Chapter 42: Ignored

31 2 0
                                    

Jeirah's pov

Maaga akong pumasok sa School, Alam kong susunduin ako ni Dash kaya mabuti ng maaga kong pumasok. I don't want to talk to him. Naiinis pa din ako sa pagsisinungaling nya, tanggap ko na yung may kahalikan sya sa picture dahil naiintindihan ko yun. madami na akong narinig na ganung kwento. Lasing sya at maaring nag hallucinate nga pero ang hindi ko matanggap ay yung pagsisinungaling nya sakin, kasabwat nya pa yung mga kaibigan nya. Nakakainis talaga! At nakakahiya dahil maga ang mata ko. Sino ba namang hindi kung iiyak ka magdamag diba?

Ako pa lang ang nag-iisang tao sa classroom, kaunti pa lang din ang makikitang estudyante sa paligid. Maya maya ay may dumating na akong kaklase at si Steff yun. Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad sya papunta sa upuan nya. Ng mapatingin sya sakin at ngumiti. Isang malungkot na ngiti.

"S-steff! Galit ka din ba sakin?" Napahinto naman sya sa paglalakad at tumingin sakin

"why would i? Maybe what happened to Cassandra's lovelife is the same as ours but you're not the girl who ruined my relationship. I don't have the right to be mad"

"pero kaibigan mo din si Cassandra"

"yeah, she's my friend pero kung sya mismo pinili na lang lumayo ano pang dapat kong gawin? It's not worth the fight anyway"

"Pero bakit ka umiiwas sakin?" Alam kong marami na akong tanong pero i can't help it. Gusto kong malaman kung galit din sya.

"Erah, I just befriend you 7 months ago but Maggie and Nica are my friends since childhood so it's right to stay with their sides. Hope you understand that" Nalungkot ako sa sinabi nya. Tama sya, bago lang akong pasok sa pagkakaibigan nila. Nagulat ako ng lumapit sya sakin at niyakap ako.

"eyyy! Don't be sad girl! You three are my sisters even we're not blood related, i miss us! Sana magkaayos na tayong lahat para happy na ulit" Ngumiti ako sa kanya

"Sana nga!" ngumiti sya sakin at naglakad na papunta sa upuan nya. Sandali lang ay nagsidatingan na ang mga classmte namin at nagsimula na ang klase. Sa 3 hours na nakaupo ako ay tinuon ko ang atensyon ko sa professor. Ayoko munang mag-isip ng problema. Natapos ang klase at nagsilabasan ang lahat.

Palabas na din ako nung makita ko si Dash na nag-iintay sakin sa labas. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, Umiwas ako ng tingin at hindi sya pinansin.

"Babe! Wait. Wag ka ng magalit oh!" Hindi ko parin sya pinapansin.

"Uy Jeirah! Peace na tayo"

"babe! Sige na bati na tayo! simpleng bagay lang naman yun. As if i'm cheating" Nagkasalubong naman ang kilay ko at tumingin sa kanya.

"Cheating or lying. For me, it's still the same! YOU HURT ME! AT WALA PA KO SA MOOD NA MAKIPAG-USAP SAYO!"

-----

Hanggang matapos ang dalawa ko pang subjects ay hindi ko na nakita si Dash. Nasa parking lot na ako nung makita ko ulit sya. Palapit sya sakin nung may humarang sa kanyang babae. Otomatikong napataas ang kilay ko. Sino sya? Nakita ko din ang pagtataka sa mukha ni Dash. Hinila ng babae si Dash at.at.at Pero bago ko makita ang mangyayari ay may humaltak sakin at niyakap ako.

"S-sino ka? Pakawalan mo nga ko!"

"Shhhh! wag ka ng pumiglas"

"D-dale! Bitawan mo ko! Gusto kong makita si Dash!"

"Jeirah wag na! Masasaktan ka lang" nangilid na ang luha sa mata ko.

"Please D-dale"

"Jeirah! i'm sorry!"

"Jeirah! Hoy Dale! Bitawan mo sya" Lumuwag naman ang yakap sakin ni Dale kaya agad kong nilingon si Dash at yung babaeng nasa likod nya.

"Jeirah listen i can explain this okay!" Nawala ang expression sa mukha ako pero may pumatak pa rin na luha. Nakakita lang naman ako ng lipstick stain sa gilid ng labi nya.

"Explain your kissing session in the carpark Dash? Sorry i'm not interested, tara na Dale!" Hinawakan ko si Dale sa kamay at hinila papunta sa kotse nya.

Damn him! How could he do that in front of me.

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now