Chapter 21:Christmas Eve

42 1 0
                                    

Jeirah's POV

"thank you po mom, dad, lola. I appreciate it! Merry Christmas po!" niyakap ko silang tatlo.

"No problem, para sa nag-iisa kong apo,i bibigay namin lahat."

"sobra sobra na po ito lola, wala na po akong mahihiling pa, hindi ko po alam kung paano ko kayo masusuklian!"

"Iha! diploma mo lang masaya na kami ng lola at mommy mo"

"hehe opo dad, ilang months na lang" 3 months na lang pala. Gagraduate na ako.

"So paano ba yan, lilipat ka na sa condo mo? I know you can be independent"

"Yes mom!Thanks again"at nagyakap ulit kaming apat

"Ma'am Erah may bisita po kayo"

"sino daw?"

"Ayaw po pasabi eh.Nag-iintay po sya sa Garden."

"Puntahan ko lang po "paalam ko sa kanilang tatlo at agad na akong pumunta sa garden.

"Dash anong ginagawa mo dito?" Halik ang isinagot nya sakin

"Babe, i just drop by to give my gift. Merry Christmas!" Tumingin ako sa likod ko, baka kasi may nakakita dahil malalagot talaga ko pag nagkataon

"Ano kaba, mapapagalitan ako sayo e" pero parang wala syang narinig at niyakap pa ko.

"ikaw kasi eh! Future dapat tawag mo sakin diba"

"oo na! bitaw na baka makita pa tayo nila lola"
Agad naman syang bumitaw pero ang kinagulat ko ay hinawakan nya ako sa kamay at hinila papasok ng bahay.

"T-teka anong ginagawa mo! tumigil ka, Mapalagalitan ako nyan!"

"Sabi ko sayo pag naayos ko na ang dapat ayusin, magpapakilala na ako sa parents mo diba. And now is the right time."

"ha?"

"saka ko na ieexplain, ayan na ang parents mo oh." nakuha namin ang atensyon nila mama na nag-uusap usap sa sala, nakatingin sila sa amin pababa sa kamay naming magkahawak.

"m-mom, d-dad, l-lola let me explain" bago pa ako makapag paliwanag, inunahan na ako ni Dash.

"Merry christmas po sa inyo. Ako po si Dash Tejada, boyfriend po ako ng anak nyo" nakangiting sabi ni Dash sa mga magulang ko. Kita ang pagkagulat sa mga mukha nila.

"Totoo ba ang sinasabi nya iha?"

"ah. L-ola---"

"magaling pumili ang anak natin, boto ko sayo."

"Dad naman!"

------

"Sige na iho, umuwi ka na,kailangan mo din magcelebrate kasama ang pamilya mo"

"Sige po, la, tita,  tito, mauna na po ako. salamat sa pagtanggap sakin"

"wala yun basta hindi mo sasaktan ang anak ko" sabi ni mommy

"opo"

"sige iha! ihatid mo na sya sa gate" naglakad kami papuntang gate

"haaay! anong ginawa mo at napakagaan ng loob nila sayo?"

"siguro dahil sa charms ko" sabay kindat pa nito sa akin kaya nahampas ko tuloy sya.

"ikaw talaga! sige ingat ka pag-uwi. pakisabi na lang kay Maggie Merry Christmas"

"Okay, I LOVE YOU" Ngumiti muna ako bago sagutin ang sinabi nya

"I love you too future" Pumasok ako ng bahay ng ngiting ngiti. Mukhang magiging maganda ang pasok ng bagong taon sakin :)

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now