Chapter 27

213K 4K 149
                                    

Her POV


Walang ganang pumunta sa 'Cake House'. Agad naman akong sinalubong ng isang bibong staff.


"Good Afternoon, Ma'am! Welcome to Cake House! We serve the most delicious cakes in town. How may I help you?" ngingiting bungad nito sa akin. I smiled but a fake one.


"Cake Testing." maikling pahayag ko.


"Cheer up Ma'am. I'm sure our cake will make your day, better! This way Ma'am!" sabi niya at inakay ako sa isang parang private room.


Nang buksan ko ang pinto, ay bumungad sa akin ang isang kwartong puno ng iba't ibang flavors ng cake at iilang malalaking catalogs. 


"If you ever need my assistance, Ma'am, don't hesitate to tell me." sabi pa nito habang hinila ang upuan kung saan ako uupo.


Napabuntong hininga ako. 


"Would you mind if I ask for your suggestions on what flavor to pick?" tanong ko sa staff.


"Ok po. Our bestselling flavor is this. and blah blah blah blah." salita lang siya ng salita pero tila nasa ibang lugar ang utak ko. Ano kaya ang ginagawa ngayon ni Dmitri? Ano kaya yung rason bakita siya nagkaganun? May nagawa ba akong mali? Bakit siya——————————-


"So Ma'am, may idea na po ba kayo kung anong flavor ang pipiliin niyo? Kung gusto niyo po tikman nandito naman po yung samples at——" di niya natapos ng may biglang pumasok. Tiningnan ko naman kung sino.



And guess what..



Walang iba kundi si Dmitri still wearing his suit pero nakaluwag na yung necktie at magulo pa yung buhok. Hinila niya ang upuan na katabi ko.


"You can go." seryosong sabi nito sa staff. Tumango nalang ito at lumabas ng kwarto.


"So did you pick what flavor you want?" sabi ni Dmitri habang kinukuha nito yung coat niya at tinupi pataas ang sleeves nito. Umiling lang ako.


Kinuha ko yung catalog and scanned every page with different designs of wedding cakes.


"May idea ka na kung ano yung design ng cake?" tanong ulit nito at umiling lang ako. Wala akong ganang magsalita. Baka kasi magalit na naman.


"Look. I'm sorry for what happened to the call okay? I just have a lot of problems to deal with." parang naiinis na pahayag nito ng mapansing di ako sumasagot. Tumango lang ako habang di inaalis ang tingin sa catalog.


"Would you mind if ako nalang ang pipili ng flavor?" tanong nito sa akin. Tumango lang ako at di na ako nagabalang tingnan siya.


"Would you like chocolate or red velvet?" tanong nito. I just shrugged my shoulders. Nakita ko sa peripheral vision ko na nagpipigil na ito ng galit.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Where stories live. Discover now