De Silva

984 42 10
                                    

TUMINGALA si Wolvin at tinanaw ang mahaba at mataas na hagdan ng mansyon. Tahimik ang malaking bahay bukod sa ingay na si Trexton Cristobal lamang ang gumagawa. Tamad na bumalik sa upuan ang bagong kaibigan at kasosyo sa negosyo. Sa harap nila ay nakahanda ang inumin at kaunting pagkain.

Isa lamang iyon sa mga araw na napadpad siya roon upang pag-usapan ang tungkol sa negosyong itinatayo nila. Madalas ay sa opisina nila iyon ginagawa. Ngunit may mga araw na inaaya siya ng kaibigan sa mansyon ng kapatid nito. Kailangan daw kasi nitong matingnan iyon paminsan-minsan.

Of course he just agreed with indifference. He tried to look cool about it. But can he deny it though? Ilang beses man siyang magbakasakali, alam niyang wala siyang madadatnan roon. He wouldn't see her there like how he always dreamt of. He would never see that shock on her face as to seeing him again. Or the curiosity that would cross her eyes for him being at her house. Oh how he just wish dreams do come true. Kahit sana isang beses lang.

No matter how much he tried to brush it off. No matter how much he tried to look and sound cool about it. It was easy to see how much he longs for her.

"I think she's doing great. She's not posting much about her escapades, these past few months pero baka abala lang. Bakit? Miss mo na?" tudyo ni Trex matapos masali sa usapan ang kapatid nito. Hindi naman sadya iyon ngunit talagang pinatulan niya ang pagkakataon upang magtanong.

He can't help it. He wanted to know at least if she's doing good. Kahit na alam naman niyang kayang-kaya nitong mabuhay nang mag-isa.

Umiwas siya ng tingin at ibinigay ang atensyon sa pagkaing nasa mesa. "I'm just asking..."

"Asking if she's happy? Or asking if she's still single?"

Hindi siya sumagot.

"Single iyon. Ikaw nga tinanggihan e," sagot ni Trex bago tumuloy sa pagnguya.

Wolvin sighed. "Do you really have to rub that to my face?"

Trex chuckled and gave him a hard pat. "Sorry bro. Gusto mo ba pauwiin ko na?"

Mabilis na napalingon siya rito. Ikinangiti iyon ni Trex. This bastard really knows how to get to him.

"No matter how far she stray, kaya ko 'yong pauwiin," mayabang na sagot ni Trex. Nang-iinggit pa nga yata.

Nailing na lang siya sa tinatakbo ng usapan nila. Kahit naman umuwi ito, hindi rin naman ito magpapakita sa kanya. And he promised not to see her again.

"Hindi ka ata naniniwala sa akin e. Ako ang paboritong kapatid non."

"Ikaw lang naman ang kapatid non."

"Kaya nga. Wala siyang choice. So as her favorite brother, it's my job to take her side at all times. Hindi ako pwedeng kumampi, kahit ikaw pa iyon. I'm just saying that... I know my sister well. Hindi iyon nadadaan sa paligaw-ligaw. No matter how you woo her, she will reject you without batting an eye. The more you court her, the firmer she says no."

Hindi siya sumagot. Alam na din niya iyon.

Napakamot sa pisngi si Trex sa pananahimik niya. "Naiintindihan mo ba?"

Nilingon niya ito.

"Hindi iyon babali sa salita niya hangga't hindi nagbabago ang isip niya. Walang nakakabago ng isip niya kundi siya lang. Ang problema, sanay na iyong sumagot ng 'hindi' sa parehong tanong. Kaya hindi na niya gaanong napag-iisipan. Hindi mo pa naitatanong,. humihindi na."

Kumunot ang noo ni Wolvin sa tinutumbok ng usapan nila.

Napakamot na naman si Trex sa batok nito na para bang hirap na hirap ipaintindi sa kanya. "Huwag mong liligawan. Huwag mong lalapitan. Huwag mong pansinin. Let her come to you. If she does, then congrats. You can finally have that bayaw label printed on your forehead."

Chased (BS#4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant