E-Exit

1.1K 40 4
                                    

"HINDI KA PA BABALIK?"

Nilingon ni Clarine ang binata dahil sa tanong na iyon. Papasok na siya sa silid sa isang hotel nang sabihin niya iyon. Akala pa naman niya ay nagkasundo na silang malaya na muna siyang gawin ang nais niya at babalik nalang siya kapag nakabalik na ang kaibigan nitong si Roy. Pwede naman niyang puntahan talaga ang kaibigan nito para makausap ng personal ngunit tila may humihila sa kanya para manatili pa ng kaunting panahon sa lugar na iyon.

Maybe it was the place. Maybe, the culture. Maybe, the people and the local food. Or maybe it was just this man in front of her.

Rrright. Ang korni non.

She scrunched up her nose at umiling. "I don't stay long in one place. Nababaliw ako pag ginagawa ko yon." Biro niya.

"Uh-huh. Ano pa bang kabaliwan ang ginagawa mo kapag ganoon?"

Matamis siyang ngumiti sa lalake. Nakapamulsa lamang ito at taas noong nakatitig sa kanya. Humakbang siya palapit at inabot ang leeg nito. Pinadaan niya ang mga braso niya doon upang hilahin ito payuko sa kanya. She breathe in his scent. It's getting really addicting though.

"I don't know. Minsan naglalaro. Minsan namimikot."Bulong niya rito. A soft playful laugh came out from her mouth. Ni hindi man lang ito nanlaban sa kanya. Lumayo siya ng kaunti upang tingnan ang reaksyon ng binata. Sa gulat niya ay ni hindi man lang kakikitaan ng takot ang lalake.

Nagbago na ba ang isip nito? Hindi na takot mapikot?

Hindi man lang nag abalang umatras si Wolvin. He just gave her deep, curious stares that seems to find his way inside her heart. Giving her ectopic heartbeats. Mabilis pa sa alas kwatrong umatras siya palayo rito. Napasimangot si Clarine. Hindi niya gusto ang nakukuha niyang reaksyon mula rito. Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam. Pakiramdam na parang malapit na siyang matalo.

"Umuwi ka na nga lang. Naaalibadbaran na ako sa mukha mo e." Pagsusungit niya rito. Mabilis siyang tumalikod upang pumasok. Hindi naman nagsalita ang binata bagkus ay hinayaan siyang pagsarhan si Wolvin ng pinto.

Wala sa sariling napasandal siya sa likod ng pinto. Nababaliw nga ata talaga siya pag masyado siyang nagtatagal sa isang lugar. Kung ano anong unnecessary emotions ang nabibingwit ng mga red blood cells niya.

Bago pa man siya makaalis palayo sa pinto ay muli niyang binuksan iyon. Naabutan niya si Wolvin na nakatayo pa rin sa harap ng pinto niya. Nakapamulsa at tila may malalim na iniisip.

Baka iniisip pa rin nito kung ilang bilyon na ba ng opportunity cost ang isinusugal nito sa pagsama sa akin.

Nilapitan niya ito at itinuro ang nakasabit na camera niya sa leeg ng binata. "Camera ko, baka maiuwi mo."

Walang imik na hinubad naman nito iyon at ibinigay kay Clarine. "Salamat." Mahinang usal niya sa kawalan ng ibang sasabihin. Hindi pa rin ito nagsasalita. Baka napipi na siguro sa bilyon bilyong nalulugi nito sa negosyo sa pagsama-sama sa kanya.

Akmang isasara na niya ang pinto nang sumilip ulit siya sa binatang tahimik lang na nakamasid sa kanya. "Umuwi ka na nga. Pag bukas ko ng pinto at nandiyan ka pa, sisipain na talaga kita." Banta niya.

Umangat ang gilid ng labi ni Wolvin. Hindi nagustuhan ni Clarine ang relief na naramdaman dahil doon. "Oo na. Bawal ang warfreak dito."

Umirap siya rito at dali-daliang isinara ang pinto.


TANGHALI nang mapagpasyahan ni Clarine na sa restaurant na lamang sa ibaba siya kumain. Katatapos lamang ng one hour unnecessary call from his brother nang siya ay bumaba. Ang naging pag-uusap nila ang siyang laman ng isip niya habang naghihintay siya ng makakain.

Chased (BS#4)Where stories live. Discover now