L-Leave

429 19 8
                                    

HINDI naging madali ang pagbalik ni Clarine sa kompanya. Kung para sa iba isa iyong hulog ng langit na pagkakataon, hindi para sa kanya. Sa unang linggo niyang pagbalik sa kompanya ay maraming nanghuhusga at kuryusong mga mata ang nakalap niya.

Sabagay, sino nga ba namang matutuwa kung bigla nalang susulpot sa opisina ni Trex ang nakatatandang kapatid nito na ilang taon nang hindi nagpapakita sa madla? Kahit sa mga social gatherings ay malimit ang pagpunta niya.

Iilan lamang ang nakakalam sa itsura niya. Tanging ang pangalan niya ang nananatiling pagkakakilanlan sa kanya bilang kabilang sa pamilyang Cristobal. Good thing though, the same executive assistant she had in Cristobal Structures was reassigned in Cristobal Steel Archives. Kahit paano ay naibsan ang kaba niya sa pagbabalik sa trabaho.

Itinuon niya ang unang dalawang linggo sa pag-aaral ng mga naiwang trabaho. Katreena, her executive assistant, now on age thirty seven, helped her with the details she need. Kahit sa dalawang linggong pagtutok niya upang aralin ang mga bagong polisiya at mga naiwang trabaho ay hindi pa rin naging sapat. She even had to stay later than most of the employees to study the work and review the for approvals at the same time.

Trex did not fail to be nosy everytime. He would always insist that she does not need to do that work for him. It would only fuel her desire to learn and finish the job. Katreena, on the other hand, assured her that she was just doing fine. Clarine can only be grateful that she had someone she knew from the past. Alam nito ang kakayahan niya at nagtrabaho na ito noon sa kanya kaya't hindi siya nito basta-basta na lamang mahuhusgahan dahil lamang nagsisimula siyang muli sa kompanya.

Unlike some people...

"Narinig niyo na ba iyong tungkol sa acting VP?" anang ng isang tinig ng isang babae.

"Oo naman. Nasabi nga rin sakin ni Owen na madalas daw napapa-overtime. Minsan siya nalang ang naiiwan rito sa opisina. Nahihirapan siguro," saad pa ng isang babae sa mas matinis na boses.

"Eh baka naman kasi wala talaga siyang alam sa ginagawa niya? Ano bang alam niya sa kompanya? Unlike Boss, everybody knows how competent he is. Probably why he's the one handling their companies, right? Kahit hindi siya ang panganay..."

Nagpatuloy pa ang mga ito sa pagtsitsismisan sa loob ng comfort room ng ikaapat na palapag. Nagkataon pang kakagaling lamang ni Clarine sa Procurement Department na nasa ikaapat na palapag lamang. Doon na rin siya nagpasyang gumamit ng comfort room nang di na kinakailangang umakyat sa kanyang opisina. Isa pa, gusto din niyang makita ang Engineering Department.

Hindi niya inaasahan na doon siya mas makakasaksi ng mga interesanteng bagay. Lumabas siya sa cubicle habang patuloy pa rin ang sunud-sunod na palitan ng mga tanong tungkol sa kakayahan niya.

"Ano bang natapos non? Iba talaga kapag anak-mayaman ka no? Madali nalang sayo ang makaakyat sa tuktok. Sana bumalik na si Boss. Miss ko na siya."

"Oo nga e. Sana saglit lang mawala si Boss. Nakakamiss makita ang mukha niya. Hindi na nakukumpleto ang linggo ko- aray!" Hiyaw ng dalagang may mahabang buhok hanggang baywang na abala sa paglalagay ng eyeliner. Bumaling ito sa kumurot ritong katrabaho na may kulot na buhok hanggang balikat. "Ano bang-" Nanlaki ang mga mata nito nang tumutok ang mga mata kay Clarine.

Kalmadong naghugas ng kamay si Clarine sa sink. Banayad ang paghinga niya at pinanatili ang kawalan ng emosyon sa mukha. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niyang natatarantang nag-aayos ng mga gamit ang dalawang babae.

"Uh... Ma'am... Boss. Goodmorning po."

Clarine took tissues in the wall mounted dispenser. She dried her hands on it before she decided to turn to the two ladies. Kampante niyang tiningnan ang dalawang babaeng namumutla na. Ang isa ay may hindi pa pantay na eyeliner.

Chased (BS#4)Kde žijí příběhy. Začni objevovat