Chapter 6.2

299K 5.5K 548
                                    

Her POV


Andito ako sa loob ng sasakyan ni Sir Dmitri na parang tuod na nakatulala sa kawalan.


Bigla ko na lang nakagat ang labi ko ng maalala ko yung pag-kiss niya sa labi ko. His soft kissable lips..



I can't deny na kinilig ako. Kulang na lang maglupasay ako't umihi sa sahig sa sobrang kilig..



*tsup*


Nabigla na lang ako ng bigla nalang akong hinalikan ULIT ni SIR! Emeghed. 


"Stop biting your lips you little tease. Baka di na tayo aabot  sa pupuntahan natin." He said using his husky voice. Uyy! Tinotoo ngang mag-tatagalog ang loko.. Hihihi. 


Trip trip ko lang nga yun. Para na rin mag-tagalog siya. Rinding-rindi na kasi ako sa Ingles. Sa opisina kasi ingles dito, ingles doon. Nosebleed katapat ko dun.


Agad naman siyang bumalik sa pagmamaneho at alam kong alam niyo rin na di ko alam ang di niyo alam. De joke lang. What I mean is-- oy! English yun! di ko alam kung saan, kailan, pa'no ba nagumpisang lahat.


De joke ulit. Final na 'to. Di ko talaga alam kung saan kami papunta. Basta drive lang siya ng drive hanggang ipinark niya na ang sasakyan sa parking lot ng isang mall.


"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.


"You need to change." he simply said at lumabas na ng sasakyan umikot papunta sa side ko.


Iiihhhh! Para akong kiti-kiting kinikilig sa loob ng sasakyan.  Mabuti nalang at tinted yung window niya.


Agad ko namang inayos ang sarili ko.


Pakipot muna Eliza, Landi later.


Agad naman nitong binuksan ang pinto at inabot ang kamay nito pero tiningnan ko lang ito.


"Well? Aren't you gonna go out of the car?" He asked.


Kaya doon ko lang tinanggap ang kamay niya at lumabas ng kotse.


Para naman akong kinuryente ng maramdaman kong may spark ng dumikit ang aming mga kamay.


"I like it when you're blushing, my dear." he whispered. Ang daming endearments ng lalaking ito. 


Agad niya naman akong hinila papasok sa mall at nagpunta sa iba't ibang botiques. Pili lang siya ng pili. Kaya't sukat lang ako ng sukat. 


The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora