Chapter 40:Guess who

35 2 0
                                    

Jeirah's pov

Nandito ako sa kwarto at nagkukulong. Nagtext sakin si Dash, nakauwi na daw sya but i didn't bother to text back. Pagod pa ang utak ko kakaisip. Feeling ko nagtataksil ako kay Dash I love him but i love someone else too. Nagbukas ako ng fb gamit ang laptop ko. Haaay! ilang araw na pala kong hindi nakakapag open. Ang daming nagmessage sakin, puro kaibigan ko sa dati kong school. Ghad! i miss them! Minsan, nagsisisi ako na lumipat ako dito.

After replying to their message, nagtingin lang ako sa newsfeed ko ng may nagpop na friend request. Tiningnan ko kung sino pero hindi ko matandaan ang pangalan nya, yung DP naman nya ay black lang so tiningnan ko yung details. Bagong gawa lang yung fb at sa Hathaway din nag-aaral.

EC confidant ang username. Baka isa sa mga classmate ko na nagpalit ng fb so i accepted it. Ilang minuto lang ng may nag pop na message box. Sya yung nag add sakin

EC: Hi
Me: Hi din
EC: Kamusta araw mo?
Me: Okay naman.
EC: Okay? hmm! Sirain ko kaya? haha

Ang creepy nya.

Me: hehe.

Yun nalang yung sinagot ko.

EC: May isesend ako sayong mga picture. Siguradong maiiyak ka.

Me: *seen
EC: Yung una kong isesent e yung araw na umalis yung ex girlfriend nya.
Me: *seen
Kinabahan na ako sa taong nagchachat sakin.
EC: EC Sent a photo.
Me: *seen

Napahawak ako sa bibig ko ng makita yung picture na sinend nya. It was Dash at the bar and there's a girl in his lap while they were kissing. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Niloloko lang ba ako ni Dash?

EC: Nice picture no? Yung next kong isesent ay nangyari 2 weeks ago
Me: *seen
EC: EC sent a photo
Me: *seen

S-si Dash duguan ang kamay at si J-jerome na naliligo na ang mukha sa sariling dugo. W-wag mong sabihing..

EC: Not yet done missy! Last one is a video. Hope you enjoy watching

EC: EC sent a video

Nanginginig akong klinick yung play. All i see is white pero maya maya . Nakita ko si Dash na nakaluhod sa isang may edad na babae. Habang yung ay edad na babae ay hinahampas at pinagsisigawan sya. Lalo lang akong naiyak ng bigla syang sampalin pero wala syang ginawa, nanatili lang syang nakaluhod.

Dash ano to? Anong nangyayari?

Kahit nanginginig pa ako, pinilit kong magtype.

Me: Sino ka?
EC: Guess who
Me: Sino ka ba talaga Bakit mo ginagawa to?
EC: Goodbye.

imemessage ko pa sana pero hind na ako makapagtype. Dinaeactivate nya na ang acount ko. Tiningnan ko paulit ulit ang videos at Pictures. Ayoko sanang magpadala sa emosyon ko pero hindi ko maiwasan. Agad kong dinial ang number ni Dash.

(hello babe bat ka napatawag?)

"asan ka?"

(yiiie! namiss nya ako. Andito ko sa court sa may subdivision namin. Kasama ko sila Kurl)

"i'll be there"

(I love you) hindi na ako nag abalang sumagot at pinatay na ang phone.

Sana lang, hind kasinungalingan lahat ng sinabi nila sakin. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkataon..

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now