Kabanata 30:

106 27 0
                                    

Old Self of Him




I can't just forget what he told me. He used me. To get back with his ex. And, when he felt guilty about it, nakipaghiwalay ito sa akin nang walang sinasabi. He left me with no clues. No explanations. 2 months ang ginugol niyang oras para mag ipon ng lakas ng loob at sabihin sa akin ang katotohanan. At nakakainis iyon dahil sarili lang niya ang iniisip niya. Porke ba malakas na ang loob niya ay saka niya lang sinabi? Hindi niya ba naisip ang kapakanan ko noon pa man? I deserved to know the truth pero kanina niya lang iyon sinabi.


I was afraid of knowing the truth ba baka ayos lang ako at mabalewala ko ang lahat ng paghihirap ko. Pero mas masakit pala. Ang kaninang ideya na baka muli akong babalik sa kanya ay hindi ko na naisip pa. Akala ko kasi ay nag sinungaling siya na may koneksyon sa pamilya niya o pag aaral. But he used me?


Tumingin ako kay Freya na nasa tabi ko. Umiinom ito at hindi ko na mabilang kung naka ilang shot na siya. Napabuntong hininga ako. Ang sabi ko ay hindi ako iinom dahil may pasok pa bukas pero mukhang hindi ko 'yon magagawa. Gusto kong makalimot kahit saglit man lang. Pero inaalala ko rin ang mangyayari sa akin bukas kung sakaling uminom ako ngayon. Nakakapagod nang mag isip.


"Oh, iinom mo nalang yan." Nilapagan ako ni Freya ng inumin sa hiwalay na glass sa aking harapan. Parang nakakalula ang taas nito dahil halos mapuno iyon. "Huwag mo na siyang masyadong isipin. Nalaman mo na ang katotohanan. There's no need to feel guilty kung may nagawa ka man noon na mali dahil wala naman talaga!" Dagdag pa nito.


Tumitig ako sa shotting glass na iyon. Napatungo na lamang ako ng ulo. I can't drink that. Baka kung ano pang magawa ko. Baka mag eskandalo lang ako at pagsisihan ko sa huli, lalo na at hindi stable ang nararamdaman ko.


Tama nga naman si Freya. There’s no need to feel guilty. Sa wakas, nalaman ko rin ang katotohanan. Hindi ako halos patulugin noon kaiisip sa mga pwedeng rason kung bakit niya ba ako hiniwalayan. Kung bakit niya ako iniwan. Pero ngayong nalaman ko iyon, parang hindi matanggap ng sistema ko. Parang gusto kong sumabog sa inis at dahil na rin sa sobrang sakit na nararamdaman ko.


"Siya ang may ginawang mali. Na guilty siya sa ginawa niyang pang-gagamit sa'yo kaya siya nakipag-hiwalay."


Sumandal ako sa kalambutan ng couch na kinauupuan namin. Napaka ingay ng buong bar. Karamihan sa mga nakikita ko ay mga kasing edad namin. Ni wala man lang akong makitang matatanda. Napakalakas din ng musika. Kahit saan ako tumingin ay may mag jowang magka yakap, magka akbay at naguusap ng sobrang lapit.


"OMG!" Mahinang tili ni Freya habang nakatingin sa bandang likuran ko. Magkatabi kami ni Freya sa mahabang red couch, magkaharap din ang mga katawan namin kaya hindi ko nakikita ang nasa likod ko.


"Bakit?" Takang tanong ko.


Inginuso niya ang nasa bandang likod ko. Kumunot ang noo ko at hindi rin nag tagal ay marahan akong lumingon sa aking likuran, nagpapanggap na busy lang sa pagtingin tingin sa mga nasa paligid namin. Saka ko lang itinigil ang paningin ko sa itinuro ni Freya para hindi mahalata. A guy is kissing another guy. Tumingin din agad ako kay Freya nang hindi nagpapahalatang nagulat ako saka uminom ng malamig na tubig na kanina pa naka serve.


"Ang cute nila!" Tiling tili na sabi ni Freya ngunit mahina lang naman iyon.


Muli akong tumingin doon. Ang dalawang lalaking iyon ay umaktong parang walang nangyari. Hindi ko rin maturo kung sino ang gay sa kanila. Pareho silang masculine type.


"Alam mo ba naiisip ko, baka bakla talaga si Kevin kaya hindi na siya naghahanap ng babae." Ngumuso ito.


Ngumiwi ako. I never think Kuya that way. I never saw him acted that way either. Hindi lang talaga ito lumalapit sa mga babae. Sa tuwing kinakailangan lang. Pero dahil sa sinabi niya, naisip ko, baka nga. It's been a very long time since he the last time he entertained a woman.


Uminom si Freya sa kanyang glass. Hindi pa naman siya lasing. Medyo nag aalala rin ako kapag nalaman ni Kuya kung na saan talaga kami. Iba kasi ang paalam ko dito. Ang sabi ko'y nag aya lang si Freya manood ng movie sa mall. Sinubukan kong pilitin kanina si Freya na huwag na kaming didiretso dito ngunit sadyang mapilit din siya at gusto daw magpa-kasaya.


"Hindi siya ganon." Sambit ko patungkol kay Kuya. Gusto kong sabihin na baka hindi pa siya nakaka move on sa last ex nito pero baka mas lalong malungkot si Freya. Nakulungkot din ako para kay kuya at sa kanya.


Nakita ko ang mapait nitong ngiti. "Ano bang meron kay Cassandra at ganon kabaliw si Kevin sa kanya."


She knows her. Sa tagal din naming pagsasama bilang magkaibigan, alam niya halos ang mga babae’ng lumalapit din noon kay Kuya bago si ate Cassandra. Sure, it was also Freya who saw him first, who approached him first, kahit bago pa makilala ni kuya si Ate Cassandra but he never fell in love with Freya. He fell in love with ate Cassandra.


Noon ay inaakala kong wala lang sa kanya ang ganoong bagay lalo pa't parang biro lamang sa kanya ang pagkakaroon ng crush. She always makes sure she's fine sa tuwing nilalapitan si Kuya ng ibang babae. Ipinakita niya ring ayos lang siya noong nahulog ang loob ni kuya sa ex girlfriend nito. Pero habang tumatagal, kahit pa maraming sinasabi ang kaibigan kong ‘to sa mga nakikilala niyang lalaki, alam kong mas matindi pa rin ang nararamdaman niya para sa kapatid ko. Para bang sinasabi niya lang na kayang kaya niyang maghanap ng iba para lang hindi mapahiya.


"Ayoko na rin." Wika nito na ipinagtaka ko.


"Anong ayaw mo na?"


"I don't like to see him again or even think of him again." Natatawa pang kunwaring sinabi niya. "Baka hindi narin mapadalas ang pagpunta ko sa bahay niyo.”


Nalungkot ako sa tinuran nito pero naiintindihan ko rin ang nararamdaman niya. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya, mapapagod din ako kahahabaol sa tao’ng hindi man lang ako binibigyan pansin. Payak na lamang akong ngumiti sa kanya.


“So anong plano mo?”


Natawa siya at muling uminom sa kanyang glass. “I won’t just settle with this shitty feelings I have for your brother. Maghahanap ako ng mas gwapo at approachable sa kanya.”


Napangiwi ako. Ayan na naman siya sa ganoong linyahan niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Mas lalo naman siyang tumawa at muling tumagay sa baso nito. Nakakailan na siya.


“Ikaw dapat ang tinatanong ko kung anong plano mo matapos lahat ng mga nalaman mo.”


Ano nga bang plano ko? Hindi ko rin alam. Ang alam ko ay kailangan kong pumasa para sa huling semester ng taong ito. Ang mga nangyari sa akin, hindi ko dapat bigyan ng pansin. Ngunit, napakahirap din gawin ang bagay na iyon. Masyadong masakit ang mga nalaman ko kay Renz. Nasasaktan din ako sa naging desisyon ko sa ginawang pantataboy kay Stone.


“Ayoko na munang isipin ang kahit na anong bagay patungkol kay Renzo.”


“Naka move on ka na ba? Like as in, full move on na?”


For now, I know I haven’t get over him that whole. Masasabi kong mahirap talaga. Ngumiti ako at umiling bilang sagot kanya. Parang pagod na bumuntong hininga sa akin si Freya at umiling.


“Ano bang meron sa kanya? Mana ka din sa Kuya mo, e. Ex is ex na kasi!”


Bumungisngis ako sa huling sinabi nito. “Alam ko naman ‘yon. And, don’t worry. Dahil sa nalaman ko, mas magkakaroon na ng reason para kamuhian ko siya. Para isipin na niloko niya lang ako. Magiging daaan ko ‘yon para maka move-on na ako ng tuluyan sa kanya.”


Freya stare at me like she’s proud of what I said. Tumango ito at siya na ang bumuhat ng baso na kanina niya oa nilagyan ng inumin ko na hindi ko naman ginagalaw. Hindi ko nagawang tangihan ‘yon. Inabot ko ‘to at pareho kaming uminom sa mga glass namin.


Nag stay pa kami ng ilang oras doon. Most of the time ay tungkol kay Stone at Renzo ang topic namin. Sa tuwing nagtatanong ako tungkol kay Kuya ay iniiwas niya ito. Ayoko na rin sanang pag usapan pa ang tungkol sa mga nangyari sa akin pero wala kaming ibang mapag-usapan kundi ang bagay na ‘yon.


It’s almost 12AM na nang makauwi kami. Hindi ako nakatanggap ng tawag or ng text kay Kuya na siyang ipinagtataka at kaba ko. Hindi kami masyadong tinamaan ni Freya kaya matino pa rin kaming umuwi. Mas napapahaba kasi at napaparami ang kwentohan namin kaysa ang pag inom.


Nasa dulo pa ang bahay ni Freya kaya mas nauna akong nakababa. Kinakabahan pa ako habang papalapit ako ng papalapit sa pinto matapos pumasok sa gate. I let out a nervous breathe before I knock on the door. Hindi pa lumalapag ang katok ko ay bumukas na ang pinto. Sumalubong ang tingin ni Kuya sa akin. That cold look made me feel nervous even more. Napatungo ako ng ulo dahil sa pagsi-sinungaling na ginawa ko.


“I’m sorry.” Agaran kong sinabi. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto kaya tahimik na din akong pumasok. Humawak ang kapit ko sa bag. Narinig ko ang pagkakasara ng pinto saka siya hinintay na magsalita muli.


“Kumain ka na?”


Doon ako napalingon sa kanya. Kuya is just staring staring at me with his both hands place inside of his pockets. Namasa ang mga mata ko at marahan na umiling. Hindi ko naman ramdam ang gutom ngunit hindi ko rin maramdaman na busog ako.


Walang salita na pumasok si Kuya sa loob ng kitchen. Inilapag ko muns ang bag ko sa kahabaan ng sofa bago sumunod sa kanya. Naupo ako sa isa sa mga upuan at tinignan siyang pinagluto ako ng ulam.


“Manang is already sleeping. Inantok kahihintay sa’yo. Hindi ko na rin siya ipinagluto ng ganon karami dahil naisip ko na baka kakain ka na sa labas.”  Nagsimula itong mag kwento. “I can’t sleep thinking of you. First time mong umuwi ng ganitong oras. Kaya naman hinintay na kita.”


Napalunok ako kalaunan ay ngumiti rin. “Thank you, Kuya.”


Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Pero, mukhang hindi naman. Tumahimik din ito at nagtuloy tuloy ang ginawang pagluluto. Ilang minuto ang ginugol niya roon habang ako ay tahimik na nakamasid sa kanya.


Chicken soup ang inilapag nito sa harap ko na nakalagay sa bowal. Nagpatong din siya ng konting kanin sa tabi ng bowl na nakalagay sa hiwalay na lagayan. Sak niya ako ipinagsalin ng tubig.


Tumitig ako sa pagkain. Halatang masarap ito dahil sa amoy. Sakto lang din ang pagkakaluto ni chicken.


Umupo si Kuya sa kaharap na upuan na may hawak mug ng tea. “Ubusin mo na yan tapos sabay na tayong matulog pag tapos mo. Ako na rin ang maghahatid sa’yo bukas.”


I nod at him. Mas naramdaman ko ang pagiging emotional. Pakiramdam ko ay may alam siya pero hindi ko na nagawang magtanong pa. Naramdaman ko ang sobrang gutom matapos tikman ang luto niya. Sobrang sarap nito na halos mapaso din ang dila ko sa init ng sabaw.


Kuya didn’t left me. He didn’t ask why I just got home in this hour. He didn’t start an argument with me. Hanggang sa matapos ay tahimik siyang nagkalikot ng cellphone niya doon.


“You’re not mad at me?” I asked in a nervous tone. Pataas na kami ng hagdan para makapag pahinga na.


“I’m not.”


Nang maabot namin ang harap ng kwarto ko ay saka niya ako hinarap at pinakatitigan ng maayos.

“Hindi man ako aware sa lahat ng mga nangyayari sa’yo but I know you wouldn’t just go home this late without a valid reason.” Bumuntong hininga siya. “At least you’re safe. You can talk to me whenever you’re ready to share but I know this is not the right time.”


Payak akong ngumiti at tumango. “Hindi kami nag sine ni Freya. We went to a bar.”


Mukhang nagulat din siya sa nalaman. His face softened  and I just found myself hug by him. Wala siyang sinabi. Ganon kami ng ilang minuto hanggang sa pakawalan niya rin ako para makapag pahinga.


Kahit na wala siyang sinabi, naramdaman ko naman ang pagiging masinseredad nito. Hindi siya nagalit. Maybe because it’s my first time being this way.


Bago ako tuluyang bumagsak sa kama ay nag bihis na ako sa baging damit. I also brush my teeth and wash my face. Nang mahiga ako sa kama ay naramdaman ko ang pagod. Kinuha ko ang isang unan na nasa uluan ko para mayakap. Doon ay naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib matapos makita ang isang panyo. Iyon yung panyong regalo ni Stone. Kinuha ko ito at pinakatitigan.


I must admit there’s this feeling I have for him. Hindi man ganon kalaki, alam kong meron. Pero gusto na munang maging handa para sa sarili ko. Kapag nawala na ng tuluyan ang nararamdaman ko para kay Renzo, baka pwede na. Pero sana, kapag dumating na ako sa puntong ganon ay hindi pa huli ang lahat.


Isang luha ang kumawala sa isa kong mata. Inilapag ko ang panyo at iyon ang tinignan ko hanggang sa makatulog.





Ilang stretching ang ginawa ko bago pumasok sa banyo  para makaligo. Alam kong kulang ang tinulog ko dahil maaga rin akong nagising ngayon but I can’t just sleep the whole day thinking of the same person.


Matapos ayusin ang sarili ganon din ang gamit ay saka pa lamang ako lumabas ng kwarto. Dumiretso agad ako ng kusina at nakita ko doon si Kuya na nagkakape. I saw Manang cooking foods too.


“Good morning, Wesia!” Bati ni Manang.


“Good morning, po!”


“Anong oras ka na ba naka uwi kagabi? Ayos ka lang ba?”


I nod at her with a smile. Umupo ako sa kaharap na upuan ni Kuya. Gwapong gwapo ito sa casual nitong suot. Wala pa man akong nasasabi ay naipaghanda na agad ako ni manang ng kape.


“Tonight, we’ll go to the Grey’s old house.” Sambit ni Kuya dahilan ng pagkasamid ko sa kape.


“Huh? For what?”


Ibinaba niya ang kape bago nagsalita. “To pay a visit. Kahapon pa dumating ang parents niya but we’re all busy yesterday at late kang umuwi kaya mamayang gabi na lang.”


Napakuyom ang kamao ko sa ilalim ng mesa. I don’t know what will I do once we get there. Ayokong mag punta doon matapos ng mga sinabi ko kay Stone. Pero, ayokong  pag isipan ako ng masama ng parents niya nang dahil lang sa mga nonsense excuse ko na baka magamit ko mamaya.


“I can’t be with you—”


“I know you’re dealing things with Ash.” Pagputol niya sa dapat kong sabihin. “But set a side those things first. Pupunta tayo doon para sa parents nito. Hindi para sa kanya. Okay?”


I just nod with that. He knows that I dealing things with Stone? Sa bagay, magkasama sila sa mga projects nila sa painting. Baka iba na naman ang timpa ni Stone sa mood and actions na sobrang visible kaya siguro nasasabi ni Kuya na may problema sa pagitan naming dalawa.


“Wala na ba kayo ng nobyo mo?” Biglang tanong ni Manang matapos maihain ang breakfast namin.


“Ho?” I heard it. I just don’t know what to respond. Ngumiti ako kay Manang at tumango.


“Naku, sayang naman! Ang pogi pa naman ng isang ‘yon at mabait.”


Napangiti ako ng tuluyan sa huling salitang binitawan nito. Ang mga pagkakakilala ko kay Stone ay nagbago. Yes, he’s kind and thoughtful. Iyon ang mga bagay na hindi ko nakita dahil nabubulag ako sa mga bagay na na nakikita ko sa kanya, ang pambababae.


Inabala ko ang sarili sa pagkain. Mabuti ay laging may sabaw ang mga niluluto ni manang para magkaroon kami ng gana na kumain ng madami. Tulad din ng inaasahan ay ihahatid nga ako ni Kuya papasok sa school namin.


While Kuya is driving, I open my my facebook to check some notifications and updates. Nagsalubong ang nga kilay ko nang makita ang puputok ng notifications. It says I was being  mentioned to a post. Kaya naman chineck ko iyon.


‘Told you! She’s just one of them. 7 days lang ang tinagal!”


It was posted by a friend of friends of mine. Walang binanggit na pangalan kaya sa comment section ko chineck. Parang sasabog ang dibdib ko nang makita ko ang pag mention nila sa pangalan ko.


Nakita ko rin ang ilang photo na nacomment doon. It was blurred. Nang pindutin ko ang picture na ‘yon ay muntik ko nang mabitawan ang phone ko.


I saw Stone. Nasa labas lang ng bar kung saan kami uminom ni Freya kahapon. He’s sitting on the hood of his car, kissing another woman.


Ang iba ay natutuwa sa pangyayari dahil kahit papaano ay bumalik siya sa pagiging babaero. Ang iba ay nagpapasalamat dahil baka may chansa raw na maging isa sila sa babae nito.


Tuloy tuloy ang pagbabasa ko sa mga comments na naroon at sa mga replies sa picture na iyon — that makes my both eyes wet. Ibinaba ko ang phone at binuksan ang bintana. Tila ang hirap huminga.


He’s back from what he used to be?

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now