EPILOGUE

274K 3.4K 220
                                    


Her POV


Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.



"GISING NA ANG BRIDE!!!!" Napangiwi nalang ako ng may sumigaw sa tabi ko. Ang tinis pa ng boses.


Tapos sunod-sunod na pumasok ang ibang tao tapos labis akong nagulat ng pumasok sina Nanay at Tatay pati si Diane yung cousin ni Dmitri.


"Bilisan mo na diyan at naghihintay na sila sa atin sa simbahan." Excited na tawag ni Nanay sa akin habang inaalalayan akong tumayo.


Doon ko lang nahalatang nakasuot ako ng wedding gown. Ganun na lang ang takot at para akong tuod na nakatayo. Di ko kayang ihakbang ang mga paa ko.


"Anong gagawin natin sa simbahan?" kinakabahang tanong ko. AYAW KONG MAY PAKASAL KAY LUCAAAASSSS!!!


"Magpapakasal ka diba? Bakit kinakabahan ka ba? Ano nga iyong tawag diyan? Gold feet? Oo! Nago-gold feet ka lang!" sabi ni Tatay.


"BALIW! Hold feet kaya yun!" correction pa ni Nanay. Narinig ko na lang ang mga tawa ng iba naming kasama sa loob.


"Tito, Tita it's COLD Feet po." natatawang sabi ni Diane.


"Ha? Teka sandali. Malamig ba ang paa mo anak?" nag-aalalang tanong ni Tatay.



Mas lalo namang natawa ang iba.


Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Diane.


"Hello Dad. Po? Sige. Papunta na po kami. Gising na rin po kasi si Eliza. Sige. Bye." sabi nito at tiningnan ako.


"Kailangan na nating umalis!" sabi nito. Pero umiling ako.


"Nahihibang na ba kayo! Ayoko! AYOKO! AYO-KO!" naiiling at naiiyak na saad ko.


"Ha? Bakit ayaw mo? Eh eto nga yung pinapangarap mo oh! Yung maikasal sa taong mahal mo!" sabi ni Nanay.


"Maikasal sa taong mahal ko? EH DI KO NAMAN MAHAL ANG PAPAKASALAN KO EH!" sabi ko at tumakbo palabas.


Pero ng lumabas ako, ay sumalubong sa akin ang mga man in suit tapos hinawakan ang magkabilang braso ko.


"BITAWAN NIYO AKO! BITAWAN NIYO AKO!!!!" pagpupumiglas ko.


Nag-ring naman ang phone ng isang kasamahan nila at may kinausap. Lumapit ito sa akin at inilagay ang cellphone sa tapat ng tenga ko.


"Eliza...." tawag sa akin ng tao sa kabilang linya. Alam ko kung sino ito.


"LUCAS! Ikaw ang may pakana ng lahat ng to! Bakit ba kasi eekse-eksena ka pa! Bakit hindi mo na lang kami pabayaan ni Dmitri na maging masaya! Panira ka eh! KONTRABIDA KA! Gwapo ka pa naman tapos magiging kontrabida ka lang sa lovestory namin!" sigaw ko sa cellphone.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon