I-Isla

2.4K 85 10
                                    

"ANTIPATIKO." 


Padarag na umupo si Clarine sa bench. Bigla siyang nawalan ng gana dahil sa pakikipag-usap sa hambog na lalaking iyon. Dahil lang ito ang may-ari ng resort, ganoon na ito umasta? Bakit? Dayo siya doon a. Dapat lang na maganda  ang trato sa kanya!


"Akala mo kung sinong kamukha ni Brad Pitt, matangkad lang naman." Umirap siya habang iniisip ang mukha nito. Lalo lamang siyang nangggigil. "Bwisit!"


Ilang minuto pa siyang nagpalipas sa bench na iyon upang magpalamig ng ulo. Ang malamig na ihip ng hangin ay nakatulong upang pakalmahin siya. Sayang naman ang punta niya roon kung puro inis lamang ang hahakutin niya. 


Akala pa naman niya ay mabait ang lalakeng iyon. He even saved her  from falling on the ground. Well, he was still a little arrogant back there. Talaga ngang totoo ang sabi-sabi. People change. O kaya'y mali lang talaga ang pag-aakala niyang may kaluluwa ang isang iyon.


Inayos niya ang kanyang buhok na itinatangay na ng hangin. Hindi sinasadyang napatingin siya sa isang grupo ng kababaihang naglalaro ang mga edad sa early twenties. Nagbubulungan ang mga ito at nagtutulakan. Sinundan niya ng tingin ang mga ito.


Napataas ang kilay niya nang makitang ang binatang kinaiinisan niya at si Roy ang pinagpipyestahan ng mga ito. Lalong umangat ang kilay niya nang lumapit na ang mga ito at lakas loob na nakipagkilala. 


Roy looked at her direction and smiled when he caught her staring. She smiled back. Nabura lamang iyon nang sumulyap din sa direksyon niya ang kasama nitong lalake. Umirap siya rito ngunit hindi pa rin niya tinantanan ang panonood sa mga ito. Hinihintay niyang pagsisihan ng mga babaeng iyon ang ginawa. She was expecting that jerk to ignore those bunch of women because surely he will. But ironically, he didn't.


Bumagsak ang panga niya nang patulan nito ang pakikipagkilala sa mga babaeng iyon. Umismid siya at umiwas nalang ng tingin.


"Wuh. Pogi ka lang naman kasi maputi ka." 


Nang hindi na niya matagalan ang presensya ng mga tao roon ay nagpasya na siyang lisanin ang lugar. Maglilibot na lang siguro siya sa mga souvenir shops doon. Mag-uuwi din siya para sa kapatid niya kahit pa parati nitong sinasabi sa kanyang tigilan na ang pag-uuwi ng kung anu-ano para rito. 


Last time, she bought him a pirate costume from States, inspired from the Pirates of the Caribbean. Pinilit pa nga niyang ipasuot iyon rito noong Halloween party nila. He was so damn cute wearing it! Lalo pa at namumula pa ito habang parang batang hindi alam kung magtatago o mapapangiwi sa kakakuha niya ng picture nito.


Bahagya siyang napangiti nang maalala iyon. Kung di lang siguro siya nag-aalala na baka isipin ng mga taong makakakita sa kanyang nababaliw na siya ay baka itinuloy niya ang pagtawa.


Pumasok siya sa unang souvenir shop na nakita niya. The huge sizes of teddies and pandas caught her attention.  Napipinturahan pa ng puti at asul ang dingding. It complements the color of the sky and the sea. Although the space was small, maganda at magaan ang atmosphere roon. 


Napapitlag pa siya nang magsalita ang isang binata sa likod niya. Gulat niyang nilingon si Roy.

Chased (BS#4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora