T-Tiny

1.4K 56 3
                                    

TUNOG ng makina ng bangka ang umaalingawngaw sa kanyang tainga ngunit hindi naging sapat iyon upang hindi niya marinig ang sinasabi ng binata.


"I can't tell him, yet so you stay in my hotel for the mean time. I'll take care of the expenses. I am the owner after all."


"Why do I have to? Sabihin mo nalang sa kanya kapag tingin mo ay ayos na."


"He'll feel bad if he found out about you leaving, early. Hindi pa kayo halos nakakapag-usap o baka naman..." Naningkit ang mga mata nito sa kanya, tila nagsususpetya.


"Hindi pa kami nakakapag-usap." Sagip niya.


"Just as I thought. Which means, hindi ka pa niya nakakasama nang kayo lang. I'd like to give him a chance to be with you before he gets his hope crushed and his heart broken by some... tiny stranger."


"Grabe ka naman. Parang sinabi mong ang sama ko sa kaibigan mo."


"You wanted to leave without saying goodbye. You wanted me to tell him, instead that you don't like him back. Maayos ang buhay mo samantalang miserable naman ang kaibigan ko. Saan roon ang hindi ka masama?"


Sinipa siya ng konsensya dahil sa sinabi nito. Ngumuso siya dahil sa pagkapahiya. He has a point though. She didn't really think about it that much. Nasanay na kasi siyang ganoon. Umaalis siya na parang walang naiwang nabago niya. Ang mahalaga lamang sa kanya ay ang kasiyahan. Hindi na niya nakuha pang ikonsidera ang damdamin ng mga taong nabibiktima ng alindog niya. Kung may mga date man siyang pinatulan, alam naman ng mga lalaking iyon na wala rin iyong patutunguhan. Like it was once in a travel, date. Wala nang kasunod kapag uwian na.


"What do I do, then? Should I just accept his feelings?" She asked.


Hindi ito nagsalita. Tumingin ito sa malawak na dagat na tinatahak nila pabalik. Para bang na-offend niya ito someway, somehow. Bumuntong-hininga siya. Mas madaling isantabi ang damdamin ng mga tao sa paligid, kagaya ng nakagawian niya. Unlike today, nadadawit siya sa magulong sirkumstansya dahil nangialam pa siya't hinayaan ang bibig na magsalita. She always does the opposite of what she should have done when she's with him.


"Uulitin ko lang ha? You want me to stay in your beloved and high class hotel until your friend comes back dahil isa kang dakila at matulunging kaibigan. And so you want him to at least spend time with me until I can finally reject him face to face. Is that it?"


Kunot-noong bumaling ito sa kanya. "Why, you heartless tiny... creature..." He trailed off as he looked at her face. He let out a deep sigh. "Yeah. Whatever."


"Hindi ka ba malulugi niyon?"


"That's why you're bad for my business."


"Eh di malulugi ka nga?" Sinubukan niyang silipin ang mukha nito baka sakaling salubungin na nito ang mga nagtatanong niyang mga mata. "You know, may hindi ka pa alam tungkol sa akin." Napakamot siya sa kanyang pisngi. Ah... paano ba niya sasabihin?

Chased (BS#4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant