdasal sa oras na sana ay sumapit na ang uwian. Gusto ko nang malaman ang lahat.


"Gusto mo, samahan pa kita?" Presinta ni Freya matapos ang klase.


Ang sabi ay bago magkaroon ng Christmas party, kailangan na namin ihabol ang examination. Para pagbalik namin mext year ay diretso last quarter na kami. Pabor naman kami lahat doon kaya halos lahat ng subject instructor ay naghahabol ng projects and lessons.


"Hindi na. Mauna ka nang umuwi."

"Sure ka?"

"Yup!"

"Oh, sige! Update mo ako, ah?"


I nodded at her. I felt bad. Hindi ko nagawang mapakinggan ang kwento nito na gusto niyang sabihin tungkol kay Kuya. Palagi pa naman siyang excited sa tuwing magk-kwento ng tungkol sa kanila. Siguro ay makikinig na lang ako kapag natapos ito.


As what I am expecting, I met Renzo somewhere. Ang sabi ay sa may parke na lang daw hindi kalayuan sa school namin. Maganda ang panahon ngayon. Ang kulay ng langit ay hindi na kulay asul. Nagiging kahel na ito sa unti-unting paglubog ng araw.


Renz in his casual clothes was already there. May mga students ang napapatingin sa kanya. He's good looking, I know. Minsan na akong nahumaling dito.


Tahimik akong tumabi ng upo sa bench na kinauupuan niya. Nilingon niya ako at agad binati.


"Hey. Sabi ko ay isasakay na kita sa kotse ko, e." Kanina pa niya iyon sinasabi. Pinipilit niya akong isakay sa kotse niya pero hindi ako pumayag kahit na sa iisang lugar lang kami pupunta.


"Okay lang ako. At least nakarating pa rin." I smiled at him. Ang totoo ay umiiwas lang akong sumabay sa kotse nito. Kung ano-ano kasi ang kumakalat na balita. Others think we're still dating. Kahit si Stone ay naisip na gusto ko pa rin si Renzo. At iyon ang iniiwasan ko na ngayon.


"I just want to know some things. Kung bakit ako... ang ginamit mo."


He didn't seem to expect that from me. Ang nakangiti niyang mga labi at mata ay dahan-dahan nawala. Sumeryoso ang mukha nito. Hindi dapat ako makaramdam ng ilang dahil may karapatan pa rin naman siguro akong malaman ang lahat 'diba?


"Gusto kong malaman. At, bakit ayaw mo akong palapitin noon kay Stone?"


He heave a sigh. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay niya at ipinatong ang siko sa pareho nitong tuhod, pinapanood ang mga kalapate sa may harapan namin.


“Alam mo bang nakita ko si Caroline kanina?”

“What? Saan?”

“Sa may building namin. Hindi ko nga lang sure kung taga doon ba talaga siya.”

Umiling ito. “She’s not from there. Malamang ay andoon siya para silipin si Ash.”


Natahimik na lang ako. I knew it! Tama nga ako.


"My ex girlfriend, Caroline likes him. Akala ko, sinadya ni Ash." Pangunguna nito. "I was mad that time. Noon ko pa kilala si Stone. Sa tuwing inilalaban siya ng arts club noong elementary ay napapasama rin ako. Madalas kaming magkakompetisyon. But he always win." Saka ito napangisi. "Sa bawat sports na sasalihan namin, palaging siya ang panalo. Siguro ay nainggit ako ng todo sa kanya. Kaya nang malaman ko na pati ang girlfriend ko ay nakipaghiwalay sa akin para sa kanya, mas nagalit ako."


I don't know what to feel. Kung dapat ba akong maawa sa kanya habang makaramdam ng proud kay Stone. Hindi ko masabing mali ang nararamdaman niya pero wala ako sa kalagayan niya para i-judge siya.


"So I observed him. Noong hindi pa siya babaero, ikaw ang lagi niyang kasama. Ikaw ang pinahahalagahan niya.  And, I wonder why. Doon ko napansin ang posibilidad na may gusto siya sa'yo. So I think, it's perfect to do an action that will probably loose him sa kompetisyong ako lang naman ang nagpasimula at may gusto. Iyon ay ang gamitin ka na aware siya. Para na rin pagselosin ko si Caroline."


Lumakas ang ang hangin. Nilipad ang mga buhok ko kaya agad kong inayos iyon. May mangilan ngilan na napapatingin sa amin. Mga school mates.


Kahit pala maayos na kami ni Renzo, nakaramdam pa rin ako ng inis. Sa ginawa nito sa akin. At kay Stone. Ang unfair! Pero kinalma ko pa rin ang sarili ko. Ayokong mag eskandalo.


"Why he didn't tell me at the very beginning? Bakit niya tinago?"


"He thinks too much of you that a single truth will cause you pain. Pero alam kong hindi niya rin ginusto na itago iyon. He wanted to tell you everything but he just can't because he cares for you."


Natawa ako. Ang mga sinasabi niya, oo nga't may katotohanan iyon noon pero hindi ko alam kung ganon parin ngayon. He cares for me. Stone hid everything. Inako niya lahat ng sakit. Naiinis man ako sa kanya ngayon dahil tinago niya ang katotohanan pero mas nangingibabaw ang pagkasabik ko sa kanya. I want to see him. I want to hug him. I want to say everything will be fine dahil andito na ako. Pero mukhang magiging bigo ako.


"He didn't do anything. Hindi niya inagaw si Caroline sa akin. Caroline cheated on me. Ash never entertained her. Alam ko rin iyon. Pero hindi magawang tanggapin ng sistema ko kaya kahit wala siyang kinalaman sa nangyari, I used you for him to feel the pain. Gusto kong iparamdam sa kanya ang sakit habang pinapanood ang taong mahal niya na mahulog sa iba." Aniya at tumitig sa akin. Ramdam ko ang pagtitimpi sa kanya. Tila gusto niyang manakit sa sobrang frustration.” Na mahulog ka sa akin…”  Pahabol nito.


Bumilis ang tibok ng puso ko. 'Mahal niya.'  Hindi pa rin ako makapaniwala.


"Ikaw ang totoong mahal niya, Wesia. And, I'm really sorry I did a very bad thing to ruin everything between the both of you."


Hindi na ako nagsalita pa. Sobrang sikip na ng dibdib ko na halos ang hirap huminga. Tahimik akong umiyak. Kung sakaling hindi ginawa ni Renzo iyon, mangyayari ang sinabi ni Stone sa akin. Na hihintayin niya ako sa edad na sinabi ko para magkaroon ng perfect boyfriend. But he never had the chance to do it dahil kahit ako ay hindi nasunod ‘yon nang makilala ko si Renzo. Gusto kong sisihin si Renzo. Pero mas sinisisi ko ang sarili ko. Wala akong naging isang salita.


"Mahal ko na rin siya, Renz..." Tanging nasabi ko. Finally, I said it to him. Kailan ko kaya ito masasabi sa taong mahal ko?


Humarap ito sa akin at ngumiti. Marahan niya akong tinulak sa kanya para yakapin ako. Humagulgol ako sa balikat nito habang iniisip ang mga katangahan ko.


No one took me out of the shell. Not even Renz. Matagal na palang nabuwag iyon nang hindi ko alam. I've been with Stone for years at ang paraan ko ng paglayo sa kanya ay ang maniwala sa sarili na nagmahal ako ng iba. Hindi ko alam na matagal na pala akong tumatakbo palayo sa kanya. Dahil natatakot ako. Natatakot akong makulong sa mga bisig niya. Sa mundo niya dahil hindi ko matanggap sa sarili kong kahit papaano, may apekto na siya sa akin.


Kaya nang dumating sa buhay ko si Renzo kahit papaano ay naging kampante ako. Hindi kami nagkaroon ng malalim na relasyon ni Stone. Okay na sa akin iyong andiyan siya. Iyong inaasar ako at palihim na inaalagaan na nito ko lang narealized dahil sa pagiging bulag.


Pero kahit na nagkaroon ako ng boyfriend. He never stop looking after me. He was there all these years to protect me. To lighten up my mood. To make sure I’m fine with everything. Dahil nahulog ako sa taong pinagtaguan ako ng katotohanan. He’s always been there to ensure I’m safe from everything.


Stone's been chasing me. Now that he stopped, I hated it. Siguro oras na para tumigil. Siguro oras na para harapin siya at hayaan na mabihag niya. Kung ganoon pa rin ba ang gusto niya. Pero pakiramdam ko, tumigil na siya. How selfish of me.


"Nice view."


Pareho kaming naghiwalay sa yakapan ni Renzo nang marinig ang boses na iyon. Nasa harapan na pala namin si Stone.


"You’re dating Wesia in this kind of place?"


Bakit siya narito?


Natawa lang si Renz. "We're not. Sakto ang dating mo."


Taka akong tumingin kay Renzo pero kumindat lang ito nang palihim sa akin.


"Then what is this? Pinapunta mo ako dito para panoorin kayong nagyayakapan?"


God! He's jealous! Is he?


I bite my lower lip. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Ayokong makita niya iyon kaya nagpanggap akong busy magpunas ng luha kahit tuyo naman na ang pisngi ko.


"Bring this girl somewhere, romantic. She's crying because of you." Ani Renzo na ipinagtaka ni Stone. Renzo winked for the second time saka ito namaalam at naglakad palayo.


Parang naging tahimik na paalam ang ginawa nitong paglayo. Hindi ko maitatanggi na kahit papaano, naging masaya ako sa piling nito. Natutuo rin ako sa ibang bagay dahil sa kanya.

Thank you, Renz. For everything.


Nang mawala ito sa paningin namin ay saka ako hinarap ni Stone. Ganon pa rin ang reaksyon ng mukha nito. A new level of anger is visible in his eyes. Matalim at parang hindi magpapasakop kahit ano pa ang sabihin ko.


"Somewhere romantic, huh?" He asked in sarcastic way. “At, saan naman ang gusto mo?”


Umiling ako at pinaghawak ang mga kamay ko para pigilan ang panginginig non. "I just want somewhere very near... You."


His eyes narrowed. "What the fuck are you talking about, love?"


I smiled with his endearment to me. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas kong tumayo at mag lakad palapit sa kanya. Akala ko'y tapos na ang pagluha ko ngunit bumagsak ang mga iyon nang masigurong malapit na ako sa kanya.


"Please don't stop chasing-mali. I don't even know if you're still into me—"


"I am. So what the hell is going on with you?”


He’s into me? Totoo ba ang narinig ko?


“You're confusing me—"


I stop him by giving a peck on his lips. I heard him groaned and curses a lot. Ilang beses siyang bumuntong hininga na nagpangiti sa akin. Alam kong kasing pula na rin ng kamatis ang pisngi ko 'yon.


"I like what you did but what was that for?" He lick his lips.


Napanguso ako. "Alam mo na' yon..."


I saw how amused he is. Tila ang galing-galing nang sinagot kong 'yon sa kanya. With his lips twitching to stop himself from smiling melts me. Paano niyang naatim na hindi magalit nang matagal matapos lahat ng sinabi ko?


"Enlighten me using the magic words."


"I want you, Stone." I end up with more tears like a falls falling down from my eyes to cheek. "I love you." I, then, whisper.


I saw how his jaw move even more, gritting his teeth this time. Natakot ako sa magiging sagot nito. Baka hindi ganon ang nararamdaman niya. Pero okay lang. Ayos lang. Kasalanan ko naman ang lahat.


But he grab my hand. Hinila niya ako nang marahan at nadatnan na lang ang sarili na nakasakay sa front seat ng kanyang kotse. Nakita ko siyang umikot at sumakay sa driver's seat.


And, right after he closed the door, siniil niya na ng halik ang labi ko na ikinagulat ko na lamang.

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now