Chapter 54:That moment

34 2 0
                                    

Jeirah's Pov

Nakatayo nanaman ako sa Veranda at nakatingin sa langit. Tatlong linggo na ang lumipas simula ng makalabas ako sa hospital, hindi ko masasabing okay na ako dahil alam kong may kulang pa rin pero tanggap ko na ang mga nangyari dahil kaya ko ng ngitian ang mga ala ala ng nakaraan.
Nakita kong may sasakyan ang pumasok sa gate, napangiti ako ng makita sya.
Paglabas nya ng sasakyan ay sumigaw agad sya.
"MAY PASALUBONG AKO!" ngiting ngiti nya pang sabi sabay taas ng Box na dala nya.

"TARA DITO! BILISAN MO!" natawa naman sya at napailing nalang. Nagsimula na syang maglakad papasok ng bahay. Umupo muna ko habang wala pa sya, nakarinig ako ng katok kaya lalong lumawak ang ngiti ko. Ilang segundo lang ay nakarating na sya sa Veranda.

"I miss you Jeirah!" Niyakap nya ako ng saglit.

"OA mo! Kahapon ka lang naman hindi nakapunta!"

"Isang segundo pa nga lang kitang hindi nakikita, namimiss na kita. Isang araw pa kaya!" Sabi nya sabay pout

"Ahaha! Ikaw talaga!" at pabiro ko syang hinampas

"Oy! totoo kaya yun!"

"Naniniwala naman ako!"

"Buti naman! Ako di mo ba namiss?" sabi nya at nag pacute pa

"Hahaha! Yung pasalubong yung namiss ko!" Hinablot ko yung box sa kanya at nilapag iyon sa lamesa sa tapat ko. Sumimangot naman sya at umupo din sa katapat kong upuan, binuksan ko ang box at laking ngiti ko ng makita ang ibat ibang items na may mukha ng bagong idol ko

"Waaaaa! Salamat! Ang gwapo talaga ni GD at ang hot ni TOP." Busying busy ako sa pag tingin sa postcard na puro pictures ng Bigbang ng tumayo si Dale at Lumapit sa railings ng Veranda. Nakatingin din sya sa ulap kagaya ng ginagawa ko kanina.

"Pst!" tawag ko sa kanya pero hindi nya ko pinapansin

"Dale! Uy!" Hindi pa rin nya ko pinapansin. Natawa ko sa isip isip ko dahil alam kong nagtatampo sya. Tumayo ako at tumabi sa kanya

"Wag ka ng magalit oh!"

"Di ako galit! Di ko kayang magalit... Sayo" Napangiti ako lalo. Pumipick up lines pero nakasimangot.

"Dale! Ang ganda ng ulap no?"

"Oo nakikita ko!" masungit na pagkakasabi nya

"Dale okay na ako!"

"Mabuti naman kung ganon!"

"Dale, Thank you for helping me, for staying by my side kahit ilang beses na kitang sinaktan, for supporting me, for not giving up on me and for loving me!"

"Mahal kita kaya ganun!" Hindi na ako nagulat sa sinabi nya dahil halos araw araw ay sinasabi nya yan sakin.

"Dale! Tungkol sa sinabi mo nungg nasa ospital tayo!"

"Alin doon?" Tanong nya habang nakatingin pa din sa langit

"About sa Pag iintay mo ng right time.!" Nakita kong pumikit sya ng saglit bago magsalita.

"Kung sasabihin mong tumigil na ako sa kakaintay at kalimutan na kita, I won't do that Jeirah! I'll still wait na mahalin mo rin ako"

"Simula ngayon, Gusto kong tumigil ka na kakaintay na mahalin kita" Napatingin sya sakin pagkasabi ko nun kaya nag katinginan kami. Ngumiti ako at tumingin naman sa ulap.

"Wag kang ngumiti dahil nasasaktan ako sa sinasabi mo!" Deretsong sabi nya sakin, alam kong seryoso na sya ngayon kaya lalo akong napangiti.

"Gusto kong tumigil ka na sa pag-iintay ng tamang panahon!" magsasalita na sana sya pero agad ko itong pinutol

"Dahil matagal ng dumating yung tamang panahong iniintay mo Dale. Simula ng makilala kita ay nagkaroon ka na ng chance sa buhay ko, Naamin ko na noon na mahal kita at ngayon ay lalong lumalim yung pagmamahal na yun kaya hindi ka na mag iintay pa dahil kaya ko ng panindigan yung pagmamahal ko para sayo." Hindi sya nag react sa sinabi ko kaya tumingin ako sa reaksyon nya. Ngiting ngiti syang nakatingin sakin.

Bigla nya akong hinila at niyakap.

"Thank you Jeirah!" tatlong salita lang pero halatang sincere.

"Ako dapat ang magpasalamat dahil hindi mo ako sinukuan!"

"Everything is worth it. Na sakin ka na ngayon"

"Hindi pa no! "Napakalas sya sa pag kakayakap sakin at agad akong tinitigan sa mata.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Umamin pa lang ako, hindi pa ako pumapayag na magkaroon tayo ng relasyon"

"Ha?" Halatang nagtataka sya

"Hindi pa ako kumpleto Dale. Madami pang kulang dito sa puso ko, madami pa akong bagay na kailangang ayusin"

"Ayusin? K-kagaya ng sa inyo ni Dash?"

"Oo! Gusto kong maayos ang relasyon namin kaya gusto ko ng bumalik sa Manila bukas!"

"Ayusin ang relasyon?"

"oo. Relasyon bilang magpinsan!"

"haaaay! Akala ko kung ano ng relasyon" Ngumiti ako sa sinabi nya.

"Pero sigurado ka ba na gusto mo ng umuwi?"

"Oo Dale! Ayoko ng taguan ang problema. Gusto ko ng palayain yung isip ko sa kakaisip ng masakit na nakaraan. Gusto ko ng mag move forward.

"Nice decision Jeirah!" Pinat nya ako sa ulo. "Pero bago tayo bumalik ng Manila, I want you to know that i love you"

"Halos araw araw mo ng sabihin sakin yan Dal-----"
napatigil ako dahil pinigilan nya ko gamit ang mga labi nya.
nanlaki ang mata ko sa ginawa nya, Nakapikit sya habang magkadikit ang mga labi namin. Unti unti na din akong napapikit ng dahan dahang gumalaw ang labi nya. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. I want to savor the moment.

The moment i admit that i'm moving on.

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now