W-Words of Wisdom

319 16 1
                                    

"MAGSABI KA SA AKIN, CLARINE,"

Mariing na napapikit si Clarine sa matinis na tinig ng kanyang ina. Naipagpasalamat na lamang niyang nakaalis na ang kapatid at si Keit. Mabuti na iyon nang hindi na kailangang marinig ng mga ito ang away na iyon.

"Anong nangyari? Bakit ganoon?"

"Wala, Ma. Narinig niyo naman. Sa kanya mismo galing. We're not into each other. Huwag niyo nang pilitin."

"Anong wala? Matinong lalake si Vin, anak! At ikaw? Ilang taon ka na? Kung mayroon ka man lang boyfriend, hindi naman namin ipipilit sayo ang ganito."

"Just drop it, Ma. Tanggapin niyo nalang ni Papa na hindi na talaga ako mag-aasawa. Wala akong balak. At ayoko."

Hinaklit ng kanyang ina ang braso niya. "Hindi kita maintindihan, Clarine!"

"It is exactly what I said, Ma."

"Ano bang nangyayari sayo?"

Humugot siya ng malalim na hininga. Nayayamot na sa paulit-ulit na tanong. Sana pala ay sumama nalang siyang umalis kaysa manatili sa bahay na iyon.

"Anak, pinagbigyan namin ang lahat ng kapritso mo. If you don't want to handle the company, then fine. If you want to travel around the world, go! Pero bakit ka ganyan katigas? Are you really serious on being alone?"

"Yes," pinal na sagot niya. Maang na pinagmasdan siya ng kanyang ina. Kaguluhan at mga tanong ang gumuhit sa mga mata nito.

"Bakit? Ipaliwanag mo sakin ng mabuti nang maintindihan kita. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip mo." Pumikit ito ng mariin at pilit na kumalma. "Fine. I am mad right now because I am very disappointed," dagdag nito. Tumalikod ang ina at napasapo sa sariling noo.

Nang humarap ito ay halata pa rin ang iritasyon sa mukha nito. Pilit lang nitong kinakalma ang sarili habang kinakausap siya. "Alam kong matanda ka na. At hindi na kita dapat pangunahan. But what we're doing is all for you, anak. Hindi ko na alam kung paano kita iintindihin. Magsabi ka naman sa akin."

Pinakatitigan niya ang mga mata ng ina. Handa itong marinig ang anumang galing sa kanya. She bit the insides of her cheek. Alam naman niyang kahit anong sabihin niya hindi magiging sapat o tama para rito. Pero anong gagawin niya? Iyon lang ang pinanghahawakan niyang tama. Naninindigan siyang tama kung anong alam niya.

"Sinabi ko naman Ma. Ayaw niyo lang tanggapin. Ayokong mag-asawa. Hindi ako magpapakasal kahit kanino. Hindi ako... handa na iwanan ang buhay na alam ko. This is all I've known to be mine. Freedom. Huwag niyo na po akong pilitin."

"What happened to you, Clar? Hindi ka naman ganyan noong bata ka."

Clarine bit her lower lip to stop if from quivering. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Humugot siya ng hangin bago nagsalita.

"I'm sorry if I keep you getting disappointed. Hindi na ako katulad ng dati, Ma. I don't have anything I want before. I don't even have a dream before. Habang silang lahat gustong maging doktor, engineer, abogado o negosyante... wala akong... wala akong naisip na ganoon. The only thing I knew back then was I just need to be a good daughter and a sister. Pinilit ko namang makibagay sa mundo niyo. It's just that I'm different.  I'm sorry if I'm not like any other daughter." Tumulo ang luha niya. Natigilan ang kanyang ina.

Pumikit si Clarine at nailing. Nayuko siya sa kahihiyan. "I'm sorry if I don't have anything you can brag about. But I am happy with how my life has been." She looked up to her mother to plead. She just wanted to drop this conversation. "Don't strip me off of my freedom. It's all I've ever known as truly mine. Please, huwag niyo na po akong pilitin. Hayaan niyo nalang ako, Ma."

Chased (BS#4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu