Chapter 43: Cool off

34 1 0
                                    

Jeirah's Pov

"Jeirah sigurado ka bang ayaw mo pang umuwi?"

"A-ayoko pa Dale. Punta muna tayo kahit saan, Gusto ko munang mag palamig"

"Umm! okay! just don't overthink things."

Nakatingin lang ako sa labas habang nasa byahe. Huminto ang kotse sa tapat ng malaking bahay. O sabihin na nating isang mansyon

"Dale kaninong Bahay to? " tanong ko

"It's mine and my wife" Sagot nya kaya agad na napakunot ang noo ko.

"huh?"

"woah! don't give me that look Jeirah! I mean my future wife" at ngumiti sya sakin. Hanggang 2nd floor ang bahay at may rooftop. Kulay puti at gray lang ang makikita mo. Napakalinis tingnan. Umakyat kami sa rooftop at isa lang ang masasabi ko.

"wow!" Isang fake grass ang nagsisilbi nitong sahig at napakalambot nito sa paa. May maliit din na kubo style sa gilid. May sofa na kulay gray at duyan na pang dalawang tao. May maliit na table na pinagigitnaan ng dalawang folding bed..

"Sayo ba talaga to? Paano ka nagkaroon ng ganto eh nag-aaral ka pa lang?" Tanong ko sa kanya habang amaze na amaze pa din sa paligid.

"haha! Ang cute mo! My parents are divorced but still, my dad gave me allowance. At ayun ang inipon ko sa pagpapagawa nito." May kasama pang bola bago sumagot to. Sa isip isip ko.

"Ganun ba! Ang swerte naman ng mapapangasawa mo kung ganun!"

"oo ang swerte mo!"

"hmm! loko! wag ka ngang ganyan, alam mo namang---"

"hehe nagbabakasakali lang na pumayag ka. Teka kukuha ako ng makakain" sabi nya at umalis. Humiga ako sa folding bed. Ito pala ang purpose nito. Star gazing. Napakaganda ng mga bituin. Napangiti na lang ako ng maalala si lolo Ren. Siguro isa na sya sa mga bituin sa langit.

"Jeirah, pasensya na puro junk foods at wine lang ang stock ko dito. Eto na lang sayo tubig.

"hehe nu ka ba! Pwede naman sakin ang wine. Hindi naman nakakalasing yan"

"Hehe inaalala lang kita. Knowing you, hindi ka mahilig sa mga alcoholic drinks." Humiga na rin sya sa kabilang folding bed.

"Sorry pala kanina Dale, ginamit kita para masaktan si Dash"

"ano ka ba! okay lang yun! Ganun din naman ang gagawin ko. Ang mailayo ka sa kanya. I'm sorry for what happened" Napakagat ako sa labi ko.

"D-dale alam mo ba nung tumingin ako kay Dash. Gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin sya pero yung lipstick sa gilid ng labi nya at yung babaeng nakangiti sa likod nya. Galit yung naramdaman ko. Pangalawang beses nya ng nagagawa yun"

"Jeirah, don't think to much. Maaring gusto lang kayo sirain ng babaeng yun"

"Pero bakit? May gusto siguro sya kay Dash"

"No Jeirah, she's doing it because of her friend"

"Friend? sino?"


"Si Sanney, Best friend nya yun. Gusto siguro nyang makaganti sa ginawa nyo kay Sanney" Napangiti nalang ako ng malungkot.

"nakakainggit si Cassandra no? Nasa malayo na sya pero may nagtatanggol pa rin sa kanya." Napatingin ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Hindi mo naman kailangang mainggit kay Sanney kasi andito naman ako, handa kang ipagtanggol" Binawi ko ang kamay ko.

"D-dale pasensya ka na kung hindi ko masuklian yung pagmamahal mo ah? Mahal ko kasi si Dash"

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now