Kabanata 18

122 27 0
                                    

Share




The moment we entered the room, my classmates got excited. Ang iba ay natutuwa. May iba rin na hindi. And there's Freya staring at us, staring our hands, locked in between fingers. She looked stunning in her uniform with her croptop jacket.




Umupo ako sa upuan ko. Stone stay for awhile and left after, 5 minutes before the time. Nang umalis ito ay saka lang nangahas na husgaan ako ng tao. They're afraid when he's around.




"She's flirting Ash. Halata namang mangagamit lang."




"Shame on her. She's still in love with Renz pero nilalandi na si Ash."




"She's desperate! Attention seeker. Dala-dalawa ang boyfriend!"




Ilan pang hindi magagandang salita ang narinig ko bago pumasok ang instructor. Pilit ko mang magfocus sa itinuturo nito ay hindi ko magawa. Their words are bothering me. Alam kong hindi 'yon totoo pero iyon ang nakikita nila. Naging rason din 'yon para mainis sa akin si Freya kahapon kaya naman pakiramdam ko, tinutusok ako ng mga salitang nagpapatotoo din sa ikinikilos ko sa tuwing makikita ko si Renz.




I tried remembering the past. Those days before the day Renz wanted a break up. Hinalungkat ko ang mga nangyari para humantong sa ganito. What went wrong. What I have done?




Umiling ako. I tried to be the best girl. I am not the perfect girlfriend but I tried to be one, for him, for us. Wala akong natatandaan na naging sakit ako sa ulo niya.






"Pwedeng next time nalang?"




That was the line I often heard from Renz, a month before our final break up. Sa dalawang taon na naging kami, he also tried to be the best boyfriend. May mga pagkakataon na may tampuhan kaming dalawa at normal lang iyon. Pero isang buwan ang dumaan bago niya ako hiwalayan, palaging 'yan ang pakiusap niya sa akin sa tuwing may mga gusto akong gawin. Hindi ko alam na simula na' yoa plano niyang pakikipaghiwalay sa akin




Syempre ay iniintindi ko kaya naman, nauuwi nalang na si Freya ang tatawagin ko para gawin ang gusto ko. Tulad ng pamamasyal at panonood ng sine.




"Palagi nalang busy yang boyfriend mo, huh?" Pansin ni Freya. She took a sip on her cup of hot chocolate before looking at me again. Narito kami sa malapit na cafeteria sa school at nagdesisyon na uminom ng mainit na chocolate bago pumasok. "Pare-pareho naman tayo ng takbo ng activities ngayon sa school."




"He's doing arts with kuya. Baka busy sila." Pagdadahilan ko but she shook her head like it's not true.




"Ang kuya mo ay nakikita kong paupo-upo lang sa bahay niyo. Kasi nga hindi naman talaga sila busy at nag adjust muna sila dahil nga puno na ang gallery nila. They need to sell the old works before doing new again. Ang dami na nilang bago, e!"




Nasasaktan ako sa mga ibinibigay na dahilan ni Freya. Bakit? Dahil kung hindi talaga ang pagiging busy ang dahilan, ano? May iba na siyang babae? May iba na siyang nagugustuhan? Or, baka busy narin siya sa iba.




Pero hindi, e. Iba ang pagkakakilala ko kay Renz at parang hindi ako naniniwala na pwedeng ganon nga kaya naman sa tuwing napag-uusapan namin ni Freya ang tungkol sa kanya, kung ano-anong dahilan nalang ang sinasabi ko para hindi na siya makapag-pitik pa ng ilang salita na pwedeng magpaisip sa akin ng posibilidad na hindi rin naman ako sigurado. Hindi na ako nagsalita pa.





-


"You're busy?" Tanong ko sa kanya.




Finally, nagkita din kami matapos ng ilang araw na hindi namin pagkikita. Nakakapagtext naman kami pero madalas ay late reply pa. Siguro sa magdamag ay dalawa hanggang tatlong beses lang kaming magtext. Minsan nga ay wala pa.

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon