Chapter 47: Babe i love you

37 1 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw pero hindi pa rin kami nagpapansinan ni Dash. Bahala sya sa buhay nya.

Hindi ako lalapit at makikipag ayos sa kanya. Sya itong may kasalanan pero sya pa itong hindi namamansin at hindi ko makakalimutan yung araw na tinawag nya akong creepy stalker.

Nandito ako sa Garden. As usual, ako lang mag isa dahil hindi pa rin kasi ako kinakausap nila Maggie. Isa pa yang si Dash pati mga kaibigan nya.

"ERAH!" napalingon ako sa tumawag sakin.

"bakit Rommel?"

"SI DASH! NAKIKIPAG AWAY SA GYM."

"A-ano? BAKIT?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo, tara na!"

Tumakbo ko ng mabilis, kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko pa nakikitang nakikipag away si Dash at natatakot ako na baka sobra syang nasasaktan. kinakagat ko nalang ang labi ko para mapigilan ang pag-iyak. Ng makarating kami sa pintuan ng Gym ay agad akong huminto.

"Rommel, hindi ko ata sya kayang makita ng nakikipag away"

"Tsk! Erah bilisan mo na! Pinagtutulungan pa naman sya ng mga kaaway nya!"

"A-ano?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Tumingin ako sa nakasaradong pintuan, lumapit ako at tinulak ito. Pagtingin ko sa loob ay wala akong makitang tao bukod sa lalaking nakangiti sakin na may hawak na gitara.

Nagsimula syang mag strum ng gitara

"Alam ko, sa akin ay nagtatampo ka.
Ramdam ko, kitang kita sa iyong mga mata.
Ang lungkot at ang inis.
Namimiss ko na ang i love you mo"

Ngumiti ulit sya at naglakad papalapit sa akin.

"Tingnan mo, di bagay pag nakasimangot ka.
Mahal ko, para sa akin ngumiti ka na.
Alam mo na mahal kita.
Namimiss ko na ang i love you mo."

Nagulat ako ng may kumalabit sakin atgad ko naman silang nilingon. Inabutan nila ko ng tig-isang red roses. Ngumiti sila sakin at sabay sabay na nagsalits

"Erah, sorry na!"

Nabalik ang atensyon ko sa lalaking kumakanta dahil nagsimula na ulit syang magstrum ng gitara.

"Sorry na, baby ko, wag ka ng magtampo.
Ano mang nagawa ko sana'y patawarin mo.
Sorry na, baby ko, wag ka ng magtampo.
O mahal kita, namimiss ko na ang i love you mo.

Pansinin, ang puso kong naglalambing
Baby ko, para sayo lahat ay gagawin
Alam mo na mahal kita. Namimiss ko na ang i love you mo

Sorry na, baby ko, wag ka ng magtampo.
Ano mang nagawa ko sana'y patawarin mo."

Binitawan nya ang gitara at lumapit sakin. Niyakap nya ako at binulong ang mga katagang ito.

"Sorry na, baby ko, wag ka ng magtampo.
O mahal kita, namimiss ko na ang i love you mo." Hindi ko namalayan ay umiiyak na pala ko habang nakayakap sa kanya.

"M-may tanong ako"

"Ano yun?"

"Bakit may tunog pa rin ng gitara kahit hindi mo na hawak?"

Ngumisi ito ng nakakaloko.

"he-he! mp3 player :)" tinuro nya sakin yung kinalalagyan ng mp3 at speaker. Nakita ko dun ang tatlo at ngumingiti ngiti pa sabay peace sign.

Hinampas ko sya sa balikat.

"Waaaaa! nakakainis ka! Akala ko ikaw yung nag gigitara"

"haha pasensya na babe. Di ako marunong e" Inabutan nya ko ng isang white rose.

"Jeirah, That white and red roses symbolizes my sincere love for you. I'm sorry babe" Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya.

"Dash! i'm sorry too and i love you" Bago pa sya makapagsalita ay hinila ko sya at hinalikan sa labi.

Ghad! I am blessed to have him.

Hindi ko maipalaiwanag yung saya na nararamdaman ko ngayon.

"Yown! Bati na sila!"
Narinig kong sigaw ng mga kaibigan nya. Lumayo ako sa kanya at bumulong

"Thank you" Silly smile formed in his face.

"You kissed me with out permission, You should pay for it"

"Pay wha---" Bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay hinila nya na ako palapit sa kanya at hinalikan. A kiss that made me drown. A one passionate kiss.

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now