Chapter 18

223K 4K 73
                                    

Her POV

It's already a week after the so-called date naming dalawa. And sa week na yun, wala siyang ibang ginawa kundi ang maging sweet and caring sa akin. Pa chill-chill lang ako dito sa bahay niya. Kain tulog lang ang gawa ko. I will wake up in the morning na hindi makahinga dahil hinahalikan na pala ako nito. Yun lang 'daw' kasi yung tanging paraan para magising ako.

Kanina, paggising ko ng maaga, wala na siya sa tabi ko. Oo, magkatabi na kaming matulog. Malaki naman yung bed niya. Pero wala pang nangyari sa amin okay! I decided na maglakad lakad at tumingin tingin sa mga bulaklak dito sa garden niya. Siguro he hired a landscaper to design this garden. Ang ganda eh. Tapos ang lapad pa.

Habang naglalakad ako ay may biglang pumulupot sa bewang ko.

"Hey, sweetie. What are doing here. It's still early." malambing na bulong niya sa tenga ko.

"Kanina kasi paggising ko wala ka sa tabi ko kaya I decided na maglakad-lakad muna dito sa garden." sagot ko sa kanya.

"I still have a plan to wake you up with my sweeet technique but too bad you're awake." sabi niya. Tiningnan ko siya tapos naka-pout lang siya.

"Your kissing technique?" natatawang tanong ko. Tumango naman siya tapos sinimulang halik-halikan ang leeg ko.

"Dmitri. Nakikiliti ako. Ano ba." natatawang sita ko sa kanya pero di niya pa rin tinitigil.

"You smell great, sweetie." sabi niya lang at pinaharap niya ako sa kanya.

Tiningnan ko siya.

"Morning kiss." sabi niya at ngumuso. Tumingkayad naman ako and gave him a peck pero ang loko, hinapit ako papalapit sa kanya at pinalaliman ang halik. Siya rin naman yung kumalas sa halik.

"C'mon let's have breakfast." aya niya sa akin.

"Ikaw, saan ka galing?" tanong ko naman sa kanya. Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming lumakad papuntang kusina.

"Jogged around the area." simpleng sabi nito. Naka-jersey shorts, rubber shoes at t-shirt siya. Kita ko rin na may dala siyang towel at tubig. Agad naman akong tumigil sa paglalakad at ganun din siya. 

"Why did you stop?" takang tanong niya. Inabot ko nalang yung towel niya at tumingkayad at saka ko pinnunasan yung pawisang mukha niya.

Hinawakan niya yung kamay ko para tumigil sa pagpunas at ibinaba niya ito. Nakita ko ang saya sa mga mata niya at isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Any bastard would love to have you as his wife. He'll be so damn lucky to have you." sabi niya habang tiningnan ako sa mga mata and now, it's my turn to smile.

"Well, Mr. Montreal, you're one lucky bastard to have me." sabi ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako.

"Yeah. One lucky bastard indeed." at pagkatapos ay lumakad na muli kami papuntang kusina.

--------------------------------------------

Habang nasa kusina kami ay kwento lang siya ng kwento sa mga kabalastugan niya noong bata pa siya.

Yung time daw na ginaya niya yung karate moves sa isang movie tapos bigla niyang nasagi yung paboritong vase ng mama niya. Tapos ng dumating yung parents niya, tinanong siya kung nasaan daw ba ung vase tapos sabi niya di niya alam. Pero nakita ng mama niya yung basag na vase sa bassurahan kaya pinaluhod daw siya sa asin.

Tapos noong bata pa daw sila ni Ate Diana, kinulit ng kinulit nya daw si Ate habang naglalaro ng barbie doll. Kaya napikon at hinampas sa kany yung barbie doll. At iyon daw yung naabutang scene ng mama niya kaya umiyak daw siya kahit hindi naman masakit kaya si Ate Diana daw yung pinagalitan.

May time din daw na nilagyan niya ng bawang yung kilikili niya para uminit yung katawan niya at magpanggap na may lagnat para di lang siya makapasok sa school.

Basta! Ang madami pa yung ibinahagi niya sa akin. Ako, tawa lang ako ng tawa. 

Pagkatapos naming kumain ay biglang nag-ring yung cellphone niya.

"Hello. Ah- Yes. Thanks for reminding me." tapos binaba niya na yung tawag.

"Sino yun?" tanong ko sa kanya.

"Danny. Reminded me that I still have a board meeting at 9. How I wish I didn't have to go to work and be with you here." sabi niya.

go to work 

go to work 

go to work 

work

work

Agad naman akong napatayo. Shoot. One week na pala akong hindi pumasok sa opisina. LAGOT!

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Where stories live. Discover now