Chapter 12:Uncontrolled

49 2 0
                                    

Maaga akong gumising para bumili ng makakain ni Dash. Peace offering ko, nakakahiya kasi kung magsosorry lang ako after what i've said to him. Bumili ako ng Cheese cupcakes at coffee.

"Ms. Pwedeng makahingi nung sticky note at pahiram ng pen!" Pakiusap ko dun sa waitress

"Sure ma'am" At inabot nya sakin yung kailangan ko After writing, sinauli ko sa kanya ang pen at pumunta na sa room ni Dash.

Kanina pa ako palakad lakad dito sa tapat ng Room nya. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o iiwan ko na lang. Nakapagpasya na ako, Nung saktong kakatukin ko na, Napansin kong may pumihit sa doorknob kaya agad akong tumakbo. At sa awa ng Diyos ay may nagbukas ng pinto sa kalapit na room ni Dash.

"I'm sorry! I have no choice" Sabi ko sa lalaki na palabas sa pinto nya at tinulak sya paloob kasama ako.

Dinikit ko yung tenga ko sa pintuan, Baka sakaling marinig kong magsalita o umalis si Dash kaso wala. I guess Soundproof lahat ito. Napayuko nalang ako at napapikit.

"Uggh! Ano ba yan! Bakit ba ako nagtago? Pwede naman akong magsorry? Madali lang naman yun.! Ayyy! nakakaasar!!!!" Frustrated na sabi ko sa sarili ko. Nung saktong pagkadilat ko, may napansin akong paa sa tapat ko kaya agad akong napatingala. Nakatingin ito sakin na halata namang nawiweirduhan.

"Ah-he-he! Sorry! Kailangan lang talaga" Awkward na pagkakasabi ko sa kanya

"You're funny" at tinawanan ako nito, Parang nakita ko na sya, hindi ko lang alam kung kailan at saan.

"HUh?"

"Wearing Jogging pants and Jacket in a beach" At tinawanan nya ako ulit
Napatingin ako sa sarili ko at alam kong namula ako. Oo nga naman. Bakit ba kasi ito yung napili kong suotin? Tumingin ako sa kanya.

"Alam mo pamilyar yung mukha mo. San ba kita nakita?"Tanong ko sa kanya

"I guess in a special occasion"nag-isip ako kung anong occasion. Baka sa mga party sa school

"So if you're done hiding, let's go outside, It's inappropriate if someone sees you in my room" Dun ko ulit naalala si Dash. Dapat talaga harapin ko na sya

"Sige salamat sayo at hindi ka nagalit sa pagtulak ko sayo kanina" Binuksan ko yung pinto. Timing nga talaga dahil saktong padaan si Dash kaya nung nakita nya ako ay tumigil sya

"Dash" "You're welcome" Sabay naming sabi nung lalaki kaya napatingin ako sa kanya, Sya naman napatingin kay Dash at bumalik ulit ang tingin ko kay Dash na iba na ang expression ng mukha ngayon. Ang cold nya, parang di nya ko kilala at sa lalaki lang nakatingin. Tinawag ko ulit sya na ikinatingin nya sakin

"Dash let me explain. Pumunta ko dito para!" Napatigil ako nung lumapit sya sakin. Hindi pala lumapit kundi nilagpasan nya ako ni hindi man lang pinakinggan yung sinabi ko.

Bakit parang naiiyak ako? Tumingala ako para hindi pumatak yung luha ko. Dahan dahan akong umayos at tumingin sa pintuan nya. Wala na dun, Ibig sabihin kinuha nya, Napangiti nalang ako. Kahit papaano di nasayang yung effort ko.

"Are you alright?" Tanong sakin nung lalaki. Hindi parin pala sya umaalis

"Yeah! okay lang ako" At naglakad na ako papuntang elevator Bumalik muna ako sa room ko para magpalit ng damit. 2nd day na namin dito kaya mag-gala daw muna kami kaso wala naman akong kasama kaya mananatili nalang ako sa kwarto ko. Tinawagan ko nalang si Maggie para kamustahin, ilang ring lang at sinagot nya na.

"IMISSYOUGIRL" Chineck ko yung phone ko kung tamang number ba yung dinial ko.T ama naman pero bakit iba yung sumagot

"Nica? Namiss din kita" Sabi ko sa kanya

"How was your stay there?"

"Okay naman! Nandito ako sa room ko. Wala kasi akong kasama gumala e!"

"Aww! too bad girl. Anyways, Later in the evening watch the fire dancers, They're really great" She said cheerfully.

"haha ikaw talaga Nica. Sige manonood ako mamaya. Nasaan nga pala si Maggie?"

"She's with her mom, They're currently in the shareholders meeting at President's office. Why?"

"Itatanong ko lang sana kung okay lang sya."

"Of course she is, Bakit naman hindi sya magiging okay?" Hindi pala nila alam yung nangyari kay Maggie sa mall

"Ah w-wala! Sige Nica magpapahinga muna ako. Salamat"

"Okay! nice talking to you, Bye grl!" Then she hanged up. Naglaro nalang ako sa phone ko para di ako mabored hanggang sa makatulog na lang ako.

---

3 pm na ng nagising ako. Naramdaman ko na ang pananakit ng sikmura ko, hindi pa pala ako nanananghalian
Naligo ako at nag-ayos. Ayokong sa hotel kumaen kaya lumabas nalang ako at doon naghanap ng makakain.

Sa isang Veg restaurant ako kumain.  Hindi ako Vegetarian, gusto ko lang talaga kumain ng gulay ngayon.

Nang matapos ako kumain ay dumiretso ako sa entertainment area kung saan may open bench na pwede mong upuan at nasa gitna yung mga nagpeperform. May mga nagsayaw, Nagmagic, kumanta at yung iniintay kong fire dancers ay kasalukuyan ng nagpeperform. Hindi ko na namanlayan yung oras, kanina pa pala ako nandito nakaupo, Ilang milkshake na nga ang naubos ko. Gabi na ng matapos silang magperform. At isa lang ang masasabi ko, napakagaling nila.

May slow music na nagplay na maririnig mo sa buong paligid sa lakas ng speakers kaya yung mga couples ay nagpuntahan sa gitna. Parang prom. may matatanda, mga teens, Early 20's at mga middle age. Ang cute nilang pagmasdan. I can see love the way they exchanged looks with their partners.

Tumayo na ako para bumalik sa hotel ng may humila sakin paupo.

"A-anong? K-kanina ka pa ba nandyan?"

"Hindi naman. tara dun" Hinila nya ako hanggang sa makarating kami sa gitna.

"Nature mo ng hilahin ako no?" sabi ko sa kanya pero nginitian nya lang ako. Nilagay nya ang mga kamay ko sa balikat nya at nilagay nya ang mga kamay nya sa bewang ko. Naiilang ako kaya't sinubukan ko syang itulak pero lalo tuloy kaming nagkalayo dahil niyakap na nya ako.

"Dash! Ano bang nangyayari sayo? Bitawan mo ko baka may makakaita sakin, mamaya kung ano pa yung isipin"

"Shh!let's just stay like this"

"But Dash!" Pero lalo nyang hinigpitan ang yakap. Alam kong mali pero hinayaan ko nalang dahil gusto ko ngayon yung nararamdaman ko. After a minute bumitaw din sya sakin at tumalikod

"Dash? wait" He looked at me with those cold eyes again

"Galit ka pa rin ba?" tanong ko pero di nya ko sinagot

"Ano ba dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" Tanong ko ulit.

Dahan dahan syang lumapit sakin hanggang sa onting distansya nalang ang namamagitan samin. Napapikit nalang ako, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ireact pero may isang tao akong naisip na nakapagpabago ng desisyon ko.

Nadama ko ang labi ni Dash sa pisngi ko malapit sa labi ko. Muntik na yun! Agad akong dumilat at lumayo sa kanya, tiningnan nya ako ng parang natauhan sya.

"Jeirah i'm sorry"

"I-im s-sorry too i gotta go" Naglakad ako ng mabilis papuntang hotel

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dumiretso ako sa kwarto ko at humarap sa salamin.

WTH? Im blushing. Pinukpok ko yung ulo ko ng ilang ulit.

Mali ito! Mali tong nararamdaman ko. May girlfriend yung tao! Kaibigan nya lang ako!Uggh! ano bang nangyayari sakin? Hindi to pwede! Tama! iiwasan ko na sya. Humiga ako sa kama ko pero bago ako matulog sinabi ko sa sarili ko na simula bukas susubukan ko ng iwasan sya, baka sakaling mawala itong nararamdaman ko.

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now