Chapter 30

227K 3.8K 260
                                    

Her POV


Kusot matang lumaabas ako ng kwarto ko. Nakarinig kasi ako ng mga taong tila nagpapanik. Nakarinig din ako ng mga natatarantang boses ng mga tao.


Pagkalabas ko, MAY SUNOG!





Hindi joke lang.


Tiningnan ko ang nanay at tatay at ang ibang kapitbahay namin kakahalungkat isang gabundok na mga--- sinaunang damit?


Yung tipong sinusuot noong panahon ng kastila.


Tiningnan ko na natataranta silang pumipili at isusukat tapos huhubarin na naman tapos pipili na naman at isusukat.


"Anong nangyayari dito?" takang tanong ko habang lumalapit sa kanila.


"Ay anak, naghahanap kami ng kostyum ng tatay mo." Ha? Costume para saan? Nagkibit-balikat lang ako. Baka may costume party na daadaluhan. Bahala sila sa buhay nila.


"Bagay ba anak?" tanong ng tatay sabay pose na itinataas nito ang itak na parang susugod sa laban.


"PARA SA KAPAYAPAAN! KATARUNGAN AT-- at ano nga ang sunod?" sigaw ni tatay tapos tumawa silang lahat maliban sa akin.


Pumunta ako sa kusina't gumawa ng kape. Agad din naman akong bumalik sa salas at umupo sa sofa habang tinitingnan sila.


Hmm! Ang sarap ng kape!


"Saan po ba kayo pupunta't magko-kostyum pa kayo?" tanong ko at humigop ng kape.


"Eto yung susuotin namin pagdating ng nobyo mo." agad ko namang naibuga ang ininom ko.


"ANO? Iyan?" gulat na gulat na sambit ko.


"Oo. Oh paano magbibihis muna kami." sabi ni nanay at lumakad papunta sa kwarto nila ni tatay pero inunahan ko na sila't hinarangan sila.


"Are you out of your minds?" tanong ko.


"Naka-tapak lang ng maynila naging mahina na ulo mo anak. Andito pa sa loob ng iskull namin ang utak namin. Hindi naman lumabas utak namin." natatawang sambit ni tatay.


Magsasalita pa sana ako ng bigla akong nakarinig ng katok.


"Oh buksan mo na iyonn! Baka nobyo mo. Tandaan mo ang mga sinabi ko sa'yo kahapon kundi kukurutin kita sa singit! Mga amiga! Dali at magtago na kayo't dalhin niyo ang mga damit! Baka makita ng nobyo ng aking anak!" pagbabanta't sigaw ni nanay. Ayoko ngang makurot sa singit. Noong bata ako nagmamarka talaga yung mga kuko niya sa singit ko.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Where stories live. Discover now