Chapter 7:Birthday

112 4 0
                                    

Chapter 7 Birthday

Jeirah's POV

Dali dali akong bumaba sa kotse nya  at tumakbo patungo sa kwarto ko. Napabuntong hininga nalang ako.. Pagkahawak ko sa dibdib ko, Naramdaman ko ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis nito. Ni hindi ko na nga kayang bilangin . Muntik na yun! Muntik na akong Mahalikan ni Dash. tumingin ako sa salamin, Akala ko pakiramdam ko lang yun pero totoo palang uminit ang mukha ko dahil sobrang pula nito..

Arrghh! Maloloka na ako! Magkaibigan lang kami! Gusto ko lang sya kasi mabait sya. Yun lang yun. Nakakainis! Nakakainis! Bakit masyado kong apektado? Nagpagulong gulong lang ako sa kama hanggang may naalala akong isang bagay..

Shoot! Dali dali kong nilabas yung mga materials para sa gagawin kong scrapbook.... Eto yung mga stolen pictures nya habang tumutugtog sya ng gitara

Sana magustuhan nya....

"Haaaaaay! Natapos ko din sa wakas" Nag-unat unat ako at tumingin sa orasan...

May 30 minutes pa ako. Agad akong naghanap ng dress na susuutin ko at naligo. After 15 minutes nakaharap na ako sa salamin. Naka Black balloon dress ako above the knee with red glitters and flowers. Pinartneran ko sya ng 2 inch red wedge.. Kinulot ko din yung buhok ko.

Wala si lola kaya hindi ko magagamit yung sasakyang regalo nya kaya nagpahatid nalang ako sa driver namin. Nakarating ako sa venue 5 minutes before magstart ang program.. Hindi pa ako nakakapasok sa loob sinalubong na agad nya ako ng yakap..

"I'm glad you made it" Bati nya sa akin

"Of course it's my bestfriend's Bithday"I said smiling. nakita ko syang sumimangot bago magsalita

"Yeah it's your BESTFRIEND'S birthday" Then he smile. Pero halata naman na pilit lang

"Wag ka ng sumimangot dyan! O eto gift ko sana magustuhan mo. Happy birthday Dale" Ngiting ngiti na sabi ko sa kanya sabay abot ng regalo . Kinuha naman nya ito sabay sabing

"Di ko gusto yang mga ngitian mo, may masama akong kutob dito sa regalo mo" sabi nya sa akin ng nakatingin pa ng masama kaya hinampas ko nga sya

"Grabe ka! Ang sama mo! nageffort akong gawin yan no"

"Hahaha! joke lang! tara na nga kain tayo" Kinaladkad na nya ko patungo dun sa isang lamesa.. Umalis sya saglit at pagbalik nya. Napuno ang lamesa ng pagkain.

"Seriously Dale? Tayo lang ang kakain nito?"

"Anong tayo? Ikaw lang no! Dyan ka muna ha! May pupuntahan lang ako." Bago pa ako magreact iniwan na nya ako. Kinain ko nalang yung pagkaing nasa harap ko. Pero Yung kaya ko lang ah!

Ilang oras na ang nakalipas pero di pa din sya bumabalik. Nanlaki ang mata ko pag tingin ko sa wrist watch ko. 12:30 am? Nilibot ko yung paningin ko. Di ko pa din makita kung nasaan si Dale. Wala man lang akong kilala kahit isa sa kanila, Puro taga Neidhart siguro sila. Napatingin ako sa entrance at may nakita akong napakagandang babae na pumasok. Simple lang ang suot nya pero diko maitatanggi na maganda sya kahit sideview lang ang kita ko.

T-teka pamilyar ang mukha nya... Nakita ko syang lumabas patungong sa isang pintuan kaya sinundan ko sya. Gusto kong makatiyak kung sya ba talaga yun.

Pagtapak na pagtapak ko agad sa damuhan, agad akong napabalik dahil nandito siya sa likod ng mansyon sa tabi ng pool. HIndi ko pa din sya mamukhaan dahil nakatalikod sya at may kausap pa sya.

Alam kong masama ang mag eavesdrop pero gusto ko talagang makatiyak, Pag narinig ko ang boses nya tiyak makikilala ko sya pero sobrang hina ng boses nya. Tanging boses lang ng kausap nya ang naririnig ko

"I don't expect that you still have the decency to come here after what you did Almost 4 years ago!" pagalit na sabi ng kausap nya.

Sumagot sya pero hindi ko talaga masyadong marinig. Nagsalita ulit ang kausap nya at halatang galit ito.

"Enough for your apologies! I don't want to hear it, so save it! You destroyed him. All of you destroyed him! so please! just leave and don't bug my son's life. He's better now. So don't turn him into misery once again"

Tinalikuran sya nung kausap nya. Papunta na ito sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, Nataranta ko kaya napayuko na lang ako! Alam kong makikita na nya ako. Pero nanatili lang akong nakayuko. Kinakabahan na ako. Nagulat nalang ako ng may humila sa akin palayo sa lugar na yun. Binalik nya ako sa Table kung saan ako iniwan ni Dale at naupo sya sa harap ko..

Tinaasan ko sya ng kilay. Kasi naman kanina pa sya nakangiti habang nakatitig sa akin

"S-sino ka ba?"

"wow! Ganyan na ba magpasalamat ngayon?" Lalong tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"At bakit naman ako magpapasalamat sayo?"

"Because i saved you from tita Dalene's Monster mode" he said while eating the cake

"A-ah! thank you" I said

"You're welcome so how's the eavesdropping?" Napamaang ako sa sinabi nya.Iniisip nya bang chismosa ako?

"I-im not eavesdropping im just checking who is that girl whom your tita Dalene was talking." I said with a death glare

"Hahaha! im just kidding! So do you know Sanney?" he asked me. Naguluhan naman ako sa tanong nya. Parang random

"Hah?" nasagot ko nalang

"You said you want to know the girl that tita Dalene's talking to. She's Sanney" So Sanney ang pangalan nya, Ibig sabihin mali ako. Hindi sya yung inaakala ko.

"Naah! forget it. I just thought she's someone i knew"

"Okay! So you're alone?" Napailing nalang ako. Kasi ang obvious naman ng sagot sa tanong nya..

"Yeah! coz that birthday boy left me hours ago."bored na sabi ko at tinext ko si Dale na uuwi na ako

"Ah! sorry to tell you, Mukhang di na makakababa yun. Sa dami ba namang regalo na binubuksan nya ngayon. Tingnan natin kung matapos pa sya hanggang bukas"

"Hah? Grabe naman yun? e ilang oras na syang nandun"

"Di mo ba alam? Buong school nagregalo sa kanya" Napanganga nalang ako sa sinabi nya. Presidente ba sya ng school nila? Tumunog bigla yung phone nya kaya nagexcuse sya at umalis. Tiningnan ko ang phone ko at nakitang may nagtext sakin.
Si Dash pala, nireplayan ko lang sya na pauwi na ako. Dahil sabi nung lalaki na di ko manlang natanong ang pangalan. Hindi na daw makakababa si Dale kaya napagpasyahan ko na ding umuwi. Patulog na ako ng biglang may tumawag sa phone ko. Si Dale sinagot ko yung tawag nya pero Hindi ako nagsasalita..

"Thanks for completing my day Jeirah. I really like it." he said then hang up. Napahawak ako sa dibdib ko. What happened to my heart? Nagiging abnormal na sya lately.
Bakit bumilis ang tibok ng puso ko? I like it ang sabi nya hindi i like you.... Is that possible to like two person at the same time?

---

Dale's  POV

Nung iniwan ko si Jeirah sa Table. Agad agad akong tumakbo sa kwarto ko. Kahit lalaki ako, Natutuwa akong madaming nagregalo sa akin kahit mga simpleng bagay lang. Pero sa ngayon, Ang gusto kong makita yung regalo sa akin ni jeirah pero sa sobrang dami ng dapat kong unang buksan, Baka bukas pa ako matapos. Ayokong unahin yung kay jeirah dahil baka di ko na mabuksan yung iba kakatitig sa bigay nya. Kaya napagpasyahan kong ihuli yung sa kanya

after a few seconds..

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now