Kabanata 32

81 24 2
                                    

Scent



Disgust. Iyan ang mga nakita ko sa mata nang mga nadadaanan naming estudyante papunta ng canteen para sa lunch namin. I’m still wearing the same clothes at para lang akong nasa loob ng bahay. Almost of the students here knew that the hoodie I am wearing right now is Stone’s. Nag update sa akin si Kuya na ngayon pa lang ito nagkaroon ng oras na maka uwi sa bahay para siya ang magdadala ng mga damit ko. Nag-guilty tuloy ako dahil naabala ko pa siya.


Pero hindi ko naman kasalanan ang nangyari. May kumuha ng damit ko. Bago pa kami mag tungo sa may swimming pool area, alam kong may laman ang mga bag ko. Kahit si Freya ay alam ‘yon. Kaya naman pareho din kaming nagtataka.


We ordered our food. Nadapo ang tingin ko kay Renzo na naka-tingin din sa akin galing sa kanyang kinauupuan sa hindi kalayuan. I saw how concern he is. Umiling pa ito sa hindi malamang dahilan at nagpatuloy sa pagkain. Nadapo rin ang tingin ng lahat kasama ako sa bagong pasok na si Stone. Hindi ito tumingin sa akin at agad na nakipag habulan sa mga babaeng naka aligid dito dahil sa phone nito.


“And there, I thought he stop caring at you.” Wika ni Freya nang maka upo kami sa bakanteng upuan na napili nito. Nakatingin ito kay Stone na nakapila na rin para bumili ng kanyang pagkain pero patuloy siyang kinukulit ng mga babaeng nakadikit sa kanya. “But look, he lend you his clothes.”


“Dahil request na mismo ni Sir.” Tukoy ko sa aming PE instructor. “Mukhang wala nga siyang pake alam kanina nang makita niya akong basa. Kung hindi pa babanggitin ni Sir Ramos na nawawala ang damit ko, hindi pa siya magpapahiram.”


Freya chuckled at that. “Oh, bakit parang siya pa ‘tong may utang sa’yo? Magpasalamat ka na lang at pinahiram ka pa niya.”


Nailing na lang ako at kumain. Sana ay hindi ako magkasipon dahil 30 minutes ata akong naghintay kanina mahanap lang ang mga damit ko habang nakasuot ng basang damit.


Sa tuwing humihinga ako ay nalalanghap ko ang mabangong amoy ng hoodie ni Stone. Mainit din ito sa pakiramdam. Yes, I’m thankful that he came and lend me these clothes. Hindi ko nga alam kung paano niyang naatim na gawin ‘to matapos ng mga sinabi ko sa kanya.


How is he kaya? Specially with his parents. Is he okay? Knowing that he’s mad at them. Mag isa siya ng ilang taon kaya hindi ko rin siya pwedeng sabihan na makipag bati sa mga magulang nito. Magiging mahirap ‘yon.


Naging wrong timing ang pag iwan ko sa kanya. His parents came. He must have been very stressed and hurt at the same time. Kung kailan dumating ang mga ito ay saka ko siya pinakawalan. Therefore seeing him this way, back being his old self around girls, I can’t blame him. Lalo na sa mga rason nitong sinabi sa akin kung bakit niya ginagawa ‘yon.


I heard Freya chuckling reading something onto her phone. My forehead knelt with that. Wala itong Sali-salita na iniharap ang screen ng kanyang phone sa akin. Umikot na lang ang mata ko nang makita sa University confession group namin ang uploaded picture ko na kausap si Stone sa may swimming pool area suot-suot ang hoodie nito.


Kinuha ko ang phone para mabasa rin ang ibang comments doon. Iyong mga supporters ni Stone na mababait ay ipinagtatanggol ako sa mga hate comments. Karamihan sa kanila ay naiinis. Ang iba ay nagtataka dahil akala nila ay tapos na kami.


I return the phone back to her and just continue eating. I don’t want to mind it. Nakita ko roon sa comments na kung sino mang kumuha ng damit ko ay may galit sa akin o di kaya’y nagseselos. Pero baka imbes na magwagi ito ay baka magalit pa ito lalo dahil nga suot-suot ko ang mga damit ni Stone. And not to brag, I’m also wearing his boxer!


“Sa dami ng may galit sa’yo dito, hindi ko maituro kung sino.” Ani Freya. Kahit ako ay hindi alam kung sino. “But I have someone in mind.”


“Who?”

“Shanta?”


Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Why I haven’t think of that? Minsan na akong nasaktan ng mga kaibigan nito.


“Paano kung hindi siya?”


Ayokong magturo ng kung sino lang lalo na nang walang basehan. Walang mga CCTV camera doon sa swimming pool area kaya naman mahirap magturo.


“Patunayan natin.”


Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin o kung anong dapat naming gawin para patunayan ‘yon. Kinabahan ako sa naiisip niyang paraan.


Pagkatapos kumain ay sakto rin ang pagdating ni kuya na may dalang paper bag na naglalaman ng mga damit ko. He’s fuming mad because of what happened. Pagkatapos magbihis ay ipinatingin ako nito sa clinic para malaman kung normal ba ang body temperature ko. Nang madeklara ng nurse na normal ito ay saka lang kami nakahinga ng maluwag.


“Walang nakaka alam kung sino ang may gawa.” Ako na inaayos ang mga hiniram kong damit sa paper bag. Balak kong labhan ang mga ito bago ibalik. Except for the boxer. Bibili nalang ako ng bago.


“Balak kong puntahan si Shanta. Iyong nanakit sayo, Wesia.”


“What?” Kuya asked. Sa boses nito ay parang illegal ang gagawin ni Freya. “Wala namang proof na siya ang kumuha kaya bakita mo siya pupuntahan?”


“Para malaman. Sa lahat kasi ng may galit sa kanya, parang si Shanta ang pinaka galit sa kanya. Pag wala sa kanya, si Sherline!”


Tinitigan ko si Freya at nilakihan ito ng mata. Ayoko ng way niya. Baka mas lalong magkagulo. Paano kung hindi pala sila ang kumuha ng damit edi mas magagalit lang sila lalo?


“Hayaan na lang natin.” Sambit ko. Tinignan nila akong dalawa. “Tutal ay hindi naman ako nasaktan. At damit lang naman ‘yon.”


Umirap si Freya sa sinabi ko tila hindi niya matanggap ‘yon. Ayoko lang na mas magkagulo pa. Kahit na galit na galit si Kuya ay wala rin itong ibang magawa. Hindi namin magawan ng aksyon dahil walang nakakita. At kahit na may gustong gawin sila Kuya at Freya, hindi naman nila alam kung paano.


Itinago ko na muna ang paper ko sa aking bag pagbalik sa room nang sa ganon ay hindi ko ‘to malimutan mamaya. Parang takot pa ako na itinago ‘yon doo. Kung iyong damit ko nga ay nawala, paano pa kaya ito?


Napaisip ako kung anong dapat kong gawin para matigil na ‘to. Pero iisang lang ideya na meron ako. Iyon ay makalayo ng tuluyan kay Stone. I sighed with that thought. G-graduate na rin naman ako. Pagkatapos nito ay may possibility na hindi na kami magkita pa.


Natapos ang klase na dawit ang pangalan ko sa usapan ng mga classmates namin dahil sa nangyari. We’re busy fixing our things inside our bags when someone just came in. Babae at pagod na pagod ito na nakatingin sa akin. Hindi ko siya kilala pero parang kilala niya naman ako. Lumunok muna ito at napahawak sa may pinto bilang alalay dahil sa hingal nitong puso.


“Ate Wesia, may nakita po akong damit, baka po sa inyo.”


Hindi pa man kami nagtatanong kung saan ay lumapit ako agad sa kanya. Naglakad siya at sumunod kami ni Freya. Kahit ang mga kaklase namin ay sumunod. Hindi ko na sila pinansin at sumunod sa babaeng ito.


Tinahak namin ang daan papunta sa kung saan. It’s on the Junior building. Why here? Medyo may kalayuan ito sa senior building. Tumaas kami hanggang sa rooftop ng building nila. Ang ibang students ay napapatingin sa akin. I didn’t know na sa tuwing nadadaanan namin sila ay nababanggit nila ang pangalan ko. I nevee thought they knew my name here in Junior area.


Hindi ko pa rin malaman kung nasaan ang mga damit ko pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang nakasampay ang mga iyon sa alambreng andoon sa pinaka gilid ng rooftop.


Magkakatabi ang Junior building. Sa likod nito ang sophomore building na may kalayuan din dahil sa landscape ng mga grade 10 students bilang division. Pero ang katotohanan na ang mga students sa higher floor ay may posibilidad na makita ang mga damit ko ay parang ikasasabog ko sa hiya.


Kahit ang underwear ko ay nakasampay doon. Ang mga junior student ay nagtatawanan.


Binalot ako ng matindi pang kahihiyan nang mas dumami ang umakyat dito. Parang nacurious kasi ang mga junior students kung bakit andito kaming mga nasa senior-seniors. May kung ano rin sa puso ko ang nagpipigil na huminga ako ng maayos. My eyes gets blurred. Naipon ang galit ko at parang gusto kong sumabog na lang pero alam ko naman na walang magagawa ‘yon.


Hindi ako makalakad papalapit doon sa mga gamit ko para kunin ang mga ‘yon. Para akong nanghihina. Nakita ko na lang na si Freya ang kumuha ng mga ‘yon sa alambre. Itinago niya ang mga underwear ko sa damit ko saka siya lumapit sa akin.


Ang mga students na tumatawa ay natahimik. Nang makita ako ay agad silang nagsi alis tila nahiya sa mga ginawa nilang pagtingin sa damit ko.


Who did this? What made him or her do this? Anong ginawa ko sa kanya? Bakit ganito? Hindi ko alam na uso pa pala ang ganitong bullying ngayon.


“Paano mo nalaman na andito?” Tanong nung baklang kaklase namin sa babaeng nagdala sa’min dito.


Tinignan ko ang ID ng babae. She’s a junior too. Kaya siguro pagod na pagod siya kanina sa pagtakbo papunta sa akin.


“Narinig ko po yung mga kaklase kong nagtatawanan na may nakita daw silang damit dito sa rooftop. Kaya po chineck ko. Wala akong idea na kay ate Wesia ‘yon pero kalat na nawawala daw po yung damit niya so nagbakasakali po akong puntahan kayo para ma confirm kung kay ate Wesia nga po.” Pagpapaliwanag nito.


“Paano mo nakilala si Wesia?” Asked by my other classmate.


“Palagi po kasi siyang laman ng confession group kapag si Kuya Ash na po ang topic doon.”


Hindi ko na ata kaya ang kahihiyan na naramdaman ko. Tinalikuran ko sila saglit para ilabas ang mga luha ko na kanina ko pa inipon. Luha ng galit at inis. Freya walks near me at dinaluhan ako.


Nagpasalamat sila sa babae bago kami umalis. Inaalo pa rin ako ni Freya habang naglalakad kami pabalik sa room dala ang mga damit ko. Kasama narin ng mga classmates namin. Hindi ko naman inaasahan na sa pagdating namin doon ay ang naghihintay na Renzo.


May ibang students sa ibang room ang nakatingin. Renzo is not from this building. Nalalagi lang ito noon dito noong kami para para hatiran niya ako ng snacks, ihahatid o di kaya’y susunduin kaya naman ang iba ay nagtataka gayong alam na ng lahat na wala na kami.


Why is he here? Anong kailangan niya?


Bago kami tuluyang makapasok sa loob ng room ay lumapit na ito. He looks calm. Very refreshing too look. Sa tuwing titingin ako sa kanya ay baka makalimutan ko ang ginawa nito sa akin kaya nag iwas na ako.


“I’m just here to check on you before I go.” Wika nito.


“She’s fine.” Freya answered. “Nalaman na rin namin kung nasaan ang damit niya.”


Bumaba ang tingin nito sa damit na hawak ni Freya saka nalipat ang tingin sa akin. “Nahanap niyo ba kung sino ang may gawa?”


We shook our head as an answer. He lick his lips and nodded. “Ako ang bahala.” Anito.


Sa kaloob looban ko ay gusto ko siyang sigawan dahil narito pa siya at ginagawa ‘to. I want to tell him I don’t need his help. I want to tell him to just leave. Para bang nangenge alam ito sa buhay ko. Pero meron ding sa akin ang naiisip na kaya siya andito ay dahil gusto niyang makipag balikan sa akin. Specially that I remembered he tried asking me if we can still work out things between us.


She didn’t let me protest. Umalis na ito na sinundan o ng tingin sa papalayo nitong bulto.


Freya tap my shoulder. Pumasok kami sa clsssroom at isinama ang mga damit ko sa paper bag kung saan nakalagay ang damit ni Stone.


“Let’s go home.”


Kuya said he’ll be working with the building coordinators or will ask some Janitors and guards kung may nakita ba sila na misteryosong tao na siyang naglayo ng damit ko sa akin kaya naman kaming dalawa na naman ni Freya ang naglalakad paalis ng school.


When we reach out the outside ay saka pa umulan ng malakas. Napamura ako sa aking isip. Freya cursed loudly.


“Wala akong dalang payong. May dala ka?”


Umiling ako. “Wala rin.”


“Dito ko na lang. Magpapara ako ng taxi.”


“Pero mababasa ka!”



Umiling ito. She was about to run away when someone grab my hand and put umbrella on top of it. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil agad niysng isinuot ang kanyang hoodie paglayo. Freya seems shock.


“Who’s that?”


I haven’t seen his face. Napatingin ako sa payong at nangiti.


“Hindi ko alam.” I answered.


Hindi ko nga ba alam o alam ko? Hindi kasi ako sigurado. I just know that person has the same scent with Stone’s hoodie.


“Wow.new admirer? Tara-tara!”


Binuksan namin ang kulay abong payong. Naglakad kami pero hindi pa nakakalayo ay may kotseng pumarada sa gilid namin. The window on the driver’s seat went down at ang mukha ni Renzo ang sumalubong.


“Ihahatid ko na kayo.” Anito.


Gusto kong umiling. But Freya already pulled me, open the door at mas una akong pinasakay. Nagsalubong ang kilay ko at tinignan siyang ganadong-ganadong nagpapasalamat kay Renzo.


I thought she hates him? Ano ‘tong pinapakita niya?


Nagkatitigan kami ni Renzo ss rear view mirror. Hindi rin nagtagal ay minaobra niya ito palayo.

Chasing WesiaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora