T-Tent

1.5K 71 6
                                    

NAPAILING si Clarine habang nakapamaywang. Sa harap niya ay nakatayo at nakaayos na ang tent. Hindi naman talaga sira iyon, ang lalaking nagngangalang Wolvin de Silva talaga ang may sira sa tuktok. Hindi lang nito maayos na na-assemble ang tent. Siguro dahil ayaw nitong mapahiya kaya nasabi nito iyon or maybe he's just too innocent about tents.

Nilingon niya ang binatang nakaupo na sa blanket na kanina ay siya ang gumagamit. Aba, feeling senorito pa ito!

Nang makita nitong tapos na ang tent ay bumaling ito sa kanya. "Are you sure you fixed it?"

"Are you sure you know anything about tents?" Balik-tanong niya sa binata. Iniikot niya ang mga mata at kinuha ang kanyang mga gamit para ipasok roon. Wala naman siyang narinig na anumang reklamo mula sa binata. Malaki naman ang tent na iyon. Kasya nga ata ang tatlong katulad niya kung tutuusin.

Hindi pa man tapos si Clarine sa ginagawa ay pumasok na sa loob ang binata. Napasinghap siya at napaatras sa biglang pagsalubong ng mukha ni Wolvin. He was few inches away for a second there, she almost kissed the tip of his aristocratic nose! Mabuti na lamang at nakaatras siya agad!

Sumiksik siya sa gilid nang tuluyan na itong makapasok. Sa isang iglap, ang ideyang akala niyang tatlong taong kasya sa loob, ay pinagdudahan niya. Baka nga bawat kilos niya ay masagi niya ito! Damn him for being a giant!

"You are eating up the whole space!" She whined.

"I'm huge." He stated as if that wasn't still obvious. "If you'll excuse me, I'll sleep now."

Humiga ito at halos sinakop ang three fourth ng espasyo. Ni hindi man lang siya hinintay na tuluyang maayos ang kanyang pwesto. Kinuha niya ang unan na nasasandalan nito. Ah, hindi siya makapaniwalang kailangan niyang tumabi sa lalaking ito. Kung sa labas na lamang kaya siya?

Akma siyang kikilos nang muli itong magsalita. "Maraming lalaking pwedeng humila sayo habang tulog ka labas. Sa liit mong iyan, kahit ilagay ka sa balde, hindi mahahalata."

Kumunot ang noo ni Clarine. Was he trying to warn her? Concern ba iyang naririnig niya? Parang hilaw. Kumilos ito at tumalikod sa kanya ng higa.

"I'm not trying to stop you but if you'd choose to sleep outside, well then, please do that."

Sandali siyang nag-alangan kung susundin ang sinabi nito. Kung susunod siya, alin ba sa dalawa? He was trying to warn her, earlier. Now, he's trying to shoo her away para masolo nito ang tent na pinaghirapan niya. Is he trying to manipulate her by reverse psychology? Teka, alin doon ang reverse?

She glared at him. He was already fast asleep. Mahinang hilik pa nito ay naririnig niya. This bastard.

Sa huli ay nagpasya siyang matulog sa tabi nito. Away as much as possible but that seems impossible. Lalo pa't konting kilos lang niya ay nagkakadaiti ang balat nito.

Darn it. Di siya makapaniwalang may tinatabihan siyang lalake sa pagtulog! Nasaan na ang modern dalagang Filipinang dugo niya? Marahil tinakasan na rin siya sa mismong oras na nahiga na siya.

 Sumiksik siya sa pinakagilid. Naglagay ng unan sa gitna nila at saka pumikit. Modernong dalagang Pilipina siya ngunit oras na gumawa ito ng di niya gusto, baka makalimutan niyang isa siyang dalagang hindi nanggugulpi.


NAGISING si Clarine dahil sa maingay na tinig ng mga batang nagtatakbuhan sa labas. May mga naririnig din siyang mga tinig sa labas ng tent na hindi niya makuha ang sinasabi. Iminulat niya ang mga mata at nabungaran ang espasyo sa gilid niya. Wala na ang binata. 

Nag-inat pa siya at nagpagulung-gulong sa espasyong kanyang-kanya na. Sino ba ang hindi gaganda ang gising kung ganito? Wala siyang mabubungarang asungot sa umaga. Nakangiti siyang bumango at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang kamay. Natigilan lamang siya dahil sa mga tinig na papalapit sa tent.

Chased (BS#4)Where stories live. Discover now