Chapter 31

222K 3.8K 138
                                    

Her POV


Halos lahat ng mga babae ay napatili ng naghubad si Dmitri ng damit dahil sa pawis kakasibak ng kahoy.


"Hala! Mayroon siyang abs!" sabi ng isang teenager na hula ko ay nasa 15 palang ang edad.


"Oo nga. Bakit pala nandito ito sa bahay ng mga Lopez?" nagtatakang tanong ng katabi nito. Nasa likuran kasi nila ako.


"Sa pagkakarinig ko ay dahil nobya daw niya yung anak. Aba! Mas maganda pa nga ako sa kanya! Ang panget naman iyon!" pagsasaad ng babaeng iyon. Aba?


"Panget ba talaga yung anak ng mga Lopez? Nakita niyo na ba?" napalingon naman sa akin yung dalawa.


"Hindi pa. Pero I'm sure pinikot lang niya yung gwapong lalaking ito. Sabi kasi ng Nanay ko, panget daw siya di katulad mo po Ate, maganda." sabi nito.


"Oo nga Ate! Ang puti niyo po. Tapos ang ganda pa niyo. From head to toe perfect. Ako nga po pala si Inday Monay." pagpapakilala niya. Tss. Katawa naman ng pangalan niya.


"Ako naman si Neneng Bebing." pagpakilala ng isa pa.


"Eh ikaw, ate anong pangalan mo?" sabay nilang tanong. Inayos ko ang sarili ko.


"I'm Eliza." sabi ko.


"WOW! Ang sosyalin naman ng pangalan niyo! Anak mayaman siguro kayo kaya't ganyan ang itsura mo!" pagkamangha nilang dalawa.


"Eliza ano po? Ano po yung apelyido niyo?" biigyan ko sila ng isang matamis na ngiti bago sumagot.


"Lopez." sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata nila at nagtulakang umalis. Manghuhusga na nga lang, mali pa. Ang ganda ko kaya.


Tiningnan ko si Dmitri. Nakatingin siya sa akin at binigyan ako ng kindat. Kindatan niya mukha niya. Kainis siya. Ibalandara ba naman ang katawan niya! Alam ng may mga nanonood. Isa pa itong nanay ko!


Parang nananaginip ng gising. Nakatulala sa hangin. Uy! Kanta yun ah!


Nakita yata ni Tatay na halos lahat ay nakatingin kay Dmitri lalo na sa katawan niya ay hinubad din ni tatay ang suot nitong pangitaas.


"Aba Elito! Huwag mong ipakita iyang patpatin mong katawan! Wala kaming interes diyan!" sigaw ni nanay na ikinatawa naman namin. Wag kayong mabahala, ganyan silang maglambingan.


"Aba! Kung wala itong katawan kong ito, di ka hahabol-habol sa akin noong kabataan natin!" pagmamayabang ni tatay.


"Hoy! Ikaw ang nanghabol! Sira!" natatawang sambit ni nanay kay tatay. Natawa na naman pero silang dalawa lang ni tatay. Mga baliw.


Pumasok na ako sa loob ng bahay at hinalungkat ang cabinet ko at naghanap ng malalaking t-shirt na kasya kay Dmitri.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Where stories live. Discover now