Chapter 26

227K 3.8K 113
                                    

Her POV


1 month to go 'til the wedding. I kept thinking about Dmitri this past few days. Lahat kaya ng ginagawa niya acting lang yun? Kasi I came to think diba, all of this is part of the deal.


Baka this is all part of his plan para mapaniwala namin ang lahat na mahal namin ang isa't-isa?


Napabunntong hininga ako. Nalilito na ako sa kung ano ang totoo at sa hindi.


Iniisip ko pa lang na pagkatapos ng kasunduan namin, mawawala nalang 'to na parang bula. Tila isang napakagandang panaginip at kailangan ko ng gumising. Pero kailangan kong gawin 'to kasi nga part of the deal diba?


Tutulungan niya ako, papakasalan ko siya. Yun naman yun mula sa umpisa diba?


Paano nalang pag——


"Eliza, nakikinig ka ba?" napabalik ako sa realidad ng tinawag ako ni Abby, ang wedding planner namin at isa narin sa mga friends ko ngayon. Nandito kami ngayon ni Abby sa isang cafe nagpaplano para sa kasal. Oo, nagpa-plano na kami. Or should I say ako lang.


Palagi nalang kasi siyang busy. Kung dati halos di na siya pumasok, ngayon naman tuwing gabi nalang kami nagkikita. Tapos maaga pa siyang pumapasok. Pina-leave niya pa ako para sa preparations sa kasal. Haist.


"Nahalata kong kanina ka pa bumubuntong hininga. Malaki yata ang problema mo?" nag-aalalang tanong ni Abby.


Umiling lang ako.


"Ano nga ulit 'yun?" pagiiba ko sa usapan.


"Ah. Yes. Kailangan nating mag-cake testing mamayang hapon para ma-settle na. Tapos sa makalawa, pupuntahan natin yung venue ng kasal. Ano nga pala yung theme?" Tuloy tuloy na sabi ni Abby.


"Halloween." natatawang sabi ko. Napanga-nga naman siya.


"Seryoso?" di makapaniwalang sambit nito. Tumawa lang ako ng tumawa.


"Siyempre....... HINDI! Gusto ko yung pang-fairy tale. Yung tipong ako yung princess at siya yung prince charming ko." I dreamily said pero nawala lahat yun ng maisip kong he will not be my prince charming na makakasama ko habang buhay.


"Oh. Nabagsakan ka yata ng langit at lupa? Napano ka?" nagtatakang tanong ulit ni Abby.


"OMO! BUNTIS KA?" sigaw nito. Napalaki naman ang mga mata ko.


"Ano ka ba! Hindi no!" pagtanggi ko. Bakit ba palaggi nilang sinasabi na buntis ako? Una yung mommy ni Dmitri tapos ngayon si Abby. Di pa nga kami nag-aano ni Dmitri eh.


Yung alam niyo na. Yung ano. Basta yung ano. Yung ano ni ano na ano sa ano. Basta yun na yun.


"Grabe kasi mood swings mo eh. Oh baka naman, meron ka?" sabi ni Abby. Pinanlakihan ko na naman siya ng mata. Lumapit ako sa kanya.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Where stories live. Discover now