Chapter 18: I LOVE YOU

40 3 0
                                    

Huling araw na namin ngayon dito pero wala na akong ganang mag enjoy pa. Baka pag lumabas ako dito sa kwarto, madagdagan pa ang problema ko.

*Dingdong*

"Sino naman kaya yun?" Nagmadali akong buksan ang pinto at isang halik agad ang bumungad sakin kaya agad ko syang hinampas

"Araaay! Namiss lang kita Future ko!" At agad syang yumakap sakin

"Dash! Ano ka ba? baka may makakita satin!" Saway ko sa kanya. Pero ang totoo naiilang talaga ko. Hindi ako sanay na may lalaking yumayakap sakin. Hinawakan nya ako sa baba at hinarap ako sa kanya.

"Jeirah! Alam kong naiilang ka pa sakin pero masasanay ka din. Araw araw na akong ganto sayo" at binigyan ako ng pilyong ngiti, otomatikong napangiti na lang din ako.

"Sige na future ko! Pack your things, aalis na tayo!"

"Ha? Ang aga pa Dash. Mamayang hapon pa alis natin ah?" tanong ko pero hinalikan nya lang ulit ako

"Waaaa! Bakit ka ba halik ng halik?"

"Everytime you will call me Dash i'll kiss you kahit nasaang lugar pa tayo!"

"Ha? Anong gusto mo itawag ko sayo?"

"Edi future ko! That's our endearment starting today. Go ahead! Malelate na tayo" Lumabas na sya sa room but i'm still standing here . Totoo na ba ito? Kami na ba talaga? Naramdaman ko nalang na parang may gumagalaw sa tiyan ko. Eto na ba yun? Yung butterfly. Inayos ko na lahat ng gamit ko at bumaba na. Nakita ko sya sa lobby.

"Tara na! Kanina pa nag-iintay yung taxi." Kinuha nya agad yung mga dala ko.

"Nasaan na yung iba?" Tanong ko sa kanya pag kasakay namin sa taxi. Ngunit ngumiti lang sya sakin

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?"

"Masaya lang ako" napangiti na lang din ako.

"Masaya din ako " pero napawi ang ngiti ko ng makita ko sa di kalayuan yung mga kasama namin.

"T-teka Dash? Bakit andun pa sila at hindi pa mga nakaayos, Wag mong sabihing mauuna tayo?"

"Exactly my future! madami pa tayong aayusin sa manila remember? gusto ko bago kita ipakilala sa lahat ay wala na tayong problema" Napangiti nalang ako ng mapait

"Look! Kung si Courtney ang pinoproblema mo, wag kang mag-alala! She's smart. Maiintindihan nya lahat, so cheer up!" Inakbayan nya ko

"Nakokonsensya ko! I know it's all my fault"

"Don't! Wala kang kasalanan! Nag mahal ka lang, nagmamahalan lang tayo"

-------

Hinatid nya ako sa bahay namin.

"Future ko, hindi muna ko magpapakilala sa parents mo ha! Saka na pag naayos ko na yung mga problema ko" niyakap nya ulit ako

"Okay lang! Hindi pa din naman ako handang magpakilala kay mama ng magiging boyfriend ko"

"Don't worry! Sa susunod handa kana" he smiled at me again

"I love you Future ko" Namula naman ako sa sinabi nya. Tumalikod ako at naglakad papasok sa Gate

"I - I love you too" Tumawa naman sya sa ginawa ko.

"Haha! Ikaw talaga. Bye my future" Habang papasok ako sa bahay ay ang laki ng ngiti ko. Tama nga yung kasabihan. Kung ano yung bawal, dun ka magiging masaya.

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now