Chapter 12

266K 5.1K 333
                                    

Dedicated to cherrycanio27

And by the way, to my ever beloved and ever-supporting sissy, CONGRATULATIONS! Mag-co-college ka na! Love you mwah!

And as a gift, here's a UD!

-------------------------------------------------------------------------------


Her POV


Patuloy pa rin ang pagtakbo ni Dmitri hanggang sa mapunta kami sa parking lot. Natigil na rin sa paghabol sa amin ni baby boy.


Ibinaba niya na ako ng nandoon na kami sa harap ng sasakyan.


"Whew. That was one hell of a chase." natatawa at hinihingal na sabi nito. Nakita kong may mga tumutulong pawis mula sa noo niya kaya kinuha ko ang isang panyo na hindi ko pa nagagamit at pinunasan ko iyon.


Naramdaman kong habang pinupunasan ko yung mukha niya ay mariing nakatitig lang siya sa akin.


Agad niyang hinawakan ang kamay ko na tila ay pinapatigil ako sa pagpunas sa pawis niya at hinapit ako papalapit sa kanya.


"Where have you been all my life?" tanong niya.


"Nandyan lang sa tabi-tabi." natatawa kong sagot. He just smiled a little and pulled me for a hug.


"How I wish I met you first." mahinang bulong nito.


Me too, how I wish I was the one you met and loved first...


-----------------------------------------------------------------------


Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan papunta sa apartment ko. Pinilit niya kasi akong sumama't ihahatid niya ako para na rin makita niya kung saan ako nakatira. 


Walang ni isa sa amin ang gumagawa ng kahit munting tunog man lang hanggang sa siguro ay di na natiis ni Sir ay siya na ang unang nag-open ng topic.


"So, Liza" pagtawag niya sa atensyon ko.


"Hmm?" pag-response ko nalang sa kanya.

"What's your ideal type of man?" seryosong tanong niya.


Talaga bang tinanong niya ako?


Well, kung tutuusin isang word lang naman ang ideal man ko..


SIYA ;D


Ay ang landi ko!!


"Ideal type of man ko? Sandali't iisipin ko." sabi ko at inilagay ang hintuturo ko sa aking chin na tila nag-iisip.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon