Chapter 52: Pain Ends

33 2 0
                                    

jeirah's POV

Nakatayo ako ngayon sa Terrace at nakatingin sa kawalan habang may maiinit na likido ang bumabasa sa pisngi ko.
Mag iisang linggo na ang nakalipas simula ng magtago ako pero hindi ko pa din pala kayang taguan ang katotohanan. Alam kong nag aalala na ang pamilya ko at mga kaibigan dahil sa tuwing bubuksan ko ang phone ko ay may mga message na galing sa kanila. Alam kong pinapuntahan na ako ni lola sa Bahay namin sa Laguna kaya hindi na ako tumuloy dun. Dumiretso ako sa Cavite kung saan ay may vacation house ang isa sa mga dati kong kaibigan. Nakiusap muna akong makituloy. Nagtatanong sila kung anong nangyari pero wala akong sinabi. Hindi ko pa kayang ilahad sa kanila ang nakaraan. Sobrang sakit pa din. Kahit papaano ay napanatag ang loob ko dahil sa isang linggo ay mag isa lang ako sa bahay, tuwing umaga lang naman pumupunta ang care taker para maglinis at umaalis din kaagad.
Tuwing umaga ay inuubos ko ang oras ko sa panonood ng tv pero pag gabi na ay nagpupunta ako sa terrace para mag pahangin pero in the end, pag iyak lang ang naidudulot nito.

Akala ko kaya kong kalimutan lahat pero habang tumatagal ay lalo lang bumibigat yung nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na yung lalaking mahal na mahal ko ay pinsan ko pala. Sa tuwing naiisip ko yun ay parang gusto ko ng maglaho.
Bakit nga ba ang unfair ng buhay? Bakit kailangang ganto ang kahantungan ng lahat?

Napatingin ako sa langit. Walang bituin at damang dama ko ang malamig na simoy ng hangin.

"Lord, Bakit po ganyan kayo? Bakit kailangan pagtagpuin nyo pa kami kung ganito lang ang mangyayari? Bakit hinayaan mong mahalin ko sya kahit alam mong mag pinsan kami? B-bakit n-napaka unfair mo? Wala naman akong ginagawa sayo pero bakit itong parusa mo ay sobra sobra! H-hindi ko na kaya! Gusto ko ng sumuko! Pagod na ko!" Patuloy lang ang pag iyak ko at pagsigaw. Alam kong para na akong tanga dahil wala naman akong kausap pero nagsisisigaw ako at patuloy na sinisisi ang panginoon sa nangyayari sa buhay ko.

tama naman ako diba? Sa simula pa lang ay alam nya na ang katotohanan pero hinayaan nya itong lahat na mangyari.

Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa lamesa. Umiilaw ito. Hindi ko alam kung tawag o text dahil sinilent ko ito kanina ng binuksan ko.

Kinuha ko ito at tiningnan. Isa pa lang tawag.

Dale Calling...

Ngayon lang sya tumawag simula ng ipagtabuyan ko sya. Hindi ko alam kung may alam sya sa nangyari pero gusto kong marinig ang boses nya kahit sa huling pagkakataon.
 Pinindot ko ang answer button at inilapit ang cellphone ko sa tainga ko.

(H-hello Jeirah? Ghad! Buti sinagot mo!)
"D-dale I-im S-sorry" halos pabulong kong sabi.
(Jeirah? just. Just wait for me. I'll be there!)
"Whatever happens! I just want to thank you for everything!" Matapos kong sabihin yun ay agad kong binato ang cellphone ko. Desidido na ako! Agad akong pumasok sa kwarto at kinuha ang isang blade.
"I'm giving up!" Sabi ko sa sarili ko bago ko itinapat ang blade sa pulso ko at dahan dahan ngunit may diin ko itong inislide.

Humiga ako sa kama at hinayaang tumagas ang dugo mula sa pulso ko. unti unti akong pumikit.
"my Pain Ends tonight!" Huling salitang nasabi ko bago ako tuluyang pumikit

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now