Chapter 29

215K 3.5K 54
                                    

SURPRISE! Dahil maaga akong nakauwi naisipan kong mag-update pero short nga lang. Pagtiisan muna. Nakihiram lang muna ako kaya short lang.. Hehehe





Her POV


Nandito ako sa kwarto ko. Nakahiga habang nakatulala sa kisame. Ilang oras na ang nakalipas noong umalis siya sa bahay. Mabuti na lang at wala ang mga magulang ko noong pumunta siya rito.


Di ko akalaing susundan niya ako dito. Sino ba naman ako hindi ba?


Noong nakita ko siya naisip kong 'Ang saya ko! Nandito siya! Sinundan niya ako!' pero mas nangibabaw sa akin ang 'Baka sinundan ka lang kasi nga may kasunduan ka yo.'


Di ko alam kung t-totoo ba yung mga sinabi niya sa akin?


G-gusto ko nang sumuko. Di bale na nga lang magbayad ako ng habang buhay kaysa makasama siya. Nahihirapan na ako lalo na't gusto ko siya. Mahal ko siya.


Ayoko na. What if kapag bumalik ako, iiwan din niya ako.


What if kapag mas mahulog ako sa kanya, di niya ako sasaluhin.


What if ganito, What if ganyan.


Puro what-ifs ang nasa utak ko ngayon. Nararamdaman ko na namang untiunting tumutulo ang mga luhang tila di nauubos.


Narinig ko nalang na may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad kong pinahid ang luha ko.


"Anak, kanina ka pa hindi lumalabas ng kwarto mo. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Nanay. Noong bumalik sila ay kinulong ko na ang sarili ko sa loob ng kwarto. Ayokong makita nila ako sa ganitong sitwasyon.


"W-wala po ito, nay."


"Wala nga ba talaga? Pero base sa boses mo, meron eh." sabi niya ng marinig ang basag na boses ko.


"Anak, kung may problema ka, nandito naman ako, kami ng tatay mo na handang makinig sa'yo." malungkot na sabi ng nanay. Tumayo ako mula sa kama at binuksan ang pinto.


Nakita ko si nanay at agad kong hinagkan ng isang mahigpit na yakap. Yakap humihingi ng tulong, tulong mula sa isang ina.


Agad niya akong inakay at pinaupong muli sa kama ko habang siya ay humila ng isang silya at umupo sa harapan ko.


"Anak, ngayon lang kitang nakitang ganito. Pwede mo bang sabihin kay nanay? Makikinig ako. Wag ka nang umiyak. Naiiyak rin si Nanay eh." parang naiiyak sabi nito kasabay ng pagpapatahan sa akin.


Di na ako nagalanganing sabihin sa kanya ang lahat. Mula sa deal, pagpapanggap, at sa aking nararamdaman para sa kanya. Iyak lang ako ng iyak sa bisig ng aking ina habang hinahagod nito ang aking likod.


"Alam kong mahirap sa iyo ang mga pinagdadaanan mo ngayon, anak. Pero pakinggan mo ang puso mo. Pero tandaan na wag lang puro puso. Gamitin mo din ang talinong bigay ng Diyos sa'yo. Buksan mo ang paguunawa mo. Pakinggan mo ang dahilan niya. Dahil sa isang love story, di maawawala ang mga problema, kasi ito ang magpapatatag sa samahan ninyo. Ito, itong problema niyo, isang pagsubok pa lang ito na binigay ng Diyos kaya wag na wag mong iisiping sumuko. Diba sabi mo mahal mo siya? Ipaglaban mo yun. Baka isang araw mamahalin ka rin niya pabalik." sabi ni Nanay at pinunasaan ang mga luha ko.


"Mabuti nga't sinundan ka pa rito. Ang layo-layo ng probinsya natin. At isa pa, mabuti nga, yan lang yung problema niyong dalawa, yung tatay mo nga hinabol ba ng itak ng lolo mo." natatawang sabi ni nanay na ikinatawa ko rin.


"Ayan. Mas maganda ka kapag nakangiti. Malaki ang kumpyansa kong babalik iyon bukas. Tiwala lang, anak." sabi nito at tumango lang ako. Tumayo na si at binuksan ang pinto at bago pa siya makalabas ay may sinabi pa siya sa akin.



"Pero anak, pwede request?" sabi nito.


"Ano po yun?"











"Pwede ba naming gamitin ang acting skills namin ng tatay mo sa kasintahan mo? Alam mo namang gusto naming maging artista ng tatay mo. At pakipot konti anak ha? Pahirapan mo muna. Minsan lang dumating ang pagkakataong ito. Hihihih" sabi nito at humagikhik pa.



Pero di rin naman yun masama.



Hehehehe...


Patatawarin na kita Dmitri pero bago pa yun, humanda ka muna sa isang sweet revenge!!


BWAHAHAHAHA*cough* *cough*! Ano ba yan! Epic fail ng evil laugh!!











The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon