W-Whole

7K 128 11
                                    

SHE was packing up her things. Mamaya na ang flight niya. From Afghanistan ay umuwi siya ng Pilipinas upang bisitahin ang bahay niyang kasalukuyang nirerenovate. And now, from Manila, she'll be flying to Iloilo. Bago man lang siya pumunta sa susunod na destinasyon sa labas ng Pilipinas, she makes sure that she'd be flying around the country for a while. Philippines first before other countries.


Isa siya sa milyong-milyong taong nangangarap na malibot ang buong mundo. Ngunit isa lamang siya sa kakaunti na gustong libutin ang buong Pilipinas at kasuluk-sulukan nito bago magtatampisaw sa Pacific ocean. Kaya naman naging ritwal na niya na bago maggala sa ibang bansa ay sa sariling bansa muna siya maggagala. And her next top was Iloilo, the heart of the Philippines. 


Nasa sentrong parte ito ng archipelago. Iloilo City used to be known as Queen City of the South but then Cebu was also called that way. Magkaganoon man, both place has it's own charm and grace to showcase.


The Philippines is very, and really beautiful. Maraming tao ang naghahangad na makita ang ganda ng ibang bansa nang di hinahangad na makita muna ang itinatagong ganda ng sariling lupa. Ang palaging unang mapapansin ay ang magulong lungsod, maingay at mausok na mga sasakyan, mamahaling bilihin and even poor airports, which is quite real. But, if people will just ignore the downsides of traveling and the defects of this country, mas ma-apprecite siguro ng lahat ng Pilipino ang bansang ito. And she... just can't afford to miss that kind of beauty.


Napalingon siya nang kumatok ang kapatid niya. He was leaning on the door frame and looking at her. Iniwan niyang bukas ang pinto ng kanyang silid.


"Ang dami niyan a. Wala ka na bang balak bumalik, ate?"


"Wala na. Tutal naman ibang babae na ang hinahanap mo lagi." Pagtatampu-tampuhan niya. Her brother was too in love with that girl. Wala naman siyang tutol doon sapagkat gusto niya si Keit para  rito. The girl has a pretty face and a pretty heart. Mas gusto niya ito kaysa sa mga babaeng ipinagduduldulan ng kanilang ina sa kapatid niya. Good thing, her mother seemed to stop doing that.


"Aw, come on."


"Don't come on, come on me, Trexton."


"And I thought you like her!" Anito. Umupo na ito sa kama niya. Isinara niya ang zipper ng kanyang back pack. Tinapunan nalang niya ng tingin ang kapatid.


"I do." She said afterwards.


"So what seems to be the problem here?"


Naningkit ang mga mata niya rito. "You haven't brought her to our house! Kailan mo siya balak ipakilala kina Mommy? Kapag nakahanap na siya ng iba na handa siyang kaladkarin sa paanan ng mga magiging in-laws niya? Ay, iba ka, baby boy. Sige ka, ikaw din ang iiyak." Sabi niya rito.


Sumimangot ito. "Kahit isang balde pa ng lalake ang kumaladkad sa kanya, hindi iyon sasama."


Iniikot niya ang mga mata. Masyado talagang kampante itong kapatid niya. Palibhasa lagi nitong ginagayuma ang dalaga.


Chased (BS#4)Where stories live. Discover now