. . . ⇢ 041 ˎˊ˗

283 20 7
                                    

━━ jasmine's.

nakatulala lang ako habang hawak-hawak ang nakatuping papel na nakuha ko sa wooden box na hinukay ko. hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa ang laman nito at hindi ko alam kung dapat ko pa bang basahin 'to.

pwede naman sigurong itapon na lang 'no?

i heaved a deep sigh at kinuha ang singsing. kunot noo ko 'yung pinagmasdan at doon lang napansin na nakaukit doon ang pangalan ko. muli akong napatingin sa papel na hawak ko.

hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam ako na konektado ang letter na 'to sa singsing. muli akong napabuntong hininga at kahit ayokong buksan ang letter ay ginawa ko pa rin.

 muli akong napabuntong hininga at kahit ayokong buksan ang letter ay ginawa ko pa rin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

kaagad kong tinupi pabalik ang letter at muling napatulala matapos mabasa ang sulat. sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko matapos mabasa ang nilalaman nito. matatawa ba 'ko o ano?

10 years old self ko sinabing 'wag ko daw siya iwanan kaso paano ba 'yan? siya ang nang-iwan self e, anong magagawa natin don?

natawa ako ng pagak nang maramdaman ko na lang ang pagtulo ng mainit na likido mula sa aking mata. kaagad ko 'yung pinunasan kasi hindi dapat ako nagkakaganito, hindi dapat ako umiiyak sa walang kwentang bagay na 'to.

ano naman kung iniwan niya 'ko? hindi ba't ganun naman talaga ang buhay? may papasok sa buhay mo tapos may mawawala din. tulad ni mama, bata pa lang ako iniwan niya na 'ko pero at least nagpaalam siya di'ba?

wala naman kasing permanente sa mundong ginagalawan natin kasi kahit anong ingat mo dito 'wag lang siya mawala sa'yo, dadating pa rin sa puntong siya na mismo ang aalis. dadating pa rin ang oras na iiwan nila tayo.

napapikit ako at tinakpan ang bibig para mapigilan ang aking paghikbi. kahit anong pilit na pagpapaniwala ko sa sarili ko na hindi na masakit, nararamdaman ko pa rin e. nandoon pa rin 'yung pait ng nakaraan.

nandoon pa rin 'yung sugat.

pakiramdam ko nga mas lamang pa 'yung sakit kaysa sa galit na nararamdaman ko para sa kanya, lalo na ngayong nakita ko siya. oh, please, bakit kasi kailangan ko pa siyang makita ulit?

tangina naman oh.

tumayo ako at inayos ang sarili. pinilit kong ngumiti sa kabila ng pagpatak ng mga luha sa aking pisngi. ibinalik ko ang singsing at letter sa wooden box at humarap sa salamin.

"ngayon lang 'to jas. matibay ka at maganda ka kaya ngayon lang 'to at hindi ka na muling iiyak, okay?"

okay.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon